Menemis McGyver

June 23rd, 2010 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 8 Responses

Isa sa mga sikatchupoy na characters sa tv noong bata pa ko ay si McGyver.

Kung merong James Bond sa pelikula, sya na halos ang katumbas nito. Maliban na lang na wala naman syang high tech na mga gadgets at hindi rin naman sya secret agent.

Mala super hero, baka pa. Kunsabagay, lahat naman ng bida, mala-super hero ang dating.

Kumbaga sa Pinoy, ang bida hindi pwedeng mamatay. Dahil kagaya nung pelikula ni FPJ na namatay sya, sa sobrang sama ng loob ng mga manonood na jejemons noon, binomba nila yung sinehan.

Kaya kita mo, di pwedeng mamatay si FPJ buhat noon. Kung mamamatay man, laging buhay ulit. Enihaw, wala akong balak buhayin ulit si FPJ, naisingit ko lang.

Si McGyver ang gusto iwento. Hindi si McGyver na myembro ng tropang ekis na nananaksak ng ballpen sa leeg. Kundi yung bida sa tv series nung 80s na pinaghalong action star at Ernie Barong. Oo, sa kanya namin ipinangalan yung tropa naming ekis.

Lahat kasi ng butas, kaya nyang daanan. Kahit na anong panganib kaya nyang lampasan. Lahat ng problema, kaya nyang solusyunan. Para syang palaging may encyclopedia sa dibdib, at hardware sa bulsa. Uubra syang chemist, botanist, physicist, at kahit di naman sinabi, sigurado akong kaya din nyang maging astronaut.

Di nya kelangan ng superpowers. Swiss knife lang.

Pero sa hinaba haba naman kasi ng series at sa dinami-dami ng mga kumplikadong problemang minamani lang nya, hindi naman naging malinaw kung ano ba talaga ang first name ni McGyver.

O sige, hulaan mo kung ano ang first name ni McGyver.

  1. pehpot says:

    shyempre di ko knows dahil nung bata ako ayaw ko sa kanya, di ako makanood ng kartuns!

    buti meron ng wiki haha

    beef daw este angus pala

  2. bluep says:

    Pre napaghahalata ang edad natin bwahaha. First name of McGyver is Angus.. tandang tanda ko at palagi ko pinapanood yan noon sa Channel 9 kasama Knight Rider, Blue Thunder, Airwolf at Perfect strangers….

  3. melandriaromero says:

    he he he, fave ko din yan. Fave kasi yan ng daddy ko, kaya wala akong choice kundi makinood narin, wala ba ditong doggie howser M.D. ?

  4. BURAOT says:

    aktwali, angus nga. wahahah! kasi sa show kapag pinapakilala sya, lagi nya sinasabi, Menemis McGyver. Wahahah!

    si Doogie Howser peborit ko din.

  5. caloy says:

    napapanuod ko to kasama tatay ko.. kaya ko sya nahiligan kasi ala ako choice, ayaw ilipat sa cartoons eh..

    ang akala ko name nya Mc tpos apelyido nya Gyver… indi ba?
    .-= caloy´s last blog ..Top EntreDroppers =-.

  6. reyapot says:

    kuya parang ayaw ma post ang comment ko! :-(

    ang akala ko name nya Mc tpos apelyido nya Gyver… indi ba?
    .-= reyapot´s last blog ..Top EntreCard Droppers =-.

  7. rhyannefranz says:

    isang trivia lang po… mula sa taga quiapo… may mabibiling mga bala nito hanggang season 6. pag tanong mo lang dun…
    .-= rhyannefranz´s last blog ..PESO TO A MILLION =-.

  8. BURAOT says:

    reyapots, baka inantok lang yung akismet. weheheh.

    rhyanne: bala nino? ni mcgyver?

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes