Bah Beh Bih.. Boh Buhhh!

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!

Isang araw, umuwi ang isang misis, nagkakandirit at naghihihiyaw na sinabi sa kanyang mister, “Alam mo bang yung migraine kong nagpapahirap sa akin ng halos porty payb years? Wala na! Yahuuuuu!”

“Wala na? Anong ginamit mo Head-On Apply directly to your forehead!? Wa happen?” pang-aasar ni mister.

Sabi naman ni misis, “Dinala ako ni Mareng Winnie sa isang nanghihiponanghihipno.. naghi-hypnotize na si Madam Bola! Wala lang daw akong gagawin kundi humarap sa salamin at sabihin ng paulit -ulit..

“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Wala na ang sakit ng ulo mo!”
“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Wala na ang sakit ng ulo mo!”
“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Wala na ang sakit ng ulo mo!”

“Biruin mo, gumaling na sakit ng ulo ko!”

“Huwaw! Parang magic!” sabi ng mister. Nang biglang me naisip si misis.. “Alam mo lately parang wala ka ng gana sa kin, bat di mo subukang pumunta din dun ke Madam Bola..” Kahit na medyo alanganin, napilitan na rin si mister.

Pagkagaling nya sa nanghihipo.. nanghihypo.. nanghi-hypnotismo, tuloy tuloy sya sa kwarto, naghubad sya ng damit, at dali-daling hinalikan ang kanyang misis.

“Wag kang aalis, i’ll be back!” sabi nya sa gulat pa ring misis. Nagdiresto sya sa banyo at makalipas ang ilang minuto ay bumalik sa kwarto at nakipag make love sa asawa like never before.

“Huwaw! Grabe ka!” sabi ng misis.

“Wag ka uling aalis, i’ll be back ulet!” sabi uli ni mister. Pumunta ulit sya sa banyo, at pagbalik  ay nag round two pa ng mas matindi sa una.

“Mahabaging langit!” sigaw ni misis na maluka-luka.

“Wag ka uling aalis, i’ll be back na naman!” sabi na naman ni mister. Diretso sya uli ng banyo. Pero di nya alam, sinundan na sya ni misis. At doon nakita nya si mister na nakaharap sa salamin at sinasabi ng paulit-ulit..

“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Hindi sya ang asawa ko!”
“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Hindi sya ang asawa ko!”
“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Hindi sya ang asawa ko!”
“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Hindi sya ang asawa ko!”

Sa Sabado na po ang libing. Imbitado kayo.

Tags: ,

This entry was posted on Friday, July 9th, 2010 at 2:49 am and is filed under BOY BASTOS, MISTER EN MISIS. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

5 Responses to “Bah Beh Bih.. Boh Buhhh!”

utakmunggo July 9th, 2010 at 3:18 am

at talaga namang kamuntik na akong nahulog sa aking upuan kakatawa!

rhyannefranz July 9th, 2010 at 8:30 am

nahihipo.. nahihypo.. nahi-hypnotismo ako nung pektyur mo…
rhyannefranz´s last blog ..PESO TO A MILLION My ComLuv Profile

babae July 9th, 2010 at 9:54 am

meron talagang ganun? kakaloka makikipaglibing ako wehehehe!!!

mia July 13th, 2010 at 5:23 am

kilala mo pa ba ako? hehehehe.

da best ka pa din buraot! :)

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes