Meet Edwin Puge. Pagkasa-puge naman talaga. Anong sinabi ni Mister Swabe. (Hindi po sya yang nasa piktyur, medyo hawig lang.)
Pag sa sideview mala-Bong Revilla. Sa kanang sideview, ala Jovit Moya. Sa backview ala Robin Padilla. Pag front view, Wagna Muna. Sa patilyang patilya naman aakalain mo si Ronnie Poe. Pero pag sa kilay, Inaku Po.
Ang timbre ng boses, parang brodkaster sa radyo ang dating. Pag tumayo, machong macho ang dating. Pag naglakad, me paka missing link lang ang dating.
Pero kahit gagay-an gay-an yang si Edwin, kaibigan at kainuman ko yan. Minsan, pag walang magawa, kabugbugan ko din. Yun lang naman eh kung wala na kaming mapaglibangan. Gaya nung minsang tadyakan ako ng pitumpu’t-pitong puting tupa kwatro kantos dun sa bahay kubo ni Pepot. Nung manghamon ako ng away sa isang lamay, sya ang humarang at nagbugbugan kami sa gitna ng kangkungan.
Palibhasa macho, ayun bugbog ata ako. Sa totoo lang di ko matandaan sa sobrang kalasingan. Kaya ang ginawa ko, kumuha ako ng gulok at sya kong niresbakan. Kaya naman from kangkungan, diretso na ako sa kulungan para magkape. Sempre me kasabay na yosi yun. Courtesy ni hepe. Sabay batok sa kin at papasok pa ako sa iskul.
Nung sumunod na gabi, magkainuman kami ulet.
Hayyy.. buhay sa amin sa Timbuktu, mamaya sila-sila ang nagsasaksakan, susunod na gabi, sila ulit ang magkakainuman. Ganun lang talaga kami maglambingang mga magka-kababayan.
Sya ay isang playboy na walang syota, pabling na alang jowa. Mauubos na ata ang binata sa bayan namin sa timbuktu, sya na lang ang wala. Pihikan kasi. Pihikan ang mga nililigawan nya.
May kapatid yung isang trops ko na super ganda. Nung tinanong namin kung bakit naman sa dami ng pwedeng ligawan yun pa. Hindi dahil sa kapatid sya ng trops ko. Kundi ang layo ng agwat nila. Ang layo ng agwat ng hitsura nila. Eh pangit na nga daw sya, pangit pa ang pipiliin nya.
Wais. Mana ata ke Lumen.
Hindi naman sya chick boy. Yung pwede sa chick pwede sa boy. Dapat na lang nga ata naging ganun, para kung wala syang mapala sa chick, baka sa boy meron naman.
Forty payb years na ng huli akong naligaw sa aming probinsya. Siguro naman sa tinagal tagal ng panahon, me nagoyo na sya. Para naman maipasa na nya ang trono nya.
Bilang Last Puge of Naujan.


hahaha., nice description .
ay ako kaya ito?????
@munting bisiro: salamat sa dalaw. weheheh.
@dayunyor: weheheh. sigurado akong hindi. hindi marunong mag-kampyuter yun sigurado. weheheh.