Sensya Na Tao Lang

August 16th, 2010 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 3 Responses

Oo, alam kong matagal na kong di nakakapag-update ng blog na ito. Alam ko rin na para ka nang adik sa alak na kanina pa nag-aabang sa tagay. Kahit pa nga sabihin mong magtagal na ko sa su%$ wag lang sa baso, wala ka pa ring choice kundi ang maghintay.

Eh sa tinatamad ako eh! Alam mo namang peborit ko ang porty payb years. Kaya porty payb years din bago ako mag-update. Busyng busy kasi ang lolo mo sa peysbuk. Kum bakit kasi naimbento pa yang peysbuk peysbuk na yan. Para syang titser ko nung grade two, sagabal sa lahat ng plano.

Eh isang kasi pa,  kinakalawang na naman ang mga kasu-kasuan ko.  Katunayan, tinutubuan na sya ng kung anu-anong nuno. Sabi nga ni dok, meron na daw akong “calcium build-up in your  joints”. Baka ata nasosobrahan ako sa gatas ng ina at masyado na ang supply ng calcium ko, kung saan saan na tumutubo.

Bukod kasi sa kusa na lang bumaluktot yung aking hinliliit, nagkaron na rin ng parang bukol yung gitnang joint ng aking himpapakyu (middle finger). Pati ang kaliwa kong tuhod medyo namaluktot na rin ng konti kahit di naman malamig. Pesteng gout yan. Kung anu-anong ginagawa sa mala-adonis kong katawan. 

At dahil kinakalawang na ang mga haligi nitong bahay ni Kulapo, kelangan ko muna kumpunihin. Abangan mo na lang muna kung ano ang babaguhin ko sa site na to. Kasi di ko pa rin alam.

Sensya na tao lang.

  1. rhyannefranz says:

    YAHOO… una ako… salamat at nagpost ka din… eh di ngayon nalibang na ako uli at natawa.. salamat
    .-= rhyannefranz´s last blog ..Million Dollar Lamborghini Freeroll =-.

  2. Tsiremo says:

    Durugin ang mga gouts na yaaaan!!! WB

  3. BURAOT says:

    rhyanne: hokey sa holrayt. sayang yung site. wehehhe.

    tsiremo: salamat sa dalaw kahit wala akong bagong mga post. ;)

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes