Mga Gigil sa Kalye Gatil

August 20th, 2010 by BURAOT Categories: Layp at da Pugad Baboy, Samahang Butong Pakwan 5 Responses

Hindi kalayuan sa may palengke ng bayan namin sa Timbuktu, may lugar na kung tawagin ay Kalye Gatil.  Maalamat ang kalye na yun. Sipunin pa lang ako, Kalye Gatil na ang tawag dun.

Ewan ko ba kung bakit dun sa bayan namin, magagaling talaga yung mga tao na gumawa ng pangalang kakaiba. Parang libangan na namin ang patawanin ang mga sarili namin.  Hindi ko alam kung dahil ba walang magawa at tamang inip lang, o talagang masayahin lang.

Mahabang kalye ang kalyeng kinatatayuan ng Kalye Gatil. Mula sa dulong-bayan hanggang sa may simbahan, tagos ang kalye na ito. Pero ang tinaguriang Kalye Gatil, iisang kanto lang naman.  Magmula dun sa bahay nina Pamping hanggang sa may kabilang kanto, yun lang yun.

Pero kahit na iisang kanto lang yun, isang barangay halos ang katapat.

Yun ay dahil, isang tao lang dun, sampu ang katapat. At hindi uubra ang kayabangan mo dun, dahil puro high blood ang mga tao dun. Wag kang mag-uumpisa ng argumento, dahil pupulbusin ka ng mga yun sa dami ng abogado. Batang paslit pa lang dun, dudugo na ang ilong mo sa tindi ng gigil.

Champion ang mga tao dun sa kakapal ng mga gatil sa leeg. Kumbaga sa manok, kulang ang gulok para magilitan mo sa kapal ng gatil. Kaya ako nung bata pa ko, tuwing dadaan ako dun, lagi akong naka-tungo. Kunyari may hinahanap lang ako sa daan habang naglalakad. Ayoko ngang tumingin, baka mamaya matitigan ako, dumugo rin ilong ko.

Pero sa totoo lang, ang mga taga Kalye Gatil ay tipikal sa mga taga-Naujan. Matatapang, maabilidad, hindi patatalo at kumbaga  ay may deep sense of community. Bagay na mahirap hanapin sa ibang lugar na walang pakialaman ang magkakapitbahay.

Lagi akong tambay dyan. Masarap kasi makinig sa mga matatandang nag-iinuman habang nagvi-videoke dahil magaganda ang mga boses. Ikaw ba naman ang araw araw na nagsisisigaw, eh pag hindi rin napraktis ang vocal chords mo. Dyan ata nauso yung nag-aaway kapag pangit ang pagkakakanta mo ng My Way.

Kaya ako hindi kumakanta, baka mapa-away din ako mahirap na. Namumulutan na lang ako.

  1. rhyannefranz says:

    w0w ayus sa lugar nyo ah!!! sa amin kc sa tondo sibilisado ang mga tao, ang away sa amin lagi nakaschedule. nga lang sa sobrang dami ng nagpapaschedule parang araw araw may away.
    .-= rhyannefranz´s last blog ..“Why do you think you should have at least a pair of DEFACTO custom fit jeans” =-.

  2. Parang Tondo din pala ito.

    Saan ba ito?
    .-= Paul/ Entertainment tonight´s last blog ..Princess Snell on Survivor Philippines Celebriy edition =-.

  3. BURAOT says:

    wehhe. di naman maraming away. magigil lang. dito ito sa bayan namin sa mindoro.

  4. rea says:

    kawawa naman

  5. jeric says:

    gud pm.
    pwede ko pong malaman kung sino po yung nasa picture dito? taga pilipinas po ba sya. intereseado po kasi kaming ifeature sya sa tv. kung tga pilipinas po sya, ssan po at paano ko po sya makokontak? thanks po..

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes