Naalala ko yung mga klasmeyts ko nung grade one. Kung tawagin namin ay mga sipsep kay teacher kasi biruin mo, kabata bata eh napaka super duper competitive.
Killjoy, super masunurin, taga-lista ng mga maiingay at hindi ba marunong mag enjoy. Sila ang tinaguriang mga makapili ng section.
Chill men chill.
Sa totoo lang sila yung mga malulupit ang dedication at alam mong malayo ang mararating kasi seryoso sa pag-aaral.
Hindi yung mga katulad naming mga iskul bukol ang dating at malingat lang ang titser, nagrarambulan na sa room. Sila rin ang kung nagkataong hindi naman matalino ay pihado namang nag-uuwi ng medal kasi best in conduct at best in attendance.
Wala lang, naisip ko lang sila. Paminsan minsan kasi talaga may naiisip ako. Mahirap naman yung walang naiisip di ba.
Kasi aawardan ko din yung mga best in attendance dito sa site ni Kulapo. Na kahit wala ang promotor, nandito pa rin sila dahil either or, pwede ring multiple choice,
a. sipsep sila kay Kulapo,
b. naglilista din sila ng maingay at pasaway,
c. seryoso din sila sa buhay, o
d. wala rin lang sila magawa
Narito po silang mga walang sawang Best in Attendance habang absent ang titser.
Tsi Remo
Bahaw na Tutong
Panulat
Butter Cookie
Melandria
Reyna Elena
Bluepanjeet
Indecent Mind
Sendorero
At iba pa na mga wala namang website at naligaw lang dahil mag ka-peysbuk ko na sina Dayoreno at NBM, pero suki din dito at naghuhukay sa ating mahiwagang baul. Dahil diyan papadalhan ko kayo ng aming suking papremyo, tig-isang dosenang plastic balloon. Sempre used.
Chill men chill.


ay absent ako! ahuhu…
sakitin na din ako titser LOL
tumatanda na din
bout attendance post mo kung kelan dumalaw ako dito sa site mo bossing…hehehe…di man akong laging dumadalaw..pag dumalaw ako read mode talaga ako to the highest level..at loyalist mo ako…heehe..
minsan magandang pamatay ng antok ang malulupit mo pagkukwento..nyahehehe…MORE POWER!!!!
@pehpot: style ko lang yan. yan yung mga bgong bwisitors na kelangan lagyan ng link. weheheh.
@jeck: salamat po. teka, bat walang link ng site mo?
ako din absent
oks lang. ngayon present ka na. wahahha!