Si Berto ay isang bulag. Minsan naisipan nyang kumain sa isang maliit na restoran. Pag-upo nya sa isang mesa, lapit ang waiter, na sya ring may-ari at binigyan sya ng menu.
“Pasensya na bosing, pero bulag po ako kaya di ko mababasa yang menung binigay mo. Bigyan nyo na lang po ako ng ilang maduming kutsara, aamuyin ko at malalaman ko kung anong ulam yun. Dun na lang po ako oorder.” sabi ni Bertong Bulag.
Nagtataka pero interesado ang may-ari kung papano gagawin ito ng bulag. Kaya bumalik syang me dala dalang isang dosenang gamit na at nanlalagkit na mga kutsara at inilagay ang mga ito sa ibabaw ng mesa.
Isa-isang inamoy-amoy ni Berto ang mga kutsara at pagkalipas ng ilang fortypayb years minuto… “Ahhh, yes. Ito ang oorderin ko. Kalderetang baka at laing na gulay,” sabi ni Berto.
“Whoa! Kagila-gilalas! Lubhang mahiwaga ang kanyang ilong! Isa syang alamat!” kwento ng may-ari sa kanyang asawang si Kirina, na sya namang cook sa loob ng kusina.
Makalipas ang isang linggo, muling nagbalik si Leon Guerrero sa Senado Bertong Bulag na may mahiwagang ilong sa nasabing restoran at dinalhan na naman sya ng menu ng may-ari.
“Boss, di mo ba ko natatandaan, ako yung bulag.” sabi ni Berto.
“Ay naku, paumanhin po, nakalimutan ko. Sandali lang po at babalik ako para sa mga kutsara,” sabi ng may-ari.
Makalipas ang ilang minuto, muling inamuy-amoy ni Berto ang mga malalagkit na kutsara… “Ahhh.. hmnnn. Kakagutom! Bossing, pa-order nga ako ng nilagang baka, at samahan mo na rin ng patis at kalamansi,” takam na sabi ni Bertong Bulag.
Hindi makapaniwala ang may-ari. Kaya sinabi nya sa kanyang sawang si Kirina na sa susunod na bumalik si Bertong Bulag, ay tetestingin nya kung gaano kagaling ang kanyang maalamat na ilong.
At isang linggo pa nga ang lumipas at nagbalik ulit si Bertong Bulag na may mahiwagang ilong sa kanilang restoran. Nang makita ito ng may-ari ay dali-daling nagtatakbo ito papuntang kusina at sinabi sa kanyang asawang, “Kirina, dali! Ipahid mo kutsarang ito sa panty mo, dali ka!”
Matapos itong gawin ni Kirina, dali dali namang dinala ng may-ari ang kutsara kay Bertong Bulag.
“Good afternoon Mang Berto. Welcome po sa aming restoran. Narito po ang mga kutsara at ready na po para sa inyo,” sabay patong ng kutsara sa mesa.
At katulad ng dati, aamuy-amoyin ni Berto ang malagkit lagkit pang kutsara, habang ngingisi-ngisi naman ang may-ari. “Tingnan natin ang galing ng ilong mo ngayon!” sabi ng may-ari sa sarili.
Dinampot ni Berto ang kutsara at nakaka-isang amoy pa lang ng biglang..
“Aba, dito pala nagtatrabaho si Kirina?”
Porty payb days na po ni Berto kahapon.


Kailan ang 100 days ng kamatayan niya. Makita ko man lang ang ilong niya. hehehe. Naghugas kaya si kirina?
nyahahahahaha!!
Hahaha! Natawa ko dun ha.
anak ng!!! si kirina pala un o!
may tinatagong kiri!!
hahahhaha. buti na lang nadapa ako sablog mo. addicting. now a follower!
hihihi… hahaha…
wew ! sa panty ! yeah !
Hahahaha, pag binabasa ko itong site ni anaknikulapo nawawala ang pagod sa trabaho. Hehehehehe galing mo tlaga. Paki include nama po ang blog ko. Thanks po
ibang klaseng ilong yan ah at amoy ni kirina churo amoy gang kabilang bayan si kirina…ahhahahaha
nakakatawa… kaso p[ara ilogical ata yung pagkakatapos ng kwento… indi solid yung dulo at pagkakatugma nung kwento.ok na sana yung dating na may love affair yung kirina at berto…naguluhan ako sa 45 days.anu yun manok? eh 40 days ang alam kong celebration ng kaluluwa bago pumanik ke pedro.:)