Isang doktor, abugado, at isang pari ang kasama ng sakristan na si Buboy sa isang eroplano patungo sa isang misa.
Nasa kalagitnaan na sila ng byahe nang biglang bumigay ang makina ng eroplano. Wala nang magawa ang piloto kundi sabihing kailangan na nilang iwanan ang eroplano.
Sa kasamaang palad, tatlong parachute na lamang ang natitira.
“Isa akong doktor at sumasagip ako ng buhay, kaya kakailnganin nyo akong buhay,” sabay kuha ng isang parachute at sabay talon at sigaw ng..
“Geronimooooo!!!”
“Isa akong abugado. At ang mga abugado ang pinakamatalino sa mundo, kaya kailangang mabuhay ako,” sabay kuha ng isang parachute sabay talon at sigaw ng..
“Geronimooooo!!!!”
Napatingin ang pari kay Buboy at sinabing,“Anak, matanda na ako at nabuhay ng masaya at mapayapa. Ikaw ay bata pa at may magandang kinabukasan. Kunin mo na ang huling parachute at maging mabuti sa kapwa.”
Kinuha ni Buboy ang natitirang parachute at iniabot ito sa pari sabay sabing..
“Oks lang yan father, yung super talinong si Geronimo, nabitbit ang backpack ko.”


SikatchuPosts