Amputanginaan Case

May 6th, 2011 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy 5 Responses

Mga kwento mula sa korte ng paglilitis laban sa mga akusado sa karumal-dumal na Amputanginaan  Massacre.

***

Abogado: Mister, yung biktima po ba ay misis ninyo?
Pedro: Opo
Abogado: Ayon sa report, sya ay 53 anyos na, ilang taon na po ba siya?

Pedro: Hulaan mo.

***

Abogado: Sa palagay mo ba, posible bang sila silang mga biktima ang nagpatayan?

***

Abogado: Posible bang ang mga sugat ng biktima ay dahil sa mga kagat ng lamok?

***

Abogado: Dok, ilang autopsiya na po ba ang nagawa ninyo sa mga bangkay sa buong buhay ninyo.
Doktor: Lahat po sila. Kasi yung mga buhay ay pumapalag.

***

Abogado: Natatandaan po ba ninyo kung anong oras ninyo isinagawa ang autopsiya?
Doktor: Alas nuwebe po  ng gabi.
Abugado: At patay no po ba nuon si Mrs. Ampatuan?
Doktor: Hay naku. Buhay po po yata. Kasi habang ino-otopsy ko sya, nakatingin sya sa akin at nagtataka kung ano ginagawa ko.

***

Abogado: Yung walo po ninyong mga anak na naging biktima, ilan po ang babae?
Biktima: Lahat po.
Abugado: Eh ilan po ang lalaki?
Biktima: Hulaan mo ulet.

***

Abugado: Ngayon dok, totoo ba na kapag ang tao ay namatay habang natutulog, karamihan sa kanila ay hindi ito nalalaman hanggang sa kinaumagahan?
Doktor: Ewan ko sa yo.

***

Abogado: Ngayon, sabihin mo ang nangyari
Witness: Sabi po nya sa akin, “Papatayin kita!”
Abogado: Pinatay ka ba niya?

***

Abugado: Nung umaga na mangyari ang krimen, ikaw ba ay nag-iisa o wala kang kasama?
Witness: Ha?

***

Abugado: Dito sa Exhibit A, nakikilala mo ba ang taong nasa litratong ito?
Witness: Opo. Ako po yan.
Abugado: Kung sa gayon, ikaw ba ay narito nang kunan ang litratong ito?

***

Abugado: Ngayon misis, papaano pong naputol ang pagsasama ninyong mag-asawa?
Misis:  Namatay po ang isa sa amin.
Abugado: Maaari po bang sabihin ninyo sa hukumang ito kung sino ang namatay?
Misis: Alangan namang ako.

***

Abugado: Ilang buwan ka nang nagdadalantao?
Babae: Magtatatlong buwan na po ngayong September 10.
Abugado: Kung sa gayon, malinaw na ikaw ay nabuntis noong June 10. Hindi ba?
Babae: Opo.
Abugado: At noong mga oras na iyon, ano naman ang iyong ginagawa.
Babae: Hindi mo ba talaga alam?

***

Abugado: Ikaw ba o ang kapatid mo ang namatay sa insidente ng araw na iyon?
Witness: Your honor,  I need another lawyer. Please.

***

 

  1. pmonchet says:

    Abogado ba nga yan o komedyante? hehehe

  2. toni says:

    kaya pala abugago nakalagay sa tags.

  3. toni says:

    si kuya noel nasa jeddah na pala.

  4. RachelN says:

    Hahaha….stupid lawyers….(sorry..no offense meant)…had a good laugh though…

  5. patoy says:

    my pamangkins will say “crazy”

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes