Sa loob ng isang rumaragasang train, mayroong isang Ruso, Cubano at Pinoy ang nagkukwentuhan, nag-iinuman at nagkakasayahan. Tumayo ang Rusong si Ivan, tinungga ang hawak hawak na bote ng vodka . Glug glug glug.
Sabay sabing…
“In Russia the Motherland, we have the best vodka in the whole world, nowhere can you find Vodka as good as the one we produce in Russia. And we have so much of it, that we can just throw it awaaaay…”
Sabay bukas ng bintana ng tren at hagis ng bote ng vodka. Wagapak!
Palakpakan ang mga pasahero. “Woohoo! Ang yabang!!!
Di magpapadaig, bumanat ang Cubanong si Fidel. Kumuha ng tabako sabay sindi. Hinithit ang tabako, sabay buga. Swooooshhhh!
“In Cuba, we have the best cigars in the whole wide world, the Havanas. Nowhere can you find a good cigar but Cuba,” yabang nito.
“And we have so much of them that we can afford to just throw them awaaaaay!” sabay hagis ng sandamukal na tabako sa bintana ng tren.
Palakpakan na naman ang mga pasahero, mas malakas pa kesa dati. “Woot Wooot! Ambangis!!!”
Pagkatapos noon, lahat tumingin sa Pinoy. Tahimik lang ang Pinoy pero halatang buraot na buraot na. Habang ang lahat ng mga tao sa loob ng tren ay naghihintay sa kung anong sasabihin nya. Lahat iisa ang iniisip. Kakayanin kaya nito ang kayabangan nung dalawa? Malampasan kaya nya ang bangis? O forever na lang itong mananahimik dahil natameme sya? Kaya walang humihinga, lahat nag-aabang. Walang maririnig kahit background music.
↓
↓
↓
Tumayo ang Pinoy na si Mike, binuksan ang bintana ng tren at inihagis si Gloria.
Palakpakan ng masigabo ang lahat ng pasahero pati na rin ang mga servers, driver at konduktor na Pinoy. “Woohooo! Wawawiii! Woot woot! Pinakamabangis!!!”


hahaha. astig!!!