» alamat
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for the ‘alamat’ Category

Bonifacio Day, Sikatchupoy Day

Sunday, November 30th, 2008

Pula ang pantalon ko ngayon.

Di ko pa rin alam kung bakit sina Bonifacio, type magsuot ng pulang pantalon. Pwede namang green. Pero pinili nila ang pula. Siguro dahil magda dance revolution sila. Sempre color coding yun pag me gyera.

Tingin ko, yung mga pantalon nila ang dahilan kung bakit kelangan na nila punitin yung mga sedula nila. Para di na sila makilala. Wahahahha! Kumbaga sa commercial ng southwest airlines dito.. “wanna get away?” Kasi nga kahiyaan na sila sa pagsusuot ng pulang pantalon, mas minabuti na nilang wag na makilala.

Kaya naman pinili ko talaga ang araw na ito ang deadline sa pakontest ko.

Kasi katulad ni Bonifacio, nagsuot din ako ng pulang pantalon. Kaya nga di rin ako nagpapakilala. Maliban dun sa minsang iwagayway nila yung mala anghel kong piktyur sa Inquirer, di ko na inulit yun. Kasi bukod sa IRS na humahanting sa kin, pinagtataguan ko din yung mga pinagkakautangan kong Bumbay at mga bookies ng ending dun sa amin sa Dimasalang. Pati na rin yung utang kong limang case ng beer ke Mang Tabog.

Buti na lang di uso sa kanila ang magbasa ng blog.

Paalala lang po. Ngayon po ay Sikatchupoy Day din. Dahil Nov.30 na, deadline na rin ng aking mala-impaktong pautot. Mamayang hatinggabi dito sa pinagkukutan ko, isasara ko na ang mga electronic voting booth.

Kaya yung mga gusto pang humabol, pwede pa kayong magpa photo finish dahil advanced ang oras dyan sa Pinas, me natitira ka pang ilang oras. Wag mo kalimutang magparamdam agad kasi baka di agad mahanap ng mga alagad ko yung mga incoming links.

Sya, sya… tama na ang basa. Post na!

Buntot ng Mangyan

Wednesday, October 22nd, 2008

Noong nag-aaral pa ko sa Manela, lagi kaming kinakantyawan sa iskul namin kapag nalaman nilang taga-Timbuktu ako.

Kasi nga maraming mga sandugong Mangyan sa Timbuktu, akala nila lahat ng taga-dun, Mangyan na din. Pero okey lang naman kahit tawagin nila akong Mangyan. Eh ano naman? Akala lang nila masyadong malayo sa kabihasnan ang Timbuktu. Eh sa totoo lang, malapit lang naman.

Mula sa Manela, sasakay ka lang ng traysikel paputang kanto. Tapos nun, sasakay ka ng dyip papuntang Lawton o kaya Cubao o Pasay. Pagdaan mo ng Pasay, wag ka lang dadaan sa mga motel dun dahil matatagalan ang byahe mo.

Tapos sasakay ka ng bus papuntang Ala-eh pier at dun ka sasakay ng darko o kaya dangka dahil kelangan mo tumawid ng pacific ocean. Pagdating mo sa kabilang ibayo, andun ka na sa Timbuktu at sasalubungin ka na ng mga Mangyan with matching bulaklak na para kang presidente ng tralala.

Pero di p dun nagtatapos ang byahe mo. Para makarating ka sa bayan ng lolo ko, kelangan mo uling sumakay ng dyipni hanggang makarating ka sa mismong bayan ni kulapo. Kung taga-bukid ka naman, sasakay ka ulit ng traysikel o kaya isa na namahg dangka.

Lapit lang.

Madaming Mangyan dun sa amin. Kung tawagin namin ay sandugo. Madalas mo silang makikita na naglalakad sa palengke at nakikipag trade-in ng mga kung anu-ano. Ilang latang sardinas lang ang katapat, me brand spanking new pana at sibat ka na. Pwede mo na ngayong sibatin yung nagwawalang lasing na kapitbahay nyo. O kaya naman eh panain yung manok nung kapitbahay nyo para me libre kayong tanpuluts.

Ang pang-asar lang ng mga unggoy na taga-Manela, kami daw mga Mangyan ay may buntot. Yukkks. Tameme naman sila kapag rumesbak kami kasi sa totoo lang (ulit), OO sige na…  me buntot nga kami… pero wala sa likod, nasa harap.

Yung iba, tahimik na lang kapag ganun ang epal namin. Yung iba naman parang medyo magtataka at di ma-gets. Kaya naman pinapakita ko sa kanila yung piktyur ko noon sa Timbuktu nung bata pa ako. Ayan ang piktyur ko, wag mo dedekwatin ha?

v
v
v
v
v
v
v
v

v

v

v

 

Labadami Labango

Wednesday, October 15th, 2008

Di ako naglalaba. Natawa lang ako dito sa bagong plug-ins na sinalpak ko dito sa site ko.

Nun kasing nasa blogger pa ako, inggit na inggit ang lolo mo sa plug-in nung ibang mga blogista na me anik-anik sa kanilang page na commentluv. Yun yung kapag magko-comment kawsa ibaba ng post nila ay makikita din yung latest post mo galing sa blog mo. Simpleng advertisement. Gandang pampahatak din ng mga bwisitors pabalik sa site mo.

Pero kelangan ang title ng post mo eh medyo karumal-dumal o kahindik-hindik para makuha mo atensyon nila.

Kaya naman nitong inilipat ko na tong letseng blog na to sa wordpress, isa sa unang binalak ko eh ay ang magkaron nito. Wala nga lang akong balak na gawing mala Carlo Caparas Massacre ang mga headlines nito. O kaya ala Xerex. O kaya “how I became a millionaire with my blog” ekeks para lang maka-attract ng mga mambabasa. Okey na ako sa labing-isa one thousand syete mil na masugid (naks hanlalim) at walang kasawa-sawang regular kong mambabasa.

Kaya lang ako natawa kasi ajax ang pangalan nung plug-ins. Parang kasamahan nina Superwheel at Mr. Clean. Sempre di mawawala ang walang kamatayang Tide. Isama mo na rin si Lumen. Si Jennifer at si Bulak di pwede kasi hangang ngayon di pa rin nakikita.

Pero dun sa amin sa Timbuktu, Perla ang gamit ng nanay ko. Mas mabango sa damit. Pati na rin sa mukha. Habang naghihilamos ako ng Perla sa mukha at sa mga singit singit sa me tabing sapa, nagpapalu-palo naman si mader sa mga di madurog durog at halos tumayo nang mag-isa na Levis ng mga kuya ko. Ang sabi ng mga matatanda, pag daw Perla ang ginamit mo, kikinis ang balat mo at pwedeng pwede ka nang maging model sa kinis at puti.

Totoo naman ang pala ang kasabihan. Dahil suki ako ng Perla, nung lumaki ako, naging model din ako. Habang nag-aaral ako sa college, nagpa part time ako sa pagmo-model. Model ng sabong panlaba.

Nakailang try ako na ikabit ang plug-in sa site ko pero sempre, laging palpak. Kundi pa sa aking tech support, di ko malalaman na hindi lang pala ako basta bastang eng eng. Super pa. Di bale, siguro mga forty payb years pa, expert na ako dito.

Kaya naman ngayon, magsawa na kayo mag-comment ng mag-comment. Kada comment mo naman kasi, me libreng plastic balloon link.

Ang Alamat ng Singkong Kulot

Tuesday, July 15th, 2008
Naabutan mo na ba ang singkong kulot? Kung ikaw ay myembro ng generation XYZ, malamang hindi. Pero kung ikaw ay kasingtanda na ni Kopong Kopong, sigurado, pasok ka!

Wala lang. Kasi habang nagmumuni-muni ako habang nanonood ng palitan ng dollars at pesoses, di ko maubos maisip kung bakit, habang tumatanda ako, lumiliit ang halaga ng pera. Naiisip ko tuloy kapag natigbak na ako eh can’t afford ko na ang halaga ng kabaong. Kahit magpa-cremate mahal din.

Balak ko sana wag na mamatay para di ako magastusan. Pero malabo. Kaya ang solusyon ko dun, para makatipid, bibili na ako agad ng kabaong habang medyo mura-mura pa ang kahoy. Narra para mas matibay hindi bubukbukin.

Enihoo, naalala ko din yung pera noong araw, noong mga panahong nasa elementary pa kami ni Mahoma. Noon kasi, yung baon kong beinte singko sentimos, nakakabili na ako ng palamig at sinulbot (banana cue po iyon). At sempre, me tira pa ako para ipambayad kay Ma’am dun sa pulburon na ibinebenta nya sa classroom. Kahit di masarap, kelangan bumili ka ke ma’am para mataas ang grade mo. Nakakaiwas lang kami bumili ng polvoron kapag me supply na nutri-bun sa canteen. At kapag me piso ka, makakabili ka na ng house en lot. At ang mga singko ay iniipon namin. Nautuwa kasi kami dahil kakaiba sya, kulot.

At kahit bata pa kami, me savings account na kami sa Banco Filipino. Yung mga sampera na square ang madami kaming naiipon, bukod kasi sa paborito yung ipamigay ng mga lolo’t lola namin, magaan din kasi sya sa bulsa. Sa sobrang gaan nya, lumulutang sya sa tubig. Oo, pramis.

Hinalughog ko ang internet para malaman kung bakit ginawang kulot ang singko na yun. Di naman kulot si Tandang Sora. (tol, piktyur nya ang nakalagay dun, see pic. ayun andun sa itaas) Kaso, wala akong makita eh. Siguro kaya ginawang kulot yun, para kapag hinahawakan mo, madali mo syang malalaman kung singko nga sya. Siguro din, dahil disco era noong mga 70’s, uso ang afro, kaya ayun, sumunod sila sa uso. Baka rin naman kulot yung chairman ng banko sentral noon.

Ngayon me singko pa rin naman, kaso mo butas na sya. At di ko rin malaman kung bakit nag-i-isyu pa nito. Eh yung beinte singko nga wala ka na mabili eh, singko pa kaya. Mas mahal pa nga ata ang value nung bakal na ginagamit para gumawa nito. Sana ginawa na lang nilang plastic para mura. Pwede pa i-recycle.

Di naman ako nahirapan maghanap ng piktyur ng singkong kulot. Yun, madali hanapin. Kaso hanggang ngayon, di ko pa rin makita yung kapatid ng singkong kulot, si singkong duling. Bukas ko na lang sya hahanapin, gabi na.

Sakit Chupoy

Thursday, March 13th, 2008
Parang kakagising ko lang nang mapansin ko na mahigit isang linggo na naman pala akong walang post. Tinamaan na naman kasi ako ng walang kupas na lagnat bata trangkaso.

Lagnat na umaabot ng 500 degrees, katawang parang nabugbog sa hazing, ilong na parang walang butas sa sobrang barado sa bibig ka na lang humihinga kung minsan sa tenga, pag hindi naman barado bumabaha naman na basta na lang sya lumalabas na parang gripong naiwang bukas o kaya ay linya ng Nawasa na maraming butas….

Hatsing na sangkatutak para syang baby armalite, ubong para kang inaatake ng hika na mukha ka nang hinahapo na asong gala, sakit ng mga siko, tuhod at mga kasu-kasuan (joints po yun), sakit sa ulong parang minamartilyo, minamaso at ginagamitan ng drill, madalas bigla ka na lang giginawin na para kang mina-malaria o kaya naman e parang me humahaplos sa yo na mumo. Oo ganun.

Grabe. Hirap ng me sakit. Wala pa naman nag-aalaga sa kin dito.. (paawa)


Sa totoo nga lang, mas gusto ko pa mabugbog kesa magkasakit. Eh kasi nga takaw-bugbog ako kaya sanay na ko dun. Sisiw! At least yun, muscles mo lang ang masakit. Eto buong katawan, pati mga atay at balun-balunan mo masakit.

At sempre pag me sakit ka pa, magde depress depressan ka rin. Kesa naman mag senti na naman ako dito at pahirapan ko sarili ko, tamang imagine na naman ako at pilit na nililibang at inuuto ang sarili ko.

Naalala ko tuloy si Doctor Kwak Kwak. Naisip ko tuloy kung sino nga ba yun at kung sino nag-imbento sa kanya. Siguro, pag magaling na ko, hahantingin ko din sya tulad ng paghahanting ko ke Kopong Kopong. Naalala ko din namang kontakin si Ernie Barong, baka me suggestion syang remedyo sa mga problema ko. Kaso naalala ko din, matagal na nga palang nag-Saudi yun na walang balikan. No choice ako kundi hanapin na lang si Doctor Kwak Kwak.

Alam ko noon, me walang kamatayang mala-cachupoy na generic drug para dito sa sakit ko eh. Kisspirin at Yakapsule.

Eto baka gusto mo ding subukan…. Togmolodon? Gusto mo?

Kwek Kwek na Lang!

Thursday, March 6th, 2008
Minsan, naburaot na naman ako. At para kumalma ang ulo ko, hanap muna ako ng matsitsibog. Tamang-tama kasi bagong sweldo ako noon. Matutuwa na naman ang sawa sa tyan ko. Sempre kahit bawal sa rayuma ko, order ako ng steak.

“How do you want your steak.. rare, medium rare, well done?”

“Whatever,” sabi ko. Masakit ulo ko, ayoko mamili. “ok, medium rare.”

“What side do you want? We have mashed potato, veggies, corn on the cob…”

“Whatever… ok veggies.” hay dami choices, nagka migraine na ata ako.

“How do you want your bread, white or wheat toast?”

“Whatever… white.” Nagugutom na talaga ako.

“What drink would you like.. we have…”

“Okay okay! Just coffee!” lilitanyahan na naman ako eh.. uupakan ko na to..

“You want regular or decaf? For regular coffee we have..”

“You know what? I’ll just have water. Tap water.” Baka kung anu ano na namang ibanat pa eh..

“Oh sir, I forgot.. the filet mignon comes with a glass of wine… what would you prefer? caber…”

“Okay okay!!! I changed my mind! I don’t want it anymore. Too many choices. I’ll just have spaghetti instead.”

“Well, alright sir.. would you like it with meatballs? What sauce would you like? We have…”

“You know what? Forget about it.. “ Kaasar. Busog na ko. Taena.

Naknangteteng. Buti pa noon sa Recto, pupunta ka lang dun sa me Isetann, uupo ka dun, wala nang tanung-tanong, hahainan ka na ng kwek kwek na nakalagay sa maliit na platito na medyo malagkit lagkit pa. Makikita mo, yung mga pinagkainan ng iba, isasawsaw lang sa isang timba na me tubig, solb na hugas na yun. Ipapagamit na sa iba.


Parang yukkie, pero sarap naman. Sabi ko nga, mas okay pa yung medyo me dumi, kasi pampalakas ng immune system. Enjoy ka pa sa view. Habang kumakain ka ng kwek kwek at humihigop nung sukang sawsawan na pinagsawsawan na ng buong bayan, andun ka pa sa kumabaga ocean view. Ocean of pipol, na nagkakandirit papasok sa mga iskul, hawak hwak nila ang kanilang mga celfon at nagte-text habang naglalakad. Ang galing nga eh, naglalakad sila ng hindi tumitingin sa daan, sa celfon lang.

Sa kabilang side naman, kita mo yung haba ng trapik na papuntang Morayta. Pag sumilip ka naman sa ilalim ng tulay, kabilaan din ang trapik dun sa Quiapo. At sempre laging hazy, sa kapal ng mga usok. Hayyy.. ganda ng view…

Miss ko na ang kwek kwek.

Pinay Scandal, Pinoy Iskadaloso

Monday, January 7th, 2008
Hmppt. Sa sobra kong pagdadalamhati sa sinapit ni Tagpi, ilang araw din akong di nakapamburaot. Hikbi. Naalog ata ang aking utak at walang pumapasok na hangin sa aking brains. Salamat sa mga nakidalamhati sa aking pinakamamahal na si Tagpi.

Hokey naman na sya. Matapos kong paliguan limang gallon na betadine, tinapalan ko naman ng tatlong metrong salonpas, okey na sya. Pina chek ap ko na rin sya kay Dr. 90210 at solb na. Mabubuhay si Tagpi. Kaya lang medyo madugong salapi ang kinakailangan para sa kanyang surgery. Kelangan nya kasi ng facial reconstruction, kontiing nose lift, bukol reduction at continuous na skin toning. Kailangan din daw ng smart lypo.

Sabi ko, dok naman… baka naman pwedeng wala nang lypo, type ko kase yung medyo mola. hehehe.

Masaya naman ako. Kaso sempre, kelangan meron masisisi. At sabi nga ni kumareng Xienna Jollibee daw. Ayos!! 2 birds in one bato. Kase matagal na akong me utang ke repapits na Kotseng Kuba tungkol sa pagpo-post ng malaswang Pinay Scandal na hit na hit sa internet.

At heto nga naispatan ko ang pinaka-matinding Pinay Scandal sa balat ng YouTube. Malamang naispatan mo na ito matagal na, di mo lang nabanggit sa kin kasi nga luma na. Luma na kasing balita ang nasisinghap ko minsan. At para makabawi din ako, eto na ang aking paninirang-puri.

Palisin mo muna mga bata dahil , FOR ADULTS ONLI ito.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana