Kryptonite
Thursday, January 1st, 2009
Di ko na-enjoy ang holidays. Kakalabas ko lang ng Q.I.
Halos dalawang linggo na kasi akong inuubo, natabunan na ng plema (ekskyusme po) ang buong pagkatao ko. Di na ako makahinga. Feeling ko ako si Superman na sinabitan ng green kryptonite. Hinang-hina na ako. Hinahapo. Nung una, para lang akong si Inday Garutay, di nagtagal, nawala na ng diretso ang boses ko. Kaya takbo na ako sa ospital.
Sempre dahil wala namang dumudugo sa yo, kahit nasa emergency room ka pa, maghihintay ka pa rin. Para din akong sumasalang sa mga job interviews dahil nakailang tao at tanong din ang dinaanan ko bago pa ako ipinasok sa loob ng mga clinics.
At dahil di ako makahinga, sinalpakan nila ako ng nebulizer. Nakatulong naman. After two days na para akong hinihika, nakahinga na rin ako ng maluwag sa wakas. Idinaan din ako sa isang malaking xerox machine. Piniktyuran yung likod ko kung andun pa daw ang baga ko. Awa ni Lord, andun pa naman.
Me nakita pa nga silang kakaiba. Me nakasalpak daw na bakal na mga isang pulgada sa loob ng tagiliran ko. Kaya dalawang doktor ang lumapit sa akin at pinag kakapa ang likod ko. Sabi ko baka naiwan ko yun nung nasa perya pa ako at lumululon ako ng espada. Di ako pinansin.
Matapos ang labing siyam na pagmumuni-muni, Acute Laryngitis at Bronchitis daw. Ganda ng bagong taon ko, me bwena mano regalo agad.





Ilang araw na ko me sakit. Bago pa mag pasko. Walastik kasing snow na yan.
Ang galeng! Parang yung napanood ko sa DVD na Tokyo Drift…..
Kahit ilang taon na ko dito sa isteyts, bihira ako makakita ng snow.Kasi naman sa LA, wala nun. Maliban kung pupunta kami sa me mga boondocks.
















