» anakanang
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for the ‘anakanang’ Category

Kryptonite

Thursday, January 1st, 2009

xrayDi ko na-enjoy ang holidays. Kakalabas ko lang ng Q.I.

Halos dalawang linggo na kasi akong inuubo, natabunan na ng plema (ekskyusme po) ang buong pagkatao ko. Di na ako makahinga. Feeling ko ako si Superman na sinabitan ng green kryptonite. Hinang-hina na ako. Hinahapo. Nung una, para lang akong si Inday Garutay, di nagtagal, nawala na ng diretso ang boses ko. Kaya takbo na ako sa ospital.

Sempre dahil wala namang dumudugo sa yo, kahit nasa emergency room ka pa, maghihintay ka pa rin. Para din akong sumasalang sa mga job interviews dahil nakailang tao at tanong din ang dinaanan ko bago pa ako ipinasok sa loob ng mga clinics.

At dahil di ako makahinga, sinalpakan nila ako ng nebulizer. Nakatulong naman. After two days na para akong hinihika, nakahinga na rin ako ng maluwag sa wakas. Idinaan din ako sa isang malaking xerox machine. Piniktyuran yung likod ko kung andun pa daw ang baga ko.  Awa ni Lord, andun pa naman.

Me nakita pa nga silang kakaiba. Me nakasalpak daw na bakal na mga isang pulgada sa loob ng tagiliran ko. Kaya dalawang doktor ang lumapit sa akin at pinag kakapa ang likod ko. Sabi ko baka naiwan ko yun nung nasa perya pa ako at lumululon ako ng espada. Di ako pinansin.

Matapos ang labing siyam na pagmumuni-muni, Acute Laryngitis at Bronchitis daw. Ganda ng bagong taon ko, me bwena mano regalo agad.

Ubo Ubo Ubo

Saturday, December 27th, 2008

iglooIlang araw na ko me sakit. Bago pa mag pasko. Walastik kasing snow na yan.

Isang gabi, na-stuck ang kotse ko. Di na kinaya na umakyat pa ng pataas sa sobrang kapal ng snow. Dumudulas lang. Kaya no choice ako nun kundi iwanan sya sa tabing-daan. Naglakad ako pauwi. Pagdating ko ng bahay, nangangatog ako sa lamig, namumuti ako sa snow at inaapoy na ako ng lagnat.

Kinabukasan, binalikan ko si Tagpi, di pa rin uubra. Malakas pa rin ang snow, nakabaon pa rin sa yelo.

Kinabukasan ulit. Balik ako. Si Tagpi, nagmukha ng igloo. Yung snow sa bubong 6 inches na. Kahit super lamig pa rin, at medyo umuulan pa rin ng snow, medyo me araw naman na. Kaya pwede nang pagtyagaang hukayin yung yelo.

Gamit ang lumang license plate, pinilit kong kayurin at hukayin ang yelo sa paligid ng kotse ko. Inabot ako ng isa’t kalahating oras bago ko sya tuluyang naialis sa pagkakalubog sa snow. Pero dahil pataas ang daan papunta sa bahay ko, pinaatras ko na lang sya pababa ng daan.

Makikituloy muna ko ng ilang araw sa malapit sa trabaho habang di pa natutunaw ang mga yelo.

Problema ko lang, dahil nalamigan na naman ako, hindi humihinto ang ubo ko. Me pneumonia na ata ako. Sige, pasyal muna akong Q.I.

Buraot Drift

Saturday, December 20th, 2008

banginAng galeng! Parang yung napanood ko sa DVD na Tokyo Drift…..

Me nagbawal na sa akin dumaan dun sa lugar na yun. Mataas daw kasi. At dahil nag-uumpisa   na mag snow, delikado na daw kasi sobrang dulas. Mas madulas pa sa pinagsama-samang laway nina Itot, kaong ni Bluepanjeet at mga padulas ni Ambo na ipinahid sa katawan ng mahal na Reyna.

Pero sempre, natural akong pasaway. Dedma lang ako. Walang dulas dulas sa akin. Matindi ata tong si Tagpi. Marami ng pinagdaanan to. Pinatalon ko nga ito sa tulay habang natutulog eh. Yan pa! Dulas lang.

Tutal gabi naman na, wala masyado dumadaan dun, sempre pa dun ako dumaan. Kasi kung hindi ako dun dumaan, malamang wala itong kwento na to.

Nung una, hinay hinay lang. Me isa ring pasaway na dumaan dun, nasa unahan ko. Nung medyo pababa na, eto na po…

Dumudulas na nga sya. Unti unti kong niyapakan ang breaks. Umingit lang, di kumakagat. Akala ko nawawalan ako ng preno. Dumudulas na talaga ako. Bumibilis. Pababa ng pababa. Kahit anong apak ko sa preno, wa epek! Pabilis na ng pabilis. Pailis ng pabilis… at bangin ang nasa dulo!!! Joskopoooo! Hayop ka JocJoc!!!

Kinabig ko yung manibela pakanan para bumangga na lang ako sa sidewalk. Sana wag sa poste. Pero okey na rin yun kesa sa magdire-diretso ako sa bangin.

In a split second, katulad nung madalas pinapakita sa sine, lahat ng kung anu-ano maiisip mo sa isang segundo. Flashbacks. Kala ko madededo na ko. Di pa pala. Si McGyver pala ang naalala ko.

Naalala ko yung pagdi-drift. Hinatak ko yung aking handbreak. Uyy, kumagat. Pero sa halip na huminto ako, umikot si Tagpi ko. Tumagilid. Dumudulas kami pababa ng naka sideways. Galing! Drifting!

Sabay bangga sa gutter ng daan.

Its Snowing Cats en Dogs!

Friday, December 19th, 2008

TagpiKahit ilang taon na ko dito sa isteyts, bihira ako makakita ng snow.Kasi naman sa LA, wala nun. Maliban kung pupunta kami sa me mga boondocks.

Pero dito sa bago kong pinagkukutaan, nagkakaron daw, pero di gaano.

Nung Biyerenes ng gabi, sabi ng PAGASA, me hanging amihan daw na parating at bobombahin daw kami ng snow. Kaya naman pinaghandaan ko sya. Inilagay ko sa bulsa ng jacket ko yung kopongkopong kong de-negative na camera.

Eksayted ang lolo mo. Ngayon, feeling ko nasa states na ako. Dun kasi sa LA, para ka lang nagpunta sa Pandacan, ganun. Puro mga Pinoy din ang mga kasama mo dun. Saka sempre, walang snow.

Eto, nagsasawa ako ngayon. Kala mo lang masarap. Pahirap pala.

Paglabas mo ng bahay, lumulubog ang mga paa mo. Pagdating mo sa kotse mo, balot sa yelo. Kelangan mo pa syang kayurin parang halo-halo kasi di ka makakapag drive. Di mo makikita ang daan. Kelangan kasimbagal ng paragos ang pagmamaneho mo kundi dudulas ang mga gulong mo.

Sa sobrang lamig, eto at sinisipon na ko. Parang magkakatrangkaso pa. Naninigas na ang mga paa ko, rarayumahin pa ata. Kaya naman eto kung anu ano na namang mga gamot ang nilalaklak ko.

Grabe. Lamig.

Nasusuka Ako…

Saturday, November 22nd, 2008

Hansama ng pakilasa ko kahapon. Daig ko pa me hangover sa gin buko.

Nasusuka ako na di ko malaman. Di naman ako uminom. Tagal na ko di umiinom. Hindi dahil goodboy na ako at bawal sa rayuma ko. Wala lang akong kainuman. Mahirap atang uminom mag-isa. Subukan mong uminom mag-isa, para kang kawawang koboy na nawalan ng alagang indiyan.

Medyo masakit din ang ulo ko. Feeling ko uminom ako ng red horse na me halong coke. Ano? Di mo pa nasubukan i mix yun? Kumuha ka ng limang red horse, haluan mo ng isang litrong coke, yun. Sarap! Lasang ice candy. Kaya lang medyo gagalaw galaw ka. Pag kasi di ka gumalaw, baka ka ma-istroke. Lakas kasi sipa, kaya lakas tama.

Kaso nga, di naman ako uminom kaya di ko mawari kung bakit ako nasusuka. Di naman ako buntis. Kasi bukod sa inurungan na ako, wala din naman akong matris.

Para mawala ang masamang sumpa, pilit kong dinutdot ang aking throat. Nahila ko na ang tonsil ko, wala pa rin. Pahinga muna ang lolo mo para makabwelo. Sakto, parang hulog ni Kulapo, me sagot sa problema ko, nakita ko sa email ko….

 

Lasing1: Pare nasusuka ako..

Lasing2: Dutdutin mo ng daliri yung lalamunan mo..

Lasing1: Ayaw eh..

Lasing2: O sige, dutdutin mo ng daliri yung pwet mo..

Lasing1: Hmnn.. sige.. Ayaw din!

Lasing2: O sige dutdutin mo ulit yung lalamunan mo, pag di ka pa nasuka nyan ewan ko.

 

Sempre, di ko sinunod yan. Ano ako bale?

Esep esep ko kung ano ang mga nakain ko. Wala akong maisip. Kaya siguro masama pakilasa ko, kasi wala pa pala akong kinakain.

Me Cellphone na Ako

Sunday, November 16th, 2008

Matapos ang forty five years kong paghahanap, sawakas, nakahanap na ako ng bagong cellphone. Siguro din naman, ito na ang huli kong post na tungkol sa mga telepono. Naku-kuliling na din naman ako.

Ang napili ko….  sempre, alam mo naman ako, kelangan hayteks at palaging kakaiba. Eto na ata ang pinaka latest sa lahat ng mga latest.  Ayoko na ng cellphone na me ref. Bukod kasi sa mahirap sya ilagay sa bulsa, mabigat din kasi sya dalhin. Kaya ang pinili ko, yung convenient para sa mga katulad kong on the go go go. Kahit saang bulsa ko isuksok, pasok.

Eto pa ang ibang techie stuff at specs na kasama ng bago kong phone:

Libre ang wifi kahit saan. Basta me nade detect na AM radio, kahit Intsik, me wifi. Touch stone qwerty keyboard at scientific calculator. Me kasama ng back lights. Paperwhite ang screen. Me libreng dot matrix na printer. Dahil in na in ang pagiging earth friendly, 45 years ang battery load kaya matipid sa charge. Multi touch screen, kahit sabay sabay mo itouch pwede din.

Meron din syang secret pocket na pede mo lagyan ng mga sinkong duling. At detachable na swiss knife for the McGyver in everyone.

May built in 1.0 superpixel camera na rin sya, just point and shoot. Pagka shoot mo, diretso print ng piktyur sa attached na dot matrix printer. Sorry hindi libre ang papel, sobra na yun.

Sempre, me built in mp3 player din sya at speakers. Pag pinatugtog mo, aalog ang kotse mo sa tindi ng base. Pwede mo na ngayon ibalandra ang kotse mo. Di nila alam na sa phone mo lang nanggagaling ang sounds.

Bukod sa matipid sya sa power, matipid din sya sa bulsa. Di mo na kelangan ng plan. Puro pasalod ka na lang. Kada text back ng text mate mo, automatic nagpapasalod ng 2 piso. Kaya kung epal ka, mas patok. Hitech na,  environment friendly pa sya, economical pa. San ka pa?

Di lang yan, me kasama pang wordpress at blogger applications pati na rin photoshop kaya patok na patok sa mga bloggers na tulad ko. Pwede na rin akong mag post ng entry sa mga blogs ko sa pamamagitan nito.

Me USB port din syang kasama at included na 100 GB na storing capacity. Kung kaya pwede mong i-save dito yung mga porn videos ni Criselda Volks na di mo alam kung saan mo itatago.

Isa lang ang problema. Madaling mawala.

 

 

 

Pssssssttt….. Pssssstttttt…

Thursday, November 13th, 2008

Kakagising ko lang.

Dahil malamig na dito sa kuta ko, syempre sarap matulog. Dose oras ako natulog. Medyo sumasakit na naman kasi ang paa ko kaya maaga akong boundary. Di na ko nag-online, di na rin ako nag-almusal. Pagkabihis, sinilip ko lang sa salamin ang aking abs abs abs abs na 12 pack, diretso na ako sa kama. Alas otso yun ng umaga.

Alas otso na ng gabi ng magising ako. Pero di muna ako bumangon. Nagpa-inin muna ako. Isip isip ko kasi, kahit tahimik, madididnig mo pa rin yung mga ugong ng sasakyan at mga air conditioners ng mga kapit bahay.

Di katulad sa Pinas, lalo na dun sa amin sa Timbuktu, super tahimik. Pwera na lang kapag me naghahabulan ng taga. Sa gabi, wala kang maririnig na ingay ng syudad. Puro huni lang ng mga ibon at paminsan minsang “toooo-koooooo”. O kaya ingay ng mga kulisap at huni ng mga insekto sa gabi.

Dati nung umuwi ako at nag-reunion kaming pamilya, punong puno ang bahay namin. Apaw. Anlaki kaya naming pamilya. Kaya kapag gabi na, wala kang mapwepwestuhan sa bahay. Kahit yung ibabaw ng frigider namin, me nakahiga. Kung magugutom ka naman para mag midnight snack, sorry ka. Kasi kahit na mabuksan mo yung fridge kahit me nakahiga sa ibabaw, wala ka naman kakainan, kasi me dalawang nakahilata sa lamesa. Makikipag-patintero ka din sa mga nakahiga sa buong sahig magmula sala, hanggang kusina.

Kaya naman di ako natulog dun. Dahil special child ako, dun ako sa katabing bahay ng ate ko, solo ko ang room, walang kaagaw. Sarap pa ng higaan kasi papag na gawa sa kawayan, malamig. Preskong presko. Wala ata nun sa isteyts.

Isang gabi, nakahiga na ako, me naririnig akong sumisitsit.

Psssstttt…. pssstttt!

Isip isip ko… Naman teng! Tawag pa ng tawag pa eh grogi na nga ako eh. Ayoko naman nang makipag inuman. Magastos. Sawa na rin ako sa tong-its, puro mo ang kalaban. Lugi.

Psssttt… psssttt….

Hay naku, dinedma ko na nga lang at natulog na ako. Kinabukasan, pasyal pasyal kami sa plasa. Sempre bakasyonista, galing isteyts, mamula mula pa.

Pagbalik namin sa bahay, nakita kong me hila hila yung bayaw ko na sawa, 8 feet. Sabi ko, “o kuya, san mo nahuli yang pagkalaking yan? Ano yan pulutan?”

Sagot ba naman sa kin, “alay hinde! Nahule ko, andun sa ilalim nung papag mo, babalatan ko nga are at gagawin kong wallet baga.”  Para akong nakalunok ng isang buong pakwan.

Nung gabing yun, di na ko natulog dun. Nagtyaga na lang ako dun sa balkonahe ng bahay namin, kahit mahamog at malamok, nilagyan ko na lang ng kumot na bubong.

Bangag din ako sa katol.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana