Piktyur Piktyur: Gusto Mo Mag Picnic?
Thursday, December 18th, 2008
Parang gusto ko rin mag-picnic…

Parang gusto ko rin mag-picnic…
Walang pilipit dito. Sa amin sa Timbuktu, laging me naglalako ng pilipit. Kasama sa mga tinda nya yung mga butsi at mga bibingkang kanin.
Wala lang, naisip ko lang.
Pasko na kasi. At sempre pag pasko, lagi kong naiisip ay sempre yung mga bagay na marami sa Pinas. Kahit kasi maraming bagay at pagkain na Pinoy ang makikita mo dito sa isteyts, marami din ang wala.
Puto bumbong at bibingkang bagong luto, simbang gabi, inuman sa kalye, mga paslit na nangangaroling gamit ang gawa gawa lang na tambol na lata ng promil, at saya kapiling ang mga mahal mo sa buhay. Wala nun sa isteyts.
Bago ako tuluyang maging best actor dito, lilibangin ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng lagi kong libangan pag pasko. Ang all-filipino Twist. O basahin mo yan ha, walang dayaan..
Bawal ang Paskiw. Kelangan Paksiw. Game.
Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw.
Galing! O eto pa ang isa..
Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika.
Nakanaks! Ibang level ka na tsong…
Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex.
Aba at talagang gusto mo pa ha? Diretso ang basa mo eh. Eto pang advanced level to…
Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica. Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica. Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica. Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica. Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica.
O eto super advanced na to, kaya bawal ang bata…
Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika.
Talaga namang pati ito, pinatulan mo no. Sya sya, me pilipit ka pa ba?
Bumigay na sa pagkanta ng ponebre ang syota ko. Kelangan kasi nya ipahinga ang boses nya dahil me concert syang darating. Sayang at di ako makakapunta. Malayu-layu din kasi ang venue ng concert nya ngayon, dun sa Everett, Washington. Ayoko mag drive kasi umuulan daw ng snow ngayong mga panahon na ito.
Baka di kayanin ni Tagpi ang bumiyahe sa sobrang lamig. Baka rayumahin. Saka wala din naman akong tirechain. Kelangan mo kasi yun isalpak sa gulong mo kapag bibyahe ka sa snow.
At dahil simbang gabi naman na, ibinabalik ko ang mga songers na salamat naman at hindi masyado sumikat. Hehehehe. Ang mga nilalang na mga inaanak ni Haring Solomon na sya namang naging ninong nina Xerex at Totoy Mola at naging soundtrack at inspirasyon ni Boy Bastos, ang Grin Department.
Ayan, merry krismas na….
Sa lahat ng ayaw ko eh yung me mga miron.
Madalas kapag nagto tong-its ka o kaya naman ay nagma-mahjong, di nawawalan ng mga miron. Natural kasing trabaho at libangan ng mga miron ang makelam sa diskarte ng mismong mga kasali. Minsan sila pa yung malakas makipusta. Kumbaga, mga side pusta o sasama sa ipinusta mo. Madalas din mas malaki pa ang taya nila. Kaya naman natural, sempre, sila yung bukod sa mas maingay, ay mas pakialamero.
Kaya minsan wala kang masasabi kundi, “Hay naku, lasma ang bekata sa nanka!” (Malas ang katabi sa kanan)
Eto nga, napapansin ko nitong mga nakaraang mga araw, buhat nung maging sikatchupoy ang site na ito, me mga miron akong aali-aligid dyan sa mga gilid gilid. Kesyo mga tramadol at kung anu ano pang mga kaekekan kuno. Nangawit ako ng husto kaka delete.
Kaya naman, kahit medyo ayaw ko pa nung una (ganun talaga yun, ayaw muna kunyari), isinalpak ko na din si Akismet.
Baka kasi pati yung mga comments mo eh mahagip. Kaya kung nawawala ang comment mo, paramdam ka lang, baka napagkamalan lang sya ni Akismet.
Una ko itong nabasa sa blog ni Ka Ambo.
Alam mo naman ako, laging huli sa balita. At alam mo din naman sa Pinas, linggo linggo, kung anu anong scandal ang lumalabas. Madalas makikita mo sa bangketa na puro pirated na DVD, puro scandal scandal. Tingin ko nga gawa gawa na lang nila yun para lang bumenta.
Tayo kasing mga pinoy likas na ma-L. As in Lambing.
Achaka uso na din kasi yung mga video video na yan ng mga artista. Minsan sinasadya na din lang para sumikat. Andyan si Pampam at Tommy Lee. Syempre di mawawala yung sikat na sikat na video na Paris Sheraton na di ko naman malaman kung bakit sumikat, e wala namang kwenta yung video. At kahit na type ko si Kim Karshoeshine, ampangit din nung video nya. Feeling mga pornstar kasi, wala namang binatbat.
Sa lokal scene naman, ayan puro kung anu anong mga scandal kuno. Pati si Booba, meron din. At sempre etong pinakahuli, ang ke Criselda Volks wagen.
Buti na lang ako, ang mga video ko, secure. Wahahahah!
Anyhoo, nabasa ko nga sa blog ni Ambo ang okey sa olrayt malaswang video ni Criselda. Natural curious ako. Alangan namang hindi. Me nagpost pa ng comment kung saan makikita at mada download yung mga video nga.
Search naman ang lolo mo. Walanjo, inumaga na ako kakahanap di ko makita. Puro mga interbyu, walang video. Pero sa kahuli-hulihang sandali, nung inaantok na ako, nakita ko din. Iba na ang matiyaga.
Kung interesado ka din na tulad ko. Wag ka na maghanap, ituturo ko na lang sa yo. Heheheheh.
Kulitin mo muna ako.