Nice Blog.. X-Links?

February 7th, 2009 by BURAOT Categories: Blogag, Linkback Pugak 34 Responses

blah blah blahIsa sa sinasabing ika nga lifeblood ng mga blogs ay ang mga incoming links. Ito yung mga sites na may nakakabit na shortcut ng url mo na sya namang nagiging daan para pasyalan ka rin ng ibang mga bumibisita sa kanila.

Kumbaga sa tunay na buhay, mas maraming nakakakilala sa yo, mas mataas ang ranggo mo dahil kuno ay sikatchupoy ka. Di na bale kung lahat sila ay pinagtsi-tsismisan ka lang naman pala. Kumbaga sa showbis, kahit pa negative, publicity is still publicity. Magkalat ka lang ng limpak limpak na links, tataas na ang ranggo ng blog mo.

At sempre, mas mataas ang ranggo, mas madali ang humada ng mga ads. Sa isang daan taon kong pagba-blog, isa ito sa mga natutunan ko: Panalo ka kung ikaw ay ma-epal! Bakit? Basa lang ng Basa…

Buladasphere Update: Kitakits

February 5th, 2009 by BURAOT Categories: Blogag 9 Responses

buladasIn loving memory honor of Reyna Elena, magpapaskel na din ako ng mga updates na mga naispatan ko sa aking pag-ikot ikot sa mundo ng buladasphere.

Para naman kahit medyo maliit lang ang naiikutan kong mundo dahil madalas akong tinatamad magbasa ng blag ng me blag, kahit papano naman eh mai-update ko kayo  at maibalita ko ang ibang mga tsismis na nasasagap ko at mga pautot na nalanghap ko. Basa lang ng Basa…

BURAOT sa Imo!

January 10th, 2009 by BURAOT Categories: Blogag 16 Responses

Finally,  bagong taon na.

Kaya naman very timely, bago bago na ulit. Hindi, hindi na ako magpapalit ng domain pramis. Dahil kasi sa ilang beses akong nagpalit ng address, domain, url o kung ano pang kaletsehang tawag mo dun, marami akong ka-berks na naligaw, nahilo at naimbyerna dahil di na nila mahagilap ang mga pautot ko.

Eh kahit ako mismo, nahilo. Basa lang ng Basa…

Meri Krismas With The Hunk-hapals!

December 22nd, 2008 by BURAOT Categories: Blogag 30 Responses

Meri krismas sa lahat ng mga naligaw at epaloids sa site na ito! At dahil meri krismas na, hataw na muna!

Featuring… the Hunks! Hunkapals!

Blog Prayer Brigade

December 9th, 2008 by BURAOT Categories: Blogag 20 Responses

Naipangako ko na ito kay pareng bluepanjeet na gagawin ko. Ang iniiisip ko lang at that time ay sa seryosong blog ko ito ipo-post. Pero ni-tag ako ni Kuya Mon ng FatherlYours.com kaya ini-post ko na rin dito.

Ito ay tinaguriang Blog Prayer Brigade for the Future President of the Philippines. Sempre, obvious naman na para itong Black Rosary cum pasalod. Simple lang ang riles nito (oo palaging me rules).

1. Kopyahin mo lang lahat mula Copy Starts Here hanggang Copy Ends Here at i-post sa iyong blog. NOTE: AS IS. Verbatim. Word for Word.
2. Gumawa ng iyong sariling dasal na dadasalin mo ng regular. Depende sa yo kung ano ibig mo sabihin ng regular. Kung gusto mo kasing regular ng iyong monthly bisita, pwede.
3. Mag-tag ng iba pang bloggers.

Itong tag cum prayer na ito ay in English, nilagyan ko lang ng translation para di ka mahirapan intindihin.

Eto na… ready ka na ba?…. Cut en paste na… Basa lang ng Basa…

Tag Na Mo Rin!

December 7th, 2008 by BURAOT Categories: Blogag 12 Responses

Tagnanamanto?

Bago pa tuluyang mapaglumaan ang mga ito ng panahon at amagin sa aking inbox, at dahil wala na naman akong magawa kundi tumunganga, eto po ang mga bagong award award cum tags na ibinigay sa akin ng ating mga tropapeeps.

Narito ang simple pero makabagbag damdamin at nakakagaan ng feeling lalo na kapag senti ka na naman na tulad ko award. Ito ay nagmula kay Reyapots na kagaya ko ay isa ring speacial child.

Tenkyu Reyapots!

At para naman ika nga to spread the joy, ito ay ipinapasa ko sa mga mahilig din mag senti na kagaya ko na sina Snow ng Dear Bloggery.Com, Paperdoll, Ruthie, Joshmarie, at Skippy.

At eto pa ang isang award na galing naman ke Ron Turon.

Tenkyu Pareng Turon. Pero dahil di ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng award, di ko na muna ipapasa. Ipapa-translate ko muna. Baka mamaya minumura na ko nito eh. Wahahhah!

Tenkyu ulit Turon at Reyapot. Tag na naman ito, kaya tag na nyo rin!

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes