September 15th, 2009 by BURAOT
Categories: Palatastas
18 Responses
Bawal ang magtutu-turo, baka manuno.
Pasintabi muna sa mga engkanto dyan, maglilinis muna po tayo ng bahay. Marami na kasing kelangang i-update. Lalo na yung mga listahan ng mga Alagad ni Kulapo. Marami nang links na kinakalawang at kelangan nang palitan ng mga tubo at wiring.
Forty-payb years na rin pati akong di nakakapag-upgrade. Kopong kopong pa yung wordpress ko kaya kelangang kargahan ng maraming agimat na nabili ko dun sa Quiapo at mga pamana sa akin ni Ramon Revilla. Basa lang ng Basa…
March 26th, 2009 by BURAOT
Categories: Byahilo, Palatastas
13 Responses

Bago ka magreklamo kung bakit puro Pitkyur Piktyur lang ang mga nakikita mo dito, wag ka na umalma….
Napansin ko kasi sa pag-iikot ko (kahit di ako nagko-comment) ay medyo marami rami ang mga nagkakasakit na kagaya ko. Marami rin ang mga naglilipat ng lugar na kagaya ko. May mga busy sa bagiog mga ekeks na gaya ko rin at may mga umuwi na ng Pinas na kahit di kagaya ko ay gustong-gusto ko namang gayahin. Basa lang ng Basa…
December 7th, 2008 by BURAOT
Categories: Palatastas
8 Responses
Tapos na ang pakontest. Nakatulog na ko ng 48 hours. Linggo na naman. Malapit na naman ang pasko.
Sa mga ganitong mga panahon, wala akong maisip na nakakatawa, maliban sa buhay ko. Naisip ko nung nakaraang huling araw ng Nobyember, birthday ng tatay ko. Naesep ko ulit, tutal eh blog ko naman ito, pwede kong i document yung mala-impaktong buhay nya. Nahalungkat ko kasi sa mahiwagang baul yung dating sulat nya sa akin na makabagbag damdamin. Basa lang ng Basa…
December 3rd, 2008 by BURAOT
Categories: Palatastas
4 Responses
Di ko na hihintayin ang Pasko Linggo para palitan ang mga songers dito. Uunahin ko na ito.
Senysa na sa mga nag-aabang sa announcement, hirap kasi mag type kapag malagkit yung daliri mo, dumidikit sa keybord. Kaya uunahin ko na muna itong ibang anik anik dito bago ko ipasunod yung iyong pinakahihintay.
Dahil kasi me nanalo na sa aking mala-impaktong pautot, kelangan enjoy muna. Lalo na yung mga wagi. Yung mga di naman wagi, idaan mo na lang muna yan sa sayaw.
Pero don’t you worry, me kasunod pa si Kulapo.
Mag-eesep esep muna ako ng ibang pakulo.
Kung me suggestions ka naman, sarilinin mo na lang. Wahahahah!
November 30th, 2008 by BURAOT
Categories: Palatastas
13 Responses
Hayan, linggo na naman. Kaya naman tapos na ang kontrata nung mga songers jan sa gilid na pang kabaret. Kelangan, bago bago na naman.
Dahil lagi naman akong walang mai-post dito kundi mga kabulastugan at mga bagay na walang kawawaan, papanay panayin ko na. Tuwing linggo ng pagkabuhay, aarkila ako ng mga banda o mga songers na galing Pinas. Tutal tagalog naman itong blog na to, dapat lang na mga OPM din ang mga banat na sounds dito. Para bagay sa motiff.
Ipinahinga ko na muna yang ika nga ni pareng Bluepanjeet, ay kabaret music. Nyahahahah! Nakapasok ka na ba sa kabaret? Iisipin mo, sa tinanda tanda kong ito, nakapasok na ko? Hindi pa no? Panahon pa ni Palito yun. Si Cachupoy lang ang inabot ko. Basa lang ng Basa…
November 23rd, 2008 by BURAOT
Categories: Palatastas
5 Responses
Linggo na naman.
Kapag linggo, namamasam-an ako. Di ko malaman. Tamang senti. Wala magawa. Yung ibang blogs ko, inaamag na naman. Wala kong ganang magsulat. Wala lang, trip ko lang.
Linggo na naman.
Pag ganitong araw, kahit pa walang ITCZ o Low Pressure Area na ina-aanounce si Kuya Kim, naghahalo ang hanging amihan at hanging habagat, pinupuno ang aking half-empty at half-full na kukote.
Hayan, naistorbo pa ang pagmumuni muni ko. Me pumasok na bubuyog dito sa bintana ko. Muntik pa ko mahagip. Buti na lang hayteck ang gamit ko, sa halip na lumang dyaryo, playboy magasin. Durog sya dun. Kawawang bubuyog, di na sya makaksimsim ng kahit anupang flower. Kapon na sya ngayon. Basa lang ng Basa…
SikatchuPosts