November 15th, 2008 by BURAOT
Categories: Palatastas
10 Responses
Konting pautot muna. Baka kasi mapanis itong ibinigay sa kin ni Ruthie na Mahalan ng Mahalan Award. Kaya habang medyo mainit init pa, kelangan ko nang isalpak. Tenkyu Ruthie sa link at sa award.
Sori tsong, para sa mga tsikabeybs muna to. Alangan namang ipasa ko din sa mga kelots, awkward.
Ito ay para sa world peace! Gimme a kiss sabay hug!

O heto para sa inyo to, mga bagong kaututang dila….
Dhadha, Karen Dayle, Shannon, Chichiriya, Nicely, Gail at Sweety.
November 15th, 2008 by BURAOT
Categories: Palatastas
6 Responses
Magpapalit palit na muna ako ng sound trip dito lagi lagi.
Tutal di naman ako mauubusan ng music sa mundo kaya iiba ibahin ko naman ang tema. Kung sakali namang maubusan nga ako ng music, kung sakali lang naman… isasalpak ko na lang ang mga kundiman na music ng tatay ko, kagaya nung background music ni Ruthie.
Sa ngayon eto, tamang 80s hair metal muna ako dito. Eto kasi yung mga music nun kapag nag-inuman kami sa Shakeys. Oo cowboy grill na sya ngayon. At oo, medyo baduy na ngayon uminom dun. Noon kasi oks na oks. Bago kami pupunta dun sa Ermita, magba bake muna kami ng mga kapawa ko cub scout ng brownies. Sarap mag sound trip. Habang lumalangokami ng pitsel pitsel na drop beer. Headbang!
Kahit di pa uso nun ang air guitar, expert na kami lahat.
O sya sya…. tagay!
November 5th, 2008 by BURAOT
Categories: Palatastas
25 Responses
Sandamakmak na blogs na ang aking na-orbitan. Madalas naiispatan ko ang mga blog entries na kung tawagin nila ay wordless Miyerkules. Ika nga nila kasi ni kopong kopong, “action speaks louder than words..” Charing!
Malamang katulad ko rin sila, may mga araw at gabing wala namang maisulat na matino. Okey nga naman kasi me araw na day-op ka mag-isip kaya piktyur na lang, katalo na. Pampalaman sa blogs. Ang kaibahan nga lang namin, ang blog ko na ito, eh wala namang matinong entry.
Kung iniisip mo na me mapupulot ka ditong moral lesson o kagandahang asal. Sorry ka. Mali ang napindot mo. Bagsak ako sa good manners and right conduct nung grade one ako. Di na ako masyado eepal pa. Pahimagas ko lang naman lahat ng yan. Kasi sasali na din ako para me pampalaman ako sa blog kapag wala akong ganang makipagwentuhan mag-isa.
Kaya mula next year week, uumpisahan ko na ang aking Wordless Miyerkoles wannabe na tatawagin kong Piktyur Piktyur! Syempre, para me remember! Malamang ang mga piktyurs na isasalpak ko ay nakita mo na sa kung saang lupalop ng internet. Yung mga makukulimbat ko ay ipo-post ko lang uli dito.
Bakit ba? Trip ko.
October 19th, 2008 by BURAOT
Categories: Palatastas
12 Responses
Bago ang lahat, komersyal muna..
I would like to thank the academy, and my peers for giving me this award..
Galing po yan ke Timi ng Crimson Heavens na isa na namang alagad prensheeps ni kulapo.
Maganda ang ganitong mga award award kasi bukod sa nakakapamburaot ka, me link ka pa pabalik. Heheheh. Kung kaya naman ipinapasa ko ito sa iba ko pang bagong mga kampon prensheeps na sina…
Ron Turon
Maldita
Aotearoa Tales
The Darker Side of Jadeite
Maya
Nicely’s Travelogue
Manikang Papel
Batanggero
Chocoword
O hayan ha, me award na kayo pampadagdag sa inyong badge, me libre kan tutbras link pa.
O sya, tapos na komersyal. Back to regular programming.
July 21st, 2008 by BURAOT
Categories: Palatastas
One Response
Ika nga sa atin, kung wala kang pera, daanin mo sa impluwensya. Pero… Di ko mawari kung papano. Di ko maubos maisip. Di ko malaman kung bakit. Di ko maintindihan….. Bakit ako??? Bakit ako??? Bakit ako??? Bakit???
Whyyyyyyyy?!!!!!!!!!!!!!
I would like to thank
the academy lahat ng bumoto sa akin dito sa pautot ng ating kababayan na si Janet Toral ng
Influentialblogger.net . Kung bakit nila naisipan na maging influential itong Kulapo, eh ewan ko. Basta.
Eniwey, kahit di ko alam kung bakit, eh dapat lang mag tenkyu sa mga Karapatdapat at Kataas-taasang Kagalang-galangang mga kakosa ng anak in kulapo. Tenkyu po. Kaya naman bilang pasasalamat, magpapaship ako sa inyo ng isang platitong mani. Kung bakit isang platitong mani, wala lang, naisip ko lang. Ubos na kasi yung plastic balloon na madalas kong giveaway.
Angsawariko
Daily Crossovers
My Philippines Tour
gl3nnx.net
Julia Aquino
Blog Tambayan
Sweet World of Joan
Pero on second thought, wag na lang, tenkyu na lang at some link-lovin. Baka kasi tinataghiyawat ka sa mani. Eto na po sila. Kung me nalimutan ako i-link, sensya na tao lang. Malamang di nahagip nung doppler radar ko yung post mo, kaya paramdam ka lang.
Sempre in turn, kelangan ko din bumoto. Kakahiya naman kasi kung hindi. Pero sa susunod na lang. Pag-iisipan ko muna kung sino sino pasok sa aking kopong kopong peborits at mga mala-impaktong nilalang na blogista na naging influential para sa akin.
Ang lagay ba naman eh….ehem.
July 5th, 2008 by BURAOT
Categories: Palatastas
No Responses

Naisip ko sana halungkatin ang aking baul na pinaglalagyan ko ng aking mga sandamakmak na ga meme at tags galing sa aking mga prensheeps dito sa blogosphere. Naipa-alala kasi sa akin ni
Kwento ni Enday, na marami pa pala akong nakabinbin na tags.
Balak ko sana isa-isahin lahat para wala na akong mga utang. Plano ko pa ngang gawing one week bonanza type yung pagpo-post, parang weekly special. Plano ko rin ngang mag around the world, umakyat sa Mt. Everest, mag swimming sa great barrier reef, magsimba sa Jerusalem, makipagkarera ng camel sa Sahara Desert, mag sun-bathing sa Boracay, at bumili ng eroplanong kasinlaki ng Airbus.
Pero katulad ng marami kong plano, palpak. Saka kahit bumili ako ng eroplano, problema ko pa kung san ko sya ipa-park sa gabi.
Di ko na kasi makita yung baul na pinaglalagyan ko ng listahan nung lahat ng mga nag-tag sa akin. Naiwan ko ata sa LA nung maglipat ako. Sensya na tao lang.
Ang medyo natatandaan ko lang ay yung mga nag-link at nag-tag sa akin gaya nina Fatherlyours, Pipeline Fixation, Pusang Maganda, Pink Biik… di ko na matandaan yung iba.
Kahit medyo boring ang pagsagot ko sa tag, me link naman, pwede na yun. Di ko na kasi makita eh.
SikatchuPosts