Dahil undas na naman, obigado na naman akong mag-share ng aking experience na medyo nakakatakot.
Kung bakit ba naman kasi nauso yang haloween haloween na yan. Pati tuloy mga bagay na dapat kinakalimutan na, eh pilit pa ring inaalala.
Bakit ba tuwing araw ng patay eh marami tayong kinakatakutan. Di mo na kelangan pang magpunta ng Capiz o Siquijor. Kahit saang probinsya, me makikita ka. Kahit na nga sa Manela. Pero sabi kasi ng iba, sa mga liblib na lugar daw kasi maraming nagkukuta na mga mala impaktong nilalang kasi tahimik daw dun at di pa naiistorbo ng ingay ng mga lunsod.
Kahit dun sa amin sa Timbuktu, maraming mga ganitong kwento. Nung una ayokong maniwala. Sempre Manela boy ata ito, laking Manela. Pero dahil madalas akong dumayo ng inuman dun sa mga barkada kong taga-bukid, maraming kwento at sempre karanasan din na medyo nagpanginig (sa takot, hindi kung anupaman) ng tuhod ko. Basa lang ng Basa…

Pwede sa akin ang decaf. Pero di talaga ako sanay sa regular na kape.
Sumakit ang batok ko kanina. Wala kasi akong magawa kaya, naisipan kong magkape. Wala naman kasing pangalan yung lalagyan kung decaf ba o hinde kaya nagbaka-sakali na ako. Pagkainom na pagkainom ko, bigla kong naramdaman na me gumuguhit sa batok ko. Yun ata yung mga ugat ko. Pati ang mga nerves ko sa katawan, nararamdaman ko na tumitibok at pumipitik. Grabe tama ko sa kape. Hyper ang katawan ko. Kape pa lang yun ha?
Ewan ko kung bakit ganun. Wala naman akong hypertension. Basta ganun ang epek ng kape sa akin minsan. Isip isip ko kung me bagay na nagpa high blood sa akin bago ako uminom ng langyang kape na yun. Wala naman. So kape talaga ang salarin.
Bata pa kasi akong regular na manginginom ng Nescafe tuwing umaga. Sya din ang pinaghuhugasan ko ng pandesal na me palamang Dari Creme. Minsan Star Margarine din para daw tumangkad ako, kaso wa epek naman, di naman ako tumangkad.
Pag tanghalian at hapunan naman, kasama ko din ang kape. Pag walang Nescafe, okey na rin kahit Great Taste. Depende sa ulam. Pag paborito ko ang ulam (pritong galunggong na tustado), yun di pwedeng wala akong kape. Kasi sya ang ginagawa kong sabaw sa kanin. Lalo na at bahaw ang kanin. Rapsadudels!
Kasi naman di pa ata uso noon ang mga decaf decaf na yan. Di uso ang health conscious noon ano. Kaya siguro ngayong tumanda na ako, lumalabas ang epekto ng pagiging adik ko sa kape. Konting kape lang, lakas tama na ako at super hyper. Pati yata mata ko nakamulagat agad parang cartoons.
Kaya kahit masarap mag Starbaraks at umorder ng singol shorts nanpat banila lattey o kaya naman ay tol mokha parangalpaccino araw-araw, hindi na. Baka hindi kayanin ng powers ko, masapak ko kasalubong ko.
November 22nd, 2007 by BURAOT
Categories: Blogag, Da Adventures of Kid Buraot
10 Responses
Naalala ko nung Grade 3 ako, uso na ang slumbuk. What’s your favorite color? ROYGBIV. What is your motto? AJINOMOTO. Who’s your crush? Secreettttt …
Kahit nun pa, tuwang tuwa na akong mambalatuba ng slumbuk ng me slumbuk. Sabi nung kaklase ko, sinasayang ko lang daw yung mga page.
Gusto ko pa rin sanang itago ang mga bagay na personal sa kin dito sa pagba-blag ko, para Mr. Yoso dating. Kaso, ang likas daw na maantut, ispreyan mo man ng pabango, aamoy at aamoy pa rin. Basa lang ng Basa…
Hay naku buhay! Umaatake na naman ang rayuma ko. Putris kang paa ka… sakiiittttt!
Hirap talaga nitong tumatanda. Ang aga kong tumanda. Aga ko rin kasi nag-umpisa. Ang akala nga nung iba kong repapits, suplado daw ako sa personal, sa tv daw panay ang kaway ko. Kasi di daw ako namamansin sa daan. Sabi ko, sensya na, shy kasi talaga ako eh.
Ang dehins nila alam, malabo na lang talaga ang mga mata ko. Basa lang ng Basa…
SikatchuPosts