Buraotzki Kuyukotski

September 23rd, 2011 by BURAOT Categories: Byahilo, Mala-Impaktong Buhay Buraot One Response

Bumiyahe ako pauwi  ng Pilipinas.

Kunyari hindi PAL ang sinakyan ko kahit totoo kasi wala naman silang binabayad sa site ko para i-promote ko yung eroplano nila. Bukod pa sa punto na mas mahal sila sumingil kesa sa ibang eroplano. Di ba dapat mas mura kasi kababayan ka at meron ka na agad na market share?

Pero bago ko ibunghalit ang sama ng loob ko sa PAL, tuloy muna tayo sa wento ko.

Minsan bumiyahe ako ng Pilipinas. Swerte ko ata nung araw na yun dahil napatabi ako sa isang seksing Amerkana. Sempre paduda muna at kunyaring hindi ako interesado. Para hindi halata. Pa-helow helow lang, smile smile lang. Dapat kasi ganun ang style mong bulok, kapag supah hot ang babae, dedmahin mo, kasi sila mismo alam na nilang hot sila.

Matapos ang halos isang oras sa byahe, napansin kong ang binabasa nyang libro ay tungkol sa sekswalidad. Hmnnn.. Basa lang ng Basa…

Drive Thru sa Bahay McDo

April 16th, 2010 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 7 Responses

Nasubukan mo na bang umorder sa bahay Mcdo gamit ang drive-thru window? Malamang oo, pero naisip mo na bang umorder dun ng wala kang sasakyan?

Bakit hindi?

Minsan, mahaba ang pila dun sa loob ng McDonalds. Para ako mapabilis, dun ako dumaan sa drive-thru. Umorder ako ng limang Happy Meal (peborit ko kasi yung toy).

Nung magbabayad na ako, pinagalitan ako nung clerk at sinabing bawal daw dun. Eh ano namang bawal dun, eh magbabayad naman ako!

Pero kahit na anong gawin ko, ayaw ibigay sa akin ang order ko. Discrimination. Papano yung mga walang kotse? Sabi, kelangan daw me sasakyan, kaya nga daw “drive-thru”. Hmnnn, sa isang banda naman, may tama sya. Basa lang ng Basa…

Trapik Pulis Pangkalawakan?

April 9th, 2010 by BURAOT Categories: Byahilo, Mala-Impaktong Buhay Buraot 2 Responses

Dito sa Amerika, iba iba ang gimik ng mga lespu, ng mga alat, ng mga parak.

Kanya-kanyang city, kanya kanyang style ng tsikot. May mga simple lang, at may iba namang parang pang Nascar. Sa Santa Monica at ibang parts ng Los Angeles, may mga naka mountain bike, para lang silang namamasyal.

Sa ibang lugar, may mga koboys na nakakabayo na parang dabarkads lang ni FPJ.

Pero nagulat ako ng minsang magroad trip ako noon mula Los Angeles papuntang Victoria sa Canada.

May mga signs kasi na nakalagay na “speed limits enforced by aircraft”, “patrolled by aircraft”, “patrolled by radar”. Sabi ko sa sarili, “huuu, nananakot lang yang mga yan,”. Basa lang ng Basa…

Nanenok Ang Account Ko!

March 8th, 2010 by BURAOT Categories: Byahilo, Mala-Impaktong Buhay Buraot 14 Responses

Pasensya na mga apo at absent na naman ang lolo ninyo. Bising busy. Bising busy ang lolo nyo kakahabol dun sa yumari sa credit card ko.

Nami-miss ko na kasing tumaya sa beto-beto at color game kaya ng minsan, naisipan kong dumayo doon sa isang peryahan sa Las Vegas. Sempre kelangan kong mag swipe swipe. Mahirap naman kasing magdala ng bayong bayong na singkong duling doon.

Ayun, palibhasa lima singko ang mga hustlers doon, tingin ko nanenok ang numbers ng credit card ko. Basa lang ng Basa…

My New Opis for 2010

January 13th, 2010 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 25 Responses

Dahil kyut ako, this 2010, the company decided to give me my own brand new spanking mala-impaktong office. Yes, my very own. With my own sets of computers and the works. Nagulat pa nga ako dahil kakatapos lang lumabas ng memo regarding the cost-cutting measures pero eto at binigyan nila ako ng bagong opis.

Pero mas nagulat ako dahil masyadong hi-tech ang aking opis. Basa lang ng Basa…

Ang Walastik na Bagong Office Policy

January 8th, 2010 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy, Mala-Impaktong Buhay Buraot 11 Responses

Akala namin, dahil bagong taon, me mga bagong gud news na darating. Pero dahil mahina ang pasok ng revenues noong nakaraang taon, alanganin at naghihingalo ang budget ngayong oh-ten (2010).

Malabo din daw ang mga raise kaya wag na daw kaming umasa pa. Marami pa riun ang jobless kaya maraming nag-aabang sa trabaho namin.

At dahil bagsak pa rin ang economy at  kahit na matutuwad si Obama, asahang marami-rami pa ang mga darating na mga cost-cutting measures ng opis.

At eto pa, memo para mga bagong hinyupak rules…. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes