Bagong Taon, Gagong Gupit

December 28th, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 28 Responses

Christmas is over, and the year 2009, almost. Kahit na matinding hang-over ang bumabayo sa ating kanya-kanyang ulo sa super duper parties, kelangan pa ring magsaya.

Dahil bagong taon na naman, gagong gupit na naman.

Porty-payb years ko ding kinarir ang bagong lay-out nito. Dahil kasi so sobrang green ng dating lay-out, sumobra ang sakit ng mata ko at kelangan ko pang magbalik-balik sa doktor para magpa chek-ap. Maliban pa yun sa mga regular kong chek-ap para sa naghihingalo kong baga. Basa lang ng Basa…

Buraot Says Hello World!

August 31st, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 7 Responses

hello worldMatagal ng nakabinbin sa aking left brain na ikwento ang aking pinagmulan. Lingid sa kaalaman ng iba, di naman ako singaw na basta na lang lumitaw sa mundo ng buladasphere at basta na lang mag-i-spontaneous combustion. Indigestion baka pa.

Kung ikaw ay masugid na stalker ni Kulapo, unang-una kong post dito ay tungkol sa buhay-buhay sa aming bayan doon sa Timbuktu. Porty-payb years later, eto pa rin ako. Maliban sa pakonti-konting special mention, di ko na nasundan ang istorya.

Kaya back to basics muna tayo… Basa lang ng Basa…

Tawasin Mo Ngunit Kulang

June 25th, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 23 Responses

karayomWala na. Tuluyan nang nag-disappear ang aking kakaibang superpowers. Hindi ko kasi natesting nung nakaraang Biyernes Santo kaya buong taon, medyo palpak yung epektibity.

Di rin umubra yung utility belt ko, kasi pang villain lang yun, eh bida ako dito kaya di pede gamitin sa akin. Kaya no choice ako kundi i weather out na lang yung tama ng aking ma-alamat at mahiwagang rayums.

Unang nagpakyut yung kanang ankle ko, lumobo na naman na parang hinipan ni kupido. As usual, laklak lang ako nung nakagawiang pangontra sa kulam na Ibuprofen. Yun lang naman ang binibigay nung kakilala kong albularyo dito. Iniiba-iba lang ang naman dosage, depende sa trip. Basa lang ng Basa…

Gumapang Kang Hubad sa Kulugong Ibabaw

June 18th, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 20 Responses

seniorbatmanMahigit isang linggo na naman akong gumagapang sa lusak, sa putik na kulang na lang ay paglubluban ng kalabaw.

Gamit ang aking mahiwagang araro tungkod, taas noo pa rin akong nagpipilit kahit na namimilipit na lumabas labas ng bahay at maglabas masok sa trabaho. Dangan naman kasi eh umatake na naman ang isa sa aking major problem.. ang aking rayums. Basa lang ng Basa…

Lintik Lang Ang Walang Ganti

May 23rd, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 13 Responses

batman rayumahinMula ng lumabas ako ng ospital, napunta sa back-burner itong rayuma ko.

Naawa siguro sa sinapit ko mula sa syamnaput syam na doktor na walang sawang pinag-pasa pasahan ang byuti ko kaya nagpahinga na muna.

Esep esep siguro nung rayuma ko, “wawa ka naman, sige saka ko na lang iistorbohin,”. Basa lang ng Basa…

DaDaDaDaDaDaDaDaDaDaDaDaDa… Batman!

May 18th, 2009 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 20 Responses

batman hindi robin“Just how old do you think you are?!!!”

Sigaw nung katrabaho kong Romanian habang tawa ng tawa. Nakita nya kasi na bukod sa Batman belt ko, may matching cufflink pa akong suot suot. Kulang na lang kapa. At sempre si Robin.

Hinila pa ako ng bruha papunta dun sa mismong boss naming puti at sabay tanong, “How old do you think Buraot is?” “Old enough to realize that Santa aint real?” sagot naman ng boss namin. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes