Seryoso si Kulapo

January 26th, 2011 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Layp at da Pugad Baboy 6 Responses

Sensya na sa mga naliligaw sa websayt na ito.

Kung di ninyo napapansin, pihado kong oo, ay porty payb years akong wala dito. Pero kahit na antagal na absent ng lolo nyo, wala naman akong balak isara ang site na ito. Sayang ano.

Medyo naging seryoso lamang po si Kulapo sa ilang mga bagay-bagay sa mga buhay buhay.

Una, nagtayo ako ng isang bagong websayt tungkol sa aking tinubuang bayan, ang www.naujenos.com. Ito po ay libre at labor of love na gawain para makatulong mai-promote ang turismo ng aming bayan at magkaroon tuloy ng daluyan ng impormasyon tungkol sa munti naming bayan at sa marami nitong mga mamamayan na nasa ibang lugar. Basa lang ng Basa…

Mga Gigil sa Kalye Gatil

August 20th, 2010 by BURAOT Categories: Layp at da Pugad Baboy, Samahang Butong Pakwan 5 Responses

Hindi kalayuan sa may palengke ng bayan namin sa Timbuktu, may lugar na kung tawagin ay Kalye Gatil.  Maalamat ang kalye na yun. Sipunin pa lang ako, Kalye Gatil na ang tawag dun.

Ewan ko ba kung bakit dun sa bayan namin, magagaling talaga yung mga tao na gumawa ng pangalang kakaiba. Parang libangan na namin ang patawanin ang mga sarili namin.  Hindi ko alam kung dahil ba walang magawa at tamang inip lang, o talagang masayahin lang.

Mahabang kalye ang kalyeng kinatatayuan ng Kalye Gatil. Mula sa dulong-bayan hanggang sa may simbahan, tagos ang kalye na ito. Pero ang tinaguriang Kalye Gatil, iisang kanto lang naman.  Magmula dun sa bahay nina Pamping hanggang sa may kabilang kanto, yun lang yun.

Pero kahit na iisang kanto lang yun, isang barangay halos ang katapat. Basa lang ng Basa…

The Last Puge of Naujan

July 17th, 2010 by BURAOT Categories: Layp at da Pugad Baboy 3 Responses

Meet Edwin Puge.  Pagkasa-puge naman talaga. Anong sinabi ni Mister Swabe. (Hindi po sya yang nasa piktyur, medyo hawig lang.)

Pag sa sideview mala-Bong Revilla. Sa kanang sideview, ala Jovit Moya. Sa backview ala Robin Padilla.  Pag front view, Wagna Muna. Sa patilyang patilya naman  aakalain mo si Ronnie Poe.  Pero pag sa kilay, Inaku Po.

Ang timbre ng boses, parang brodkaster sa radyo ang dating. Pag tumayo, machong macho ang dating. Pag naglakad, me paka missing link lang  ang dating.

Pero kahit gagay-an gay-an yang si Edwin, kaibigan at kainuman ko yan. Minsan, pag walang magawa, kabugbugan ko din. Yun lang naman eh kung wala na kaming mapaglibangan. Basa lang ng Basa…

Ang Kalabaw ni Walter Uman

July 3rd, 2010 by BURAOT Categories: Boy Bastos, Layp at da Pugad Baboy 5 Responses

Dun sa amin sa Timbuktu, sikat itong si Walter. Palibhasa uman. (uman= is Timbuktu term for manyak)

Di nagtagal swerteng naka-jackpot ang kumag at naging sundalo. Naipadala sya dun sa mas malayo pa sa Timbuktu bilang bostsip ng mga cafgu.

Napansin nya ang isang mahiwagang kalabaw na nakatali sa gilid ng kakapurit na kampo. Tinawag nya ang isang sundalo at tinanong kung bakit may kalabaw sa kampo.

“Ala eh ser, alam naman ninyong pagkalayo natin sa kabihasnan at malayo tayo sa kani-kanilang mga asawa. Kaya kapag nadating ang tawag ng pangangailangan, naandiyan naman ho yung kalabaw,” nanginginig na sagot ng sundalo.

“Hindi sa pabor ako dyan, pero naiintindihan ko ang pangangailangan nating mga lalake, kaya okey sa olrayt, “ sagot ni Lt. Walter. Basa lang ng Basa…

Ang “Toot” Ko sa Ilog

June 29th, 2010 by BURAOT Categories: Cachupoy Audio, Layp at da Pugad Baboy 2 Responses

Excuse me po sa mga nagmemeryenda dyan. Naalala ko lang kasi ito yung isa sa mga kantang itinuro sa akin ng yumao kong kuya.

Drive Thru sa Bahay McDo

April 16th, 2010 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 7 Responses

Nasubukan mo na bang umorder sa bahay Mcdo gamit ang drive-thru window? Malamang oo, pero naisip mo na bang umorder dun ng wala kang sasakyan?

Bakit hindi?

Minsan, mahaba ang pila dun sa loob ng McDonalds. Para ako mapabilis, dun ako dumaan sa drive-thru. Umorder ako ng limang Happy Meal (peborit ko kasi yung toy).

Nung magbabayad na ako, pinagalitan ako nung clerk at sinabing bawal daw dun. Eh ano namang bawal dun, eh magbabayad naman ako!

Pero kahit na anong gawin ko, ayaw ibigay sa akin ang order ko. Discrimination. Papano yung mga walang kotse? Sabi, kelangan daw me sasakyan, kaya nga daw “drive-thru”. Hmnnn, sa isang banda naman, may tama sya. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes