Ang isa sa mga natutunan ko sa buhay ay ang pagiging maabilidad. Bakit nga naman kailangang gumastos kung di naman kailangan. At kung kailangan mo naman ang isang bagay, kaya mo naman itong gawan ng paraan.
Ang moral lesson: Huwag maging waldas. Make do with what you have.
Dahil lumaki kaming mahirap lang. Di kami sagana sa mga laruan. Bukod pa dyan, di pa naman uso ang mga PSP, Gameboy at Wii noong mga panahon namin ni Kopong Kopong.
Noon, ang cellphone namin ay ang mga latang me tali. Long distance na yun. Pag gusto mo naman i-buzz yung trops mo, batuhin mo lang yung bahay oks na. O kaya me special kayong sipol bilang sign. Ni wala sa hinagap na mai-imagine namin na ang magiging tambayan in the future para makipagkwentuhan ay peysbuk. Dati rati dun lang kami sa kamposanto tumatambay hanggang hatinggabi. Basa lang ng Basa…
Kakamulagat pa lang ng mga mata ko, ganyan na yan. Bago pa isinilang ang grupo ni Polgas sa dyaryong sikat, mas nauna nang sumikat ang lugar kung saan ako ipinanganak, and Pugad Baboy.
Nakasanayan ko na yun. Akala ko, yun ang pangalan ng barangay namin na yun sa Timbuktu. Siksikan ang mga bahay, may sapa salikuran, at sempre, eto ang matindi, katabi ng sementeryo. Basa lang ng Basa…
April 10th, 2009 by BURAOT
Categories: Layp at da Pugad Baboy
6 Responses
Ambilis ng panahon. Naaalala ko kakapost ko lang ng mga tungkol sa punitensya noong nakaraang mahal na araw. Ngayon Biyernes Santo na naman..
Sigurado akong marami ang out of town ngayon kaya bihira ang naka online. Maliban na lang sa ilang mga adik sa internet at pagba blog. Isama mo pa ang mga walang sawa sa tweet tweet at plurk plurk. Ako andito pa rin sa trabaho, sempre nagtratrabaho.
Buti na lang nakakabit na sa balat ko itong laptop ko kaya pag nababato ako sa work, nag-o-online ako. Basa lang ng Basa…
Para sa kin, ngayon ay litsong manok day.
Thanksgiving Day kasi dito, trip nila lahat turkey. Yoko ng turkey, di masyado masarap. Mas gusto ko pa yung Andok’s. Kaso, wala naman litsong manok dito. Kaya tamang imagine na naman ako. Nung nasa LA pa kasi ako, dun wantusawa sa mga tindahang mga Pinoy, kaya lahat ng maiisip mong pagkaing Pinoy, meron dun sa me kanto.
Nung nasa timbuktu ako, kahit araw araw litsong manok day. Kahit na inahin o panabong pwede na rin. Kahit na parang goma sa tigas yung karne, oks pa rin, pangas lang ng pangas. Madalas kung hindi ako sasama makipag sabong, mag-aabang lang ako. Di naman kasi ako sabungero tulad ni Itot. Mas trip ko pa mag pusoy dos. O kaya makipag pustahan sa basketbol. Basa lang ng Basa…
Madalas kapag wala kaming mapagtripan, kawawa yung mga dumadaan sa me amin. Kasi nga, yung mga bahay namin eh katabi lang ng kampo santo, madalas kami tumambay dun sa kanto dun.
Yun pa namang daan sa kanto na yun, sya lang ang tanging daan papunta dun sa isang barrio sa amin na kung tawagin ay Kanipisan. Kung anuman ang manipis dun sa baryo na yun, di ko na inalam. Kaya kung me taga-dun na medyo ginagabi, wala syang choice kundi dumaan sa lumang sementeryo. Basa lang ng Basa…
Dahil undas na naman, obigado na naman akong mag-share ng aking experience na medyo nakakatakot.
Kung bakit ba naman kasi nauso yang haloween haloween na yan. Pati tuloy mga bagay na dapat kinakalimutan na, eh pilit pa ring inaalala.
Bakit ba tuwing araw ng patay eh marami tayong kinakatakutan. Di mo na kelangan pang magpunta ng Capiz o Siquijor. Kahit saang probinsya, me makikita ka. Kahit na nga sa Manela. Pero sabi kasi ng iba, sa mga liblib na lugar daw kasi maraming nagkukuta na mga mala impaktong nilalang kasi tahimik daw dun at di pa naiistorbo ng ingay ng mga lunsod.
Kahit dun sa amin sa Timbuktu, maraming mga ganitong kwento. Nung una ayokong maniwala. Sempre Manela boy ata ito, laking Manela. Pero dahil madalas akong dumayo ng inuman dun sa mga barkada kong taga-bukid, maraming kwento at sempre karanasan din na medyo nagpanginig (sa takot, hindi kung anupaman) ng tuhod ko. Basa lang ng Basa…
SikatchuPosts