I Kissed A Girl and She Liked It

October 3rd, 2011 by BURAOT Categories: Da Adventures of Kid Buraot, Samahang Butong Pakwan 3 Responses

Minsan isang gabi, naburaot na naman ako at naisipang kong pumasyal at magpalamig  sa  aking peborit na bar.

Pumasok ako sa  loob at pumuwesto sa may bar, umorder ng isang beer at naupo. Nagmumuni muni lang ako about layp  ng may nakita akong isang pasuray suray na matandang lalaki papalapit sa bar.

Nilapitan nito ang isang customer sabay sabing, “alam mo, I kissed yo momma last night and you know what? Sheeeeeee liked it,” sabi ng lalaki.

Di ito pinansin ng customer at patuloy lang lumalaklak ng beer.

At dahil dedma lang sya, bumanat na naman ang lalaki. “alam mo, I screwed yo momma too and you know what? Sheeeeeeeee liked it,” sabi ng lasing. Basa lang ng Basa…

Mga Gigil sa Kalye Gatil

August 20th, 2010 by BURAOT Categories: Layp at da Pugad Baboy, Samahang Butong Pakwan 5 Responses

Hindi kalayuan sa may palengke ng bayan namin sa Timbuktu, may lugar na kung tawagin ay Kalye Gatil.  Maalamat ang kalye na yun. Sipunin pa lang ako, Kalye Gatil na ang tawag dun.

Ewan ko ba kung bakit dun sa bayan namin, magagaling talaga yung mga tao na gumawa ng pangalang kakaiba. Parang libangan na namin ang patawanin ang mga sarili namin.  Hindi ko alam kung dahil ba walang magawa at tamang inip lang, o talagang masayahin lang.

Mahabang kalye ang kalyeng kinatatayuan ng Kalye Gatil. Mula sa dulong-bayan hanggang sa may simbahan, tagos ang kalye na ito. Pero ang tinaguriang Kalye Gatil, iisang kanto lang naman.  Magmula dun sa bahay nina Pamping hanggang sa may kabilang kanto, yun lang yun.

Pero kahit na iisang kanto lang yun, isang barangay halos ang katapat. Basa lang ng Basa…

Welkam Palo Mo Mukha Mo

May 15th, 2009 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan 12 Responses

yan ang hazingKung madalas man ako nagbibigay ng welkam palo dito sa site ko, wag ka masyado matakot.  Baka kasi isipin ng mga naliligaw dito, fratman ako. Hindi po. Mas mataas ang level ko dun. Heheheh.

Anim kaming mga magkakapatid na lalaki. At wala sa lahi namin ang sumasali sa frat. Dati na kasi kaming frat noon sa Timbuktu, Frating Gutom.

At kahit pa halos lahat ng mga pinsan pinsan namin ay mga pulis, wala ni isa man sa amin ang nangarap na maging pulis. Dati na kasi kaming mga mukhang pulis. Police characters. Basa lang ng Basa…

Bawal ang Miron

December 13th, 2008 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy, Samahang Butong Pakwan 11 Responses

Sa lahat ng ayaw ko eh yung me mga miron.

Madalas kapag nagto tong-its ka o kaya naman ay nagma-mahjong, di nawawalan ng mga miron. Natural kasing trabaho at libangan ng mga miron ang makelam sa diskarte ng mismong mga kasali. Minsan sila pa yung malakas makipusta. Kumbaga,  mga side pusta o sasama sa ipinusta mo. Madalas din mas malaki pa ang taya nila. Kaya naman natural, sempre, sila yung bukod sa mas maingay, ay mas pakialamero.

Kaya minsan wala kang masasabi kundi, “Hay naku, lasma ang bekata sa nanka!” (Malas ang katabi sa kanan)

Pssttt.. boy bawal ang miron.
Psssttt…. boy bawal sabi ang miron!

Eto nga, napapansin ko nitong mga nakaraang mga araw, buhat nung maging sikatchupoy ang site na ito, me mga miron akong aali-aligid dyan sa mga gilid gilid. Kesyo mga tramadol at kung anu ano pang mga kaekekan kuno. Nangawit ako ng husto kaka delete.

Kaya naman, kahit medyo ayaw ko pa nung una (ganun talaga yun, ayaw muna kunyari), isinalpak ko na din si Akismet.

Baka kasi pati yung mga comments mo eh mahagip. Kaya kung nawawala ang comment mo, paramdam ka lang, baka napagkamalan lang sya ni Akismet.

Alpha Dakma Nokma

November 27th, 2008 by BURAOT Categories: Layp at da Pugad Baboy, Samahang Butong Pakwan 26 Responses

Para sa kin, ngayon ay litsong manok day.

Thanksgiving Day kasi dito, trip nila lahat turkey. Yoko ng turkey, di masyado masarap. Mas gusto ko pa yung Andok’s. Kaso, wala naman litsong manok dito. Kaya tamang imagine na naman ako. Nung nasa LA pa kasi ako, dun wantusawa sa mga tindahang mga Pinoy, kaya lahat ng maiisip mong pagkaing Pinoy, meron dun sa me kanto.

Nung nasa timbuktu ako, kahit araw araw litsong manok day. Kahit na inahin o panabong pwede na rin. Kahit na parang goma sa tigas yung karne, oks pa rin, pangas lang ng pangas. Madalas kung hindi ako sasama makipag sabong, mag-aabang lang ako. Di naman kasi ako sabungero tulad ni Itot. Mas trip ko pa mag pusoy dos. O kaya makipag pustahan sa basketbol. Basa lang ng Basa…

Pssssssttt….. Pssssstttttt…

November 13th, 2008 by BURAOT Categories: Samahang Butong Pakwan 27 Responses

Kakagising ko lang.

Dahil malamig na dito sa kuta ko, syempre sarap matulog. Dose oras ako natulog. Medyo sumasakit na naman kasi ang paa ko kaya maaga akong boundary. Di na ko nag-online, di na rin ako nag-almusal. Pagkabihis, sinilip ko lang sa salamin ang aking abs abs abs abs na 12 pack, diretso na ako sa kama. Alas otso yun ng umaga. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes