Rak en Roll!

November 7th, 2008 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan 12 Responses

Oo na! Kahit ako natutuliling na sa boses pekpek na sounds ng mga chipmunks. Kasi naman ber na kaya naisipan kong maghalughog ng musik na pang pasko. Naispatan ko tuloy yung katunog ng boses ko. Grabe lapit na magpaskiw.

Pinalitan ko na muna ng iba. Eto, amoy kang laway jeproks! Basa lang ng Basa…

Byahilo sa San Pablo

July 17th, 2008 by BURAOT Categories: Samahang Butong Pakwan 5 Responses

(hango sa librong “Alamat ng Tropang X”)

Katatapos lang ng mid-term. Kahit na minamani lang namin ang mga exam, sempre kelangan pa rin naming i-relaks ang aming brain. Kaya sempre pa, bakasyon muna ang tropa. Dahil sempre kakaiba dahil kami ang bida rito, kailangan yung gimik namin mala-impakto rin.

Napagkaisahan ng trops na dun na lang muna kami kina Kitkat sa San Pablo, Laguna mag-relak. At dahil medyo malayo ng konti sa Maynila, at para me adventure din, napagkaisahan naming wag nang dalhin ang Wrangler na pang-harabas ni McGyver, commute na lang kami. Basa lang ng Basa…

Pare Pa-Kiss!

January 9th, 2008 by BURAOT Categories: Samahang Butong Pakwan 4 Responses
(hango sa librong “Alamat ng Tropang X”)

One day isang araw, nakatambay kami ni Clapton sa me gilid ng library. Nakita namin yung mga chikababes, lumalabas ng CR, holding hands. Dahil sempre, iskulmeyt naman, alam namin na hindi sila mga tibo.

Ewan ko ba, bakit nga ba pag mga babae, pwede mag-akapan, at magpuluputan, hokey lang. Hindi masagwa. Katunayan, tanggap pa ng lahat at walang halong malisya kapag papanoorin mo. Okey din naman kahit na sila ay mag HHWW. (Holding Hands While Walking, anokaba!) Pero imaginin mo kung pareho silang lalaki, ano sa tingin mo?

Parang medyo alam na namin ang sagot sa tanong namin. Pero dahil wala na naman kaming magawa, nag social eksperiment na naman kami. So ang ginawa namin, lumakad lakad kami sa catwalk. Ako at si Clapton. HHWW. Pa sway sway pa. Subok lang. Sabay banat pa ni Clapton, gamit ang mala Rey Langit na boses, “Pare, pa-kiss.”

Di pa kami nagangalahati sa nilalakad namin, naghanap na kami ng Bonamine kasi muntik na kami masuka sa pinag gagawa namin.

Yuck, tol kadiri.” sabi ni Clapton. “Honga, tumindig balahibo ko. Wag na natin ulitin ha?” Sabay hagalpakan kami ng tawa. Yung ibang mga ekis naman, halos maihi.

Natural ata tayong me diskriminasyon sa balat.

Me mga tropa naman kaming mga badinger-z at mga ex-men. Open naman kami sa mga ganung bagay. Pero masagwa pa rin siguro kung ikaw ay straight. Ewan ko. Basta.

Sabi pa nga nung isang kebigan kong bading. “Siguro kaya kayo takot eh dahil, 1. bading ka din or 2. me karanasan ka na sa bading.” Namula ako sa sinabi nya, muntik ko nang upakan (joke lang) trops kame. I-psychologize ba kami. Wahahahah!


(same-o same-o)
Kahit ngayon, in na in dito yung babae sa babae na relasyon, mas in demand pa nga. Pero yung sa kapwa lalaki, open din pero di ganun kataas ang public demand. Katunayan mas gusto pa nga ng mga kelots yung ganun. Kung bakit? Secreeeet.

Dami mo satsat pare. Pa-kiss na lang!

Sir Mong Mukha Mo!

November 8th, 2007 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan No Responses
sir butas(hango sa librong “Alamat ng Tropang X)

Yahuuuuuuuuuu!!! Eto na po kami sa aming second peborit subject, and P.E. Oo, second lang. Para ka namang bago ng bago, sempre first peborit yung recess. Kaw naman, bata pa tayo yun na ang number wan. Kopong kopong pa yun no.

Tuwang-tuwa kaming mga ekis. Sempre makakakita na naman kami ng mga seksing mga kolehiyala. Basa lang ng Basa…

Mga Amasona ng Intramuros

October 29th, 2007 by BURAOT Categories: Alamat ng Kopong Kopong, Samahang Butong Pakwan 4 Responses

Eto na. Inaabangan na to nung ibang mga buraots dyan sa gilid-gilid.

Ipakikilala ko na po ang mga ma-alamat na mga bebots na nagpabago ng pananaw ko sa buhay. Mula sa isang pagiging strike anywhere, anyhow, anytime at anyone (ooops), sinulsi nila ang aking naghihingalong walang kawenta-wentang buhay na walang katuturan at pinilit na maging isang mabuting mamamayan. Naks.

Sila ang mga mala-impaktong mga amasona ng Intramuros. Basa lang ng Basa…

Hoy, Mr. Bungol!

October 26th, 2007 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan One Response
(hango sa librong “Alamat ng Tropang X”)

Me propesor yung ibang kaklse namin dun sa ibang subject. Di namin sya titser kasi, di naman namin kelangan yung subject nya para grumadweyt, di kasali sa kurikulum namin.

Kaya lang masyado sya sumikat sa mga kwentuhan naming mga ekis, kaya, natural kasali rin sya sa wento.

Tawagin na lang natin syang si Mr. Bungol. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes