» buraot101
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for the ‘buraot101’ Category

Blog Prayer Brigade

Tuesday, December 9th, 2008

Naipangako ko na ito kay pareng bluepanjeet na gagawin ko. Ang iniiisip ko lang at that time ay sa seryosong blog ko ito ipo-post. Pero ni-tag ako ni Kuya Mon ng FatherlYours.com kaya ini-post ko na rin dito.

Ito ay tinaguriang Blog Prayer Brigade for the Future President of the Philippines. Sempre, obvious naman na para itong Black Rosary cum pasalod. Simple lang ang riles nito (oo palaging me rules).

1. Kopyahin mo lang lahat mula Copy Starts Here hanggang Copy Ends Here at i-post sa iyong blog. NOTE: AS IS. Verbatim. Word for Word.
2. Gumawa ng iyong sariling dasal na dadasalin mo ng regular. Depende sa yo kung ano ibig mo sabihin ng regular. Kung gusto mo kasing regular ng iyong monthly bisita, pwede.
3. Mag-tag ng iba pang bloggers.

Itong tag cum prayer na ito ay in English, nilagyan ko lang ng translation para di ka mahirapan intindihin.

Eto na… ready ka na ba?…. Cut en paste na…

—-COPY STARTS HERE—–

Copy these rules including the logo above and paste in on your blog as is: NOTE to BURAOT: As Is!

1. Write a short, sincere and meaningful prayer, (in your own words and according to the customs of your religious affiliation) about asking God in guiding our country and fellowmen in choosing the right candidate to vote for in the coming 2010 Philippine Presidential Elections. It can be in your own vernacular, and can be short and long as you please. Remember, the goal of the prayer is not only for Peaceful Election but most of all “for the guidance of choosing the right Presidential candidate to vote in the election”

Translation:

Una. Magsulat ng dyutay, walang ambot at may kapararakang sumpa dasal (ayon sa imo at ayon sa banal na kasulatan ng iyong trip na relihiyon) na nagwi-wish na gabayan ang ating bansang Pilipinas at mga kababayan ni Francis M. sa pagpili ng maka-kanang mahusay na kandidato sa darating na 2010 Eleksyon at magpakailanman syanawa.

Ito ay pwedeng sarili mong binocular, at maaari ring maikli o mahaba depende kung ano ang magpapasaya sa yo. Tandaan: Ang target ng sumpa dasal na ito ay di lamang sa matahimik na eleksyon kundi, at the mostest ay ang tamang pagpili ng tamang Trapo.

2, Publish the prayer for everyone to Read in your blog.

Transalation ulit:

Pangalawa. Ipa-imprenta ng full page sa Inquirer. Kung wala kang pera tulad ko, pwede sa blog mo.

3. Go to the Blog Prayer Brigade Main Page which is located here, and get one of the badges or banners for the brigade. Place the badge or banner in your Sidebar until the 2010 Presidential Elections commence.

Translation na naman:

Pangatlo. Magpunta sa site na ito para mangupit ng banner at isalpak sa blog mo hanggang matapos ang eleksyon. Kung walang eleksyon, tanggalin ang banner, pati ang iyong blog.

4. Make an oath by filling the blank below with your handle/or name.

I, _____________________(name) support the cause of the Blog Prayer Brigade for the election of the Future President of the Republic of the Philippines and I do solemnly promise to recite the prayer, which I wrote, in my own convenient time and regularly as possible until the 2010 Presidential Election commences. Let it be written, let it be done.

Translation pa rin sempre:

Pang-apat. Manumpa sa watawat gamit ang iyong alyas.

Ako, si BURAOT, (hindi tunay na pangalan) ay sumusuporta sa pautot na ito (nakasulat sa itaas) at ako ay nangangako tamaan man ako ng kidlat, na aking isusumpaipagdarasal sa pamamagitan ng post kong ito, na silang mga kakandidato ay patuloy kong isusumpa ipagdadasal sa araw araw na ako ay nagba-blog hanggang sa 2010 Eleksyon. Itatak mo sa bato.

5. Tag at least 7 Pinoy bloggers you know who haven’t done this before so that the prayer will spread wherever there is a pinoy blogger present.

Ikalima. Pilipitin ang braso ng at least 7 bloggers at pilitin silang sumali ditto.

6. Keep you promise of praying for the Presidential Election so that God may guide us in choosing the right leader for our country.

Ika-anim. Ang pramis ay pramis.

7. in January 2010, we will gather all the names and prayers of each participants and publish all their prayers in one Blog. We will also feature in the blog the most beautiful prayer ever composed in this project.

Ika-pito. Sa Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre Disyembre… Lubi lubi. Napakanta ka no? Magco-combine ang lahat ng ating mga powers. Pipiliin din ang magiging pinaka matinding sumpa magandang dasal sa balat ng lupa.

————–COPY ENDS HERE————–

Ito ang aking personal na dasal…

Diyos ko, Ama ni Lolo Abram, Allah ni Muhammad at Yahweh ni Ben David, Diyos ng Sanlibutan, sa pamamagitan ng aking natatanging besprend, nag-iisang kabalitaan, kapamilya, kapuso at ka-bonding na si JC…

Mula ngayon hangang sa darating na eleksyon, ito ang aking idinadasal:

Na sanay ang mga kakandidato ay magkaroon isang salita katulad ni Gloria, walang pinipiling kamag-anak o kaibigan tulad ni Erap, walang dinadagdag o binabawas katulad ni Ramos, hindi nangungurakot na tulad ni Makoy, at tumutupad sa pangako katulad ni Eddie Gil.

Naway kung lulustayin din lang nila ang kaban ng bayan, ito ay ipamahagi nila wag sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan lamang kundi maging sa mga mahihirap na katulad ko na nagpipilit magklik sa sariling ads. Naway sa susunod, ambunan naman kami ni Joc Joc. Sanay mapuno na ng tulay at sementadong daan ang buong Pilipinas para wala na silang pagkukunan ng mga kickbacks.

At kung sila ay mananalo at ilalagay nila sa pwesto lahat ng kanilang mga crony at kamag-anak, sana’y lahat na ng mga kababayan ko ay nasa abroad na lahat. Sila na lang ang maiwan.

Naway ang mga botanteng tulad ko ay magiging wais na na katulad ni Lumen sa pagpili ng kanilang mga iboboto.

Sanay hindi na sila magbenta ng aliw boto sa murang halaga. Lahat ng bagay ngayon ay mahal na, depende sa law of supply and demand. At dahil malakas ang demand, mas malaki ang presyuhan ngayon.

Sanay di na sila matatakot sa mga baril na ibinabalandra ng mga goons ng mga kandidato. Ang tama ng baril ay nagagamot na, matagal na.

At kung tinatamad sila makinig sa mga plataporma ng mga kandidato, piliin na lang nila ang lahat ng sikatchupoy na kakilala nila gaya nina Victor Wood. Isipin mo, pag nanalo si Victor Wood, ambigat ng aming magiging first lady, si Madam Auring. Sisikat na naman kami sa mundo.

Yan ang aking dasal.

At tinatag ko naman ang mga iba pang bloggers na mahilig ding mag ama namin na sina Pajay, Paperdoll, Jadeite, Utak Munggo, Enday, AhKong at Angel.

Yun lang naman eh kung walang pang nakaka-tag sa kanila.

Papa Opera Muna

Sunday, December 7th, 2008

Tapos na ang pakontest. Nakatulog na ko ng 48 hours. Linggo na naman. Malapit na naman ang pasko.

Sa mga ganitong mga panahon, wala akong maisip na nakakatawa, maliban sa buhay ko. Naisip ko nung nakaraang huling araw ng Nobyember, birthday ng tatay ko. Naesep ko ulit, tutal eh blog ko naman ito, pwede kong i document yung mala-impaktong buhay nya. Nahalungkat ko kasi sa mahiwagang baul yung dating sulat nya sa akin na makabagbag damdamin.

Kaso di ko naman pede ilagay dun sa blog kong mala-nose bleed. Di kasi babagay kung itra transalate ko sa english, mas okey kasi kung tagalog. Kaso mo seryoso sya, di naman nakakatawa. Pag ginawa ko namang nakakatawa, baka kalabitin ako ng tatay ko.

Matagal na kasing nag-saudi ang tatay, walang balikan. Noong bagong salta ako dito, 2001, pagkarating ko dito, ilang buwan lang, bumawndary na sya. Kinuha na ni Lord.

Pero saka ko na lang isasalpak dito ang wento ni Mamay Karding.

Linggo na naman kasi kaya oras na naman para palitan yung songers ko sa side. At dahil magpapasko na, naghahanap ako sa baul ng pamasko. Pero dahil trip ko, ito ang isasalpak ko. Kung di mo kilala si Sarah Brightman, panahon na para makilala mo sya dahil sya at hindi si Anne Curtis, ang tunay na dyosa. Heheheh. Naging kami kasi nung nananaginip pa ko nung isang gabi. Ewan ko kung bakit ba kapag senti ako at magpapasko, sya ang kadamay ko. Di ko din alam.

Pero hayan, pasosi muna ako ngayong week na ito. Hinaan mo na lang ang volume mo. Pagbigyan mo na ako dito, minsan minsan lang naman ito.

Bagong Songers

Sunday, November 30th, 2008

Hayan, linggo na naman. Kaya naman tapos na ang kontrata nung mga songers jan sa gilid na pang kabaret. Kelangan, bago bago na naman.

Dahil lagi naman akong walang mai-post dito kundi mga kabulastugan at mga bagay na walang kawawaan, papanay panayin ko na. Tuwing linggo ng pagkabuhay, aarkila ako ng mga banda o mga songers na galing Pinas. Tutal tagalog naman itong blog na to, dapat lang na mga OPM din ang mga banat na sounds dito. Para bagay sa motiff.

Ipinahinga ko na muna yang ika nga ni pareng Bluepanjeet, ay kabaret music. Nyahahahah! Nakapasok ka na ba sa kabaret? Iisipin mo, sa tinanda tanda kong ito, nakapasok na ko? Hindi pa no? Panahon pa ni Palito yun. Si Cachupoy lang ang inabot ko.

Eto naman ang bagong mga songers. Mga music na alam na alam nating baduy pang-masa. Pero paminsan-minsan…. o.. o.. wag ka nang mag-maang maangan diyan, kapag walang nakatingin, eh pinapakingan mo din. Wag ka nang magpasosi jan, kita kita.

Kasi naman, ibang klase din kasi ang mga boses nitong ating featured songers na ito. Bukod sa natural na makabasag pingan ang mga timbre nila na mala Sylvia La Torre, super husky din kasi. Parang ilang taon nang uhaw uhaw sa vicks ang kanilang lalamunan.

Madalas din itong suki sa mga inuman na me mga live bands kaya kahit papano, naririnig ko din madalas yan nung pagala-gala pa ko sa Taft at Ermita.

At sya sya… oo na… pati sa mga beerhaws.

Bonifacio Day, Sikatchupoy Day

Sunday, November 30th, 2008

Pula ang pantalon ko ngayon.

Di ko pa rin alam kung bakit sina Bonifacio, type magsuot ng pulang pantalon. Pwede namang green. Pero pinili nila ang pula. Siguro dahil magda dance revolution sila. Sempre color coding yun pag me gyera.

Tingin ko, yung mga pantalon nila ang dahilan kung bakit kelangan na nila punitin yung mga sedula nila. Para di na sila makilala. Wahahahha! Kumbaga sa commercial ng southwest airlines dito.. “wanna get away?” Kasi nga kahiyaan na sila sa pagsusuot ng pulang pantalon, mas minabuti na nilang wag na makilala.

Kaya naman pinili ko talaga ang araw na ito ang deadline sa pakontest ko.

Kasi katulad ni Bonifacio, nagsuot din ako ng pulang pantalon. Kaya nga di rin ako nagpapakilala. Maliban dun sa minsang iwagayway nila yung mala anghel kong piktyur sa Inquirer, di ko na inulit yun. Kasi bukod sa IRS na humahanting sa kin, pinagtataguan ko din yung mga pinagkakautangan kong Bumbay at mga bookies ng ending dun sa amin sa Dimasalang. Pati na rin yung utang kong limang case ng beer ke Mang Tabog.

Buti na lang di uso sa kanila ang magbasa ng blog.

Paalala lang po. Ngayon po ay Sikatchupoy Day din. Dahil Nov.30 na, deadline na rin ng aking mala-impaktong pautot. Mamayang hatinggabi dito sa pinagkukutan ko, isasara ko na ang mga electronic voting booth.

Kaya yung mga gusto pang humabol, pwede pa kayong magpa photo finish dahil advanced ang oras dyan sa Pinas, me natitira ka pang ilang oras. Wag mo kalimutang magparamdam agad kasi baka di agad mahanap ng mga alagad ko yung mga incoming links.

Sya, sya… tama na ang basa. Post na!

Taguan sa Kamposanto

Wednesday, October 29th, 2008

Dahil undas na naman, obigado na naman akong mag-share ng aking experience na medyo nakakatakot.

Kung bakit ba naman kasi nauso yang haloween haloween na yan. Pati tuloy mga bagay na dapat kinakalimutan na, eh pilit pa ring inaalala.

Bakit ba tuwing araw ng patay eh marami tayong kinakatakutan. Di mo na kelangan pang magpunta ng Capiz o Siquijor. Kahit saang probinsya, me makikita ka. Kahit na nga sa Manela. Pero sabi kasi ng iba, sa mga liblib na lugar daw kasi maraming nagkukuta na mga mala impaktong nilalang kasi tahimik daw dun at di pa naiistorbo ng ingay ng mga lunsod.

Kahit dun sa amin sa Timbuktu, maraming mga ganitong kwento. Nung una ayokong maniwala. Sempre Manela boy ata ito, laking Manela. Pero dahil madalas akong dumayo ng inuman dun sa mga barkada kong taga-bukid, maraming kwento at sempre karanasan din na medyo nagpanginig (sa takot, hindi kung anupaman) ng tuhod ko.

Pero konti lang. Kasi sanay na kami dito. Yun kasing mansion (100 x 100 sq. feet) ng nanay ko ay katabi lang ng plantasyon. Sa plantasyong ito makikita mo yung mga libingan ng mga bayani ng bayan namin. Mga libingan ng mga sinaunang tao. In short, lumang kamposanto. Sempre mas kilala yan sa tawag na sementeryo.

Kahit di ako dun lumaki, dun ako pinanganak sa Timbuktu. Ipina-ship lang ako sa Manela nung Grade 1 hanggang sa magkabuhok na ako sa kili-kili. Pero tuwing bakasyon, lagi din naman akong andun.

Tanda ko pa, kapag maliwanag ang buwan, magtataguan kami ng mga kalaro ko. Kawawa ang taya, kasi kanya kanya kaming tago dun sa mga bukas na nitso. Sarap pa ngang tumambay dun eh, malamig.

Minsan, yung taya ang mahahanap nya, sa halip na kami, eh mga mapuputing bungo at mga kalas-buto.

At dahil wantusawa ang supply ng mga buto, sya na rin ang ginagawa naming baril-barilan.

Kapag napagod na kami paglaruan ang mga kalansay, walang problema. Kahit walang meryenda sa bahay, maraming mga hitik na prutas sa me kampo santo. Very fertile ata yung grounds dun. Magtapon ka lang ng buto-buto, sigurado, tutubo na yun. Pinakamaraming nagkalat dun eh yung tarabugok. Ewan ko kung anong tawag dun sa prutas na yun. Basta tarabugok ang tawag sa amin. Para syang maliliit na cherries pero super tamis sya. Sa sementeryo ka ba naman tumubo, pag di ka sumarap.

At kahit maghapon magdamag ka dun maglaro sa kamposanto namin, safe na safe ka. Kasi sigurado binabantayan kami ng lola at lolo ko.

Kaya ba yan ng lolo mo?

Kaya naman hanggang sa lumaki na kami, paminsan minsan dun pa rin ang tambayan kahit na hindi undas. Dun kami nag-iinuman, kasama namin mga lolo namin.

Bionic Kopongkopong Man

Friday, October 17th, 2008

Naalala mo ba si Bionic Man? Eh si Million Dollar Man? Oo, kopong kopong pa yun. Alam ko nga me pinoy version pa yun na pinagbidahan ni Chiquito. Ah eto, Six Million Centavo Man.

Bata pa kasi ako, mahilig na ako tumambay sa harapan ng tv namin na de-ikot ang pihitan. Pero kahit de-ikot yung panglipat ng channel, hi-tech. Me remote. Pipindutin lang ng kuya ko yung tenga ko, iigtad na ako at kusa kong ililipat yung channel.

Dahil me official silang “remote”, sempre don na don ang dating ng mga kuya ko. Sempre pa, dahil ako ang pinakabata, ako ang laging taya. Kumbaga sa gyera, palagi akong private at sila ang mga generals. Kahit ano iutos ng generals sempre, takbo ka, “sir yes, sir!”

Okey naman kasi madalas nila akong inuutusan bumili ng yosi dun kina Aling Charing. “O Udong, ibili mo ako ng limang stick na Malboro.. sindihan mo na ha?!”

Ako naman itong si kumag, sindi naman sempre. Bago pa ako makarating sa bahay, nangangalahati na yung yosi kaka-hithit ko. Kahit pa nga ba katabing bahay lang namain yung tindahan. Asbok!

Kaya malamang kung bakit ang aga ko natuto mag-sigarilyo, 10 yrs old. Joke lang, sobra ka naman.

Naalala ko lang yung si Bionic Man dahil sa sobrang sakit na inaabot ko. Dahil kasi sa pagkawala ko ng forty days en forty nights, napag-esep esep ko na baka pupwede ko na papalitan yung paa ko. Tutal hi-tech na ngayon. Grabe na kasing pahirap etong isa sa pamana sa akin ng tatay ko. Andaming naman nyang mga agimat na pwedeng ipasa sa kin, rayuma pa. Kainis.

Tutal madami na rin akong nababasa na mga half-half, baka pupwede na. Hindi yung Half German-Half Sheperd. O kaya Half Persian-Half Cat. Eto pinaka corny at kopong kopong joke, Half Filipino-Half Filipina.

Yung half human, half machine. Ala exterminator ang dating. Me mga paa sila or kamay na bionic. At least kapag pinapalitan ko na tong paa ko, siguo naman, di na ko aatakihin ng rayuma ko. Hi tech pa ang dating ko, futuristic.

Problema ko lang, di na ko makakapaglaro ng magnet. Saka di kaya ako matetano? Papano kung maliligo ako, pwede kaya syang basain? Bukod pa sa pihadong super duper grabeng over the top ang mahal nya. Siguro naman baka pwedeng hulugan. Kahit na limang piso araw araw pwede na.

Nakontak ko naman. Sabi ko nga baka pwede ding gawing bionic yung “certain part” ng mga lalaki. Natawa pa sa kin yung doktor. Bat ko pa daw ipapa-bionic yun eh andami ko na daw mabibili sa mga “shops”. Wahahahah!

Inilagay na ako sa waiting list. Kung hanggang kailan ako magwe wait, yun lang ang medyo malabo, kasi wala naman syang sinabi. Sabi ko pa nga, baka pwede na ring magpadagdag ng brain. Kasi medyo kulang yung right hemisphere ko eh. Wala lang, tumingin lang yung doktor sa malayo, parang walang narinig.

Baka kelangan na din nya ng bionic ear. Bingi.

Kinis Ng Gilagid

Monday, October 6th, 2008

Alas nwebe ng gabi, nag-alarm ang celfon ko. Pain-in muna sa kama, fifteen minits. Alarm ulit. Tinatamad pa ako, pero no choice. Kulang na kulang sa tulog. Langya kasing trabaho to, sagabal sa pagba-blog.

Di ko pa masyado naaayos mabuti yung mga sites ko dahil laging kulang sa oras. Paglabas ko sa umaga galing trabaho, dun ko lang naa-update yung mga anik-aniks. Inaaral ko pa rin yung ibang mga plug-in plug-in nitong si Kulapo. Kung anu-ano. Ang alam ko lang kasi na plugs eh yung di saksak.

Bumangon na din ako, di pede ma late. Diresto sa banyo. Kahit medyo grogi pa, tutbras muna para oks. Tutal wala naman ng kain kain. Sa trabaho na lang.

Porty payb minits na ang lumilipas, nakatulog na ata ako kakatubras, parang di ata bumubula. Saka, parang kakaiba din ang lasa. Hindi lasang colgate. Hindi kaya luma na yung toothpaste ko? Bihira na kasi akong magtutbras, once a month na lang para makatipid. Baka naman made in china, at me melamine. Malabo.

Hmnnn. Dedma, baka antok lang. Sinawsaw ko ulit sa tubig yung tutbras ko, baka sakali bumula ang kumag. Wala pa rin. Di bale na nga. Pero parang me gumagasgas sa gilagid ko eh, kakaiba. Kinabahan na ko, naisip ko, baka katulad nung napanood ko sa mga kopong kopong na pelikula, na glue na pala ang nasa sepilyo nila. Nagising na ako ng diretso, natangal bigla ang antok ko.

Dali-dali kong binuksan yung mirror cabinet.

Haayyy… nakahinga ako ng maluwag. Di naman pala glue o kung anupamang lason yung nailagay ko sa tutbras ko. Hindi rin yung toothpaste.

Clean & Clear facial wash.

Daig ko pa ang nagpa-Belo at Calayan. Mnnnnn. Biglang kuminis ang ngipin at gilagid ko.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana