Bawal Mangopya

September 28th, 2011 by BURAOT Categories: Iskul Bukol 5 Responses

Isang araw last sem, nagpakalasing na naman kaming ng mga trops at nalimutan naming may exam nga pala kami kinabukasan.

Pero mana ata kami kay Lumen, wais, may naisip kaming paraan.

Nagpagulong-gulong kami sa putikan para magmukha kaming madungis.

Sinabi namin sa prof namin na nagpunta kami sa isang kasalan nung nakaraang gabi at pumutok yung gulong ng kotse namin. Eh nasa malayong lugar kami kaya ilang kilometro din kaming nagtulak ng sasakyan. At dahil nga dun, inumaga na at napuyat kami kaya hindi kami handang mag-exam. Basa lang ng Basa…

Seryoso si Kulapo

January 26th, 2011 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Layp at da Pugad Baboy 6 Responses

Sensya na sa mga naliligaw sa websayt na ito.

Kung di ninyo napapansin, pihado kong oo, ay porty payb years akong wala dito. Pero kahit na antagal na absent ng lolo nyo, wala naman akong balak isara ang site na ito. Sayang ano.

Medyo naging seryoso lamang po si Kulapo sa ilang mga bagay-bagay sa mga buhay buhay.

Una, nagtayo ako ng isang bagong websayt tungkol sa aking tinubuang bayan, ang www.naujenos.com. Ito po ay libre at labor of love na gawain para makatulong mai-promote ang turismo ng aming bayan at magkaroon tuloy ng daluyan ng impormasyon tungkol sa munti naming bayan at sa marami nitong mga mamamayan na nasa ibang lugar. Basa lang ng Basa…

Nawawalang Buraot, Nasa Peysbuk

June 18th, 2010 by BURAOT Categories: Iskul Bukol 4 Responses

Salamat dun sa mga nanawagan sa radyo at tv. Sa wakas ay natagpuan din ako. Mahigit forty payb years din akong nawala.

Sa mga patuloy na namamasyal dito at nagpipilit maglibang kahit walang tao, salamat po at dumadalaw dalaw kayo. Sana naman nilubos lubos nyo na at nagbibitbit na rin kayo ng kropek at coke.

Medyo alat ang inabot natin lately. Pagkatapos manenok yung account ko, sumabog naman yung laptop ko, tapos si Tagpi naman, kakabili ko lang ng bagong mga sapatos, ngayon naman kinailangan ng matinding surgery.

Para akong natalo sa sabong at mahjong. Kaya tuloy nagpagala-gala muna ako sa mga saklaan. Joke lang. Di na ako nagsasakla. Basa lang ng Basa…

Welkam Palo Mo Mukha Mo

May 15th, 2009 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan 12 Responses

yan ang hazingKung madalas man ako nagbibigay ng welkam palo dito sa site ko, wag ka masyado matakot.  Baka kasi isipin ng mga naliligaw dito, fratman ako. Hindi po. Mas mataas ang level ko dun. Heheheh.

Anim kaming mga magkakapatid na lalaki. At wala sa lahi namin ang sumasali sa frat. Dati na kasi kaming frat noon sa Timbuktu, Frating Gutom.

At kahit pa halos lahat ng mga pinsan pinsan namin ay mga pulis, wala ni isa man sa amin ang nangarap na maging pulis. Dati na kasi kaming mga mukhang pulis. Police characters. Basa lang ng Basa…

Ikaskas Mo Sa Pader

April 6th, 2009 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy, Boy Bastos, Iskul Bukol 6 Responses

kaskas sa paderMalayo pa Pasko. At ibang jingle ang ibig kong sabihin.

Kahit pa kaming mga kelots, in case of emergency, tatalikod lang, pwedeng pwede na rin kahit saang pader. Kaya nga yata nabuo ang kasabihan ni Kopong Kopong na “Ikaskas mo sa pader!”

Pero sempre, pag emergency lang yun. Kasi sa totoo lang, kaming mga lalaki, o baka ako lang, kapag jumijingel sa loob ng public bathroom at maraming nakatingin, hindi maihe. Ewan ko ba naman kung sino ang naka-isip ng ganitong design sa mga banyo ng lalaki. Basa lang ng Basa…

Side A Forevermore

March 27th, 2009 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Mala-Impaktong Buhay Buraot 14 Responses

side aNoong nasa kolehiyo pa ako, minsan inaabot ako kung saan saan. Sempre palibhasa natural akong palaboy laboy sa kung saan saan, basta me inuman, basta me gimikan, maaasahan. Kahit sa dulo ng walang hanggan Pangasinan, kayang-kaya kong marating.

Kaso, katulad ng karamihang mga kelots, wala akong hilig magbitbit ng maraming gamit. Yun bang kahit bumabagyo na’t lahat eh ayaw pa rin magbitbit ng payong.  Dehins cool teng. Kung ano yung suot, yun na yun. Strike anywhere, dude. Duuuude! Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes