Flower’s Club

October 6th, 2007 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan 3 Responses
(hango sa librong “Alamat ng Tropang Ekis”)

“Oi Clapton asan na? Kelangan ko mamayang gabi yun.” tanong ko nung makita ko sa Batibot si Clapton.

Ipinahiram ko kasi sa kanya yung membership card ko nung isang linggo, di pa binabalik.

“Ala sa kin, na ke Jordan na ginamit nya kagabi,” sagot naman nya. Basa lang ng Basa…

Ma’am Pulboron

October 6th, 2007 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan No Responses
pulburon(hango sa librong “Alamat ng Tropang Ekis”)

Lagi kong inaabangan klase nya. Kahit MWF lang ang Philo, okey na. Sana nga araw-araw.

Kasi naman itong si Ma’am Pulboron, impressive. Kahit pa kapag dumadating sya sa klase na parang humahalimuyak na pulburon, no problem. Konti lang naman sya mag mek-ap kaso parang lagi syang bagong panganak na tadtad ng jonhnsons. Ayos lang, super bango naman.

Nung una niya kong tinawag para mag-recite, “Mr. Buraot, what is the cause of the succeeding cause of the final cause?,” Yari. Basa lang ng Basa…

Binibining Goldfish

October 5th, 2007 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan No Responses
(hango sa librong “Alamat ng Tropang Ekis”)

Lagi namin syang naikukumpara ke Garfield. Kase naman tsong, ang lamlam ng mga mata. At sa ibaba nito, dalawang punungpunong eye-maleta.Pero dahil ke Bob Ong, naisip ko, tama siya. Goldfish nga pala, mas uubra.

Si Bb. Goldfish ay titser namin sa Pilipino. Imaginin mo naman, kaming mga Ekis, yun ang pinaka-paboritong subject nung kolehiyo. Napaka-interesanteng subject naman kasi. Charing.

Tapos nataon pang siya ang titser, masisisi mo ba ang mga tulad namin? Basa lang ng Basa…

Tameme

October 2nd, 2007 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan One Response
bitchslap(Hango sa librong “Alamat ng Tropang X”)

Nakasakay kami sa isang karag-karag na jeep, pauwi na. Kahit medyo amoy alak pa kami, okay lang dun sa ibang pasahero, iilan lang naman kaming sakay. Yung isang mama mukha ngang galing pang beerhouse, me tsikinini pa sa leeg.

Etong si Omar nagwawala pa. Awat awat namin kasi baka mahulog sa jeep. Sige sya ng kasisigaw, “Papatayin ko talaga yun, tol. Papatayin ko!”. Basa lang ng Basa…

Alamat ng Tropang Ekis

September 27th, 2007 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan 5 Responses

tropang ekisAng Simula

Unang araw namin sa Psychology. Lahat kami nasa row six.

Ewan ko ba kung bakit laging stereotyped na laging ang mga nasa last row, puro pasaway. Hindi naman masyadow.

Nagkataon lang siguro na kaming mga nasa last row, medyo mahiyain sa personal, kaya kami pumupwesto sa me bandang hulihan. Kasi alapa ka naman talaga kapagka nasa harapan ng kamera di ba?

Habang abala ang mga kaklase namin na daldalan ng daldalan, kami dahil hindi magkakakilala sempre pakiramdaman muna. Sempre astig-astigan muna. Basa lang ng Basa…

Hari ng Magsasaging

September 26th, 2007 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan No Responses
(Hango sa librong “Alamat ng Tropang Ekis”)

Minsan, dinala kami ni McGyver sa Baclaran. Me tropa daw sya dun na pwede naming tambayan, siga daw yun dun kaya ok na ok kami. Sama naman kami kase sempre Baclaran yun, baka minsan maligaw kami dun, iba na ang me sanggang dikit di ba. Para walang babangga sa yo.

So ayun na nga, napadpad kami dun isang gabing wala kaming mapuntahan. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes