Linggo Na Naman
Sunday, November 23rd, 2008Kapag linggo, namamasam-an ako. Di ko malaman. Tamang senti. Wala magawa. Yung ibang blogs ko, inaamag na naman. Wala kong ganang magsulat. Wala lang, trip ko lang.
Linggo na naman.
Pag ganitong araw, kahit pa walang ITCZ o Low Pressure Area na ina-aanounce si Kuya Kim, naghahalo ang hanging amihan at hanging habagat, pinupuno ang aking half-empty at half-full na kukote.
Hayan, naistorbo pa ang pagmumuni muni ko. Me pumasok na bubuyog dito sa bintana ko. Muntik pa ko mahagip. Buti na lang hayteck ang gamit ko, sa halip na lumang dyaryo, playboy magasin. Durog sya dun. Kawawang bubuyog, di na sya makaksimsim ng kahit anupang flower. Kapon na sya ngayon.
Isasara ko na sana itong bintana ko. Baka mamaya rumesbak pa ang mga ka-frat nitong kumag na to. Kaso, nangangalahti pa itong tabako ko. Saka kahit kelan di naman ako takot sa mga fratman. Kahit nga kuyugin pa nila ako, ok lang. Sanay na ako. Takaw bugbog naman ako eh.
Tama na yang kuyog bubuyog na yan. Ayan at nangingisay pa si Jollibee sa ibabaw ng mesa ko.
Dahil lang kasi Linggo na naman, nagsasawa na naman ako sa musik ko. Kaya ibang trip naman. Kagaya ni Ruth, oldies muna. Yan kasi ang kinalakhan kong musik sa bahay kapag andun si Erpats.
Tuwing andun kasi sya, kahit tunog lata, naka full volume yung kanyang lumang transistor radio na pinapaandar ng anim na kilong eveready na baterya, nakasalpak ang kanyang mga makabagbag damdaming all time favorites.






















