October 12th, 2011 by BURAOT
Categories: Mala Cachupoy
No Responses
Isang gabi, niyaya si Badong ng kanyang gerlpren sa bahay upang kumain at maipakilala tuloy sa kanyang mga magulang.
“At dahil ipapakilala na kita kina Papang at Mamang, pagkatapos nating kumain, papayag na akong ilaglag ang aking.. ahihihihi,” ang talanding sabi ni Neneng.
Huwaw. Kung kaya naman, excited na excited si Badong na pumunta sa bahay nina Neneng. Bago sya dumiretso sa bahay ng gerlpren, dumaan muna sya ng Mercury Drug para bumili ng condom. Aba, iba na ang wais! Maingat yata si Badong.
Pero dahil wala pa rin namang experience si Badong, nahihiya man, kailangan nya ng payo at tips kung pano gumamit ng condom. Basa lang ng Basa…
Ipinanganak at lumaki si Agaton sa Malalim na Sapa.
Nakapag-aral sa Maynila, at harinawa ay nakatapos ng abogasya. Ngayon ay naisipan nyang bumalik sa kanilang bayan at duon mag-praktis ng pagiging isang abugado. May kaunti din naman syang naipon, kaya nagbukas sya ng isang munting law opis.
At dahil maliit na bayan lang naman ang kanyang pinanggalingan, big time sempre ang dating nya, ala ay abugado eh.
Pero tahimik sa bayan nila, mahina ang negosyo. Bihira ang nangangailangan ng kanyang serbisyo.
Isang araw, may nakita syang paparating na mama. Kailangan nyang magpasikat para siguradoong makakakuha sya ng kliyente. Pagpasok nung mama sa kanyang opis, may kausap si Atorni Agaton sa telefon. Habang itinuturo nito dun sa pobreng mama ang upuan. Basa lang ng Basa…
September 28th, 2011 by BURAOT
Categories: Iskul Bukol
5 Responses
Isang araw last sem, nagpakalasing na naman kaming ng mga trops at nalimutan naming may exam nga pala kami kinabukasan.
Pero mana ata kami kay Lumen, wais, may naisip kaming paraan.
Nagpagulong-gulong kami sa putikan para magmukha kaming madungis.
Sinabi namin sa prof namin na nagpunta kami sa isang kasalan nung nakaraang gabi at pumutok yung gulong ng kotse namin. Eh nasa malayong lugar kami kaya ilang kilometro din kaming nagtulak ng sasakyan. At dahil nga dun, inumaga na at napuyat kami kaya hindi kami handang mag-exam. Basa lang ng Basa…
September 26th, 2011 by BURAOT
Categories: Basta Pinoy Koboy
One Response
Sa loob ng isang rumaragasang train, mayroong isang Ruso, Cubano at Pinoy ang nagkukwentuhan, nag-iinuman at nagkakasayahan. Tumayo ang Rusong si Ivan, tinungga ang hawak hawak na bote ng vodka . Glug glug glug.
Sabay sabing…
“In Russia the Motherland, we have the best vodka in the whole world, nowhere can you find Vodka as good as the one we produce in Russia. And we have so much of it, that we can just throw it awaaaay…”
Sabay bukas ng bintana ng tren at hagis ng bote ng vodka. Wagapak!
Palakpakan ang mga pasahero. “Woohoo! Ang yabang!!! Basa lang ng Basa…
September 23rd, 2011 by BURAOT
Categories: Byahilo, Mala-Impaktong Buhay Buraot
One Response
Bumiyahe ako pauwi ng Pilipinas.
Kunyari hindi PAL ang sinakyan ko kahit totoo kasi wala naman silang binabayad sa site ko para i-promote ko yung eroplano nila. Bukod pa sa punto na mas mahal sila sumingil kesa sa ibang eroplano. Di ba dapat mas mura kasi kababayan ka at meron ka na agad na market share?
Pero bago ko ibunghalit ang sama ng loob ko sa PAL, tuloy muna tayo sa wento ko.
Minsan bumiyahe ako ng Pilipinas. Swerte ko ata nung araw na yun dahil napatabi ako sa isang seksing Amerkana. Sempre paduda muna at kunyaring hindi ako interesado. Para hindi halata. Pa-helow helow lang, smile smile lang. Dapat kasi ganun ang style mong bulok, kapag supah hot ang babae, dedmahin mo, kasi sila mismo alam na nilang hot sila.
Matapos ang halos isang oras sa byahe, napansin kong ang binabasa nyang libro ay tungkol sa sekswalidad. Hmnnn.. Basa lang ng Basa…
Katulad ng ibang medyo tumatanda, nawiwindang din ako kung papano ko iisipin ang mga kasagutan sa mga bagay bagay na magpasa-hanggang ngayon ay umuurirat sa aking utak.
Bago man lang sana ako mag-Saudi ng walang balikan ay masagot ko ang mga bagabag na ito.
Kaya naman napag-isip isip kong gumawa ng sariling Baket List at harinawa ay makahanap ako ng kasagutang kasing linaw ng mga sagot ni Brother Eli. Amen?
The Baket List
Basa lang ng Basa…
SikatchuPosts