Katulad ng ibang medyo tumatanda, nawiwindang din ako kung papano ko iisipin ang mga kasagutan sa mga bagay bagay na magpasa-hanggang ngayon ay umuurirat sa aking utak.
Bago man lang sana ako mag-Saudi ng walang balikan ay masagot ko ang mga bagabag na ito.
Kaya naman napag-isip isip kong gumawa ng sariling Baket List at harinawa ay makahanap ako ng kasagutang kasing linaw ng mga sagot ni Brother Eli. Amen?
The Baket List
Basa lang ng Basa…
February 7th, 2011 by BURAOT
Categories: Alamat ng Kopong Kopong, Boy Bastos
9 Responses
Si Berto ay isang bulag. Minsan naisipan nyang kumain sa isang maliit na restoran. Pag-upo nya sa isang mesa, lapit ang waiter, na sya ring may-ari at binigyan sya ng menu.
“Pasensya na bosing, pero bulag po ako kaya di ko mababasa yang menung binigay mo. Bigyan nyo na lang po ako ng ilang maduming kutsara, aamuyin ko at malalaman ko kung anong ulam yun. Dun na lang po ako oorder.” sabi ni Bertong Bulag.
Nagtataka pero interesado ang may-ari kung papano gagawin ito ng bulag. Kaya bumalik syang me dala dalang isang dosenang gamit na at nanlalagkit na mga kutsara at inilagay ang mga ito sa ibabaw ng mesa. Basa lang ng Basa…
Yung lolo at lolo ko, nabo-bore na naman kaya gusto pang humirit na magka-baby.
Kaya one day, nagpunta ang lolo ko sa doktor para magpa sperm count. Binigyan sya ni Dok ng garapon. “O lolo, dalhin nyo po ito sa bahay at punuin nyo ng semilya mo ha, ibalik mo bukas para ma-check natin.”
Excited naman ang lolo.
Kinabukasan, bumalik si lolo dala dala ang garapon na walang laman. Tinanong ngayon sya ng natatawang doktor, “Ala eh lolo wa happen?”
“Eh, dok, wala ata talaga eh, kahit anong gawin ko, ayaw umubra . Ganito kasi yun… Basa lang ng Basa…
Kakamulagat pa lang ng mga mata ko, ganyan na yan. Bago pa isinilang ang grupo ni Polgas sa dyaryong sikat, mas nauna nang sumikat ang lugar kung saan ako ipinanganak, and Pugad Baboy.
Nakasanayan ko na yun. Akala ko, yun ang pangalan ng barangay namin na yun sa Timbuktu. Siksikan ang mga bahay, may sapa salikuran, at sempre, eto ang matindi, katabi ng sementeryo. Basa lang ng Basa…
July 10th, 2009 by BURAOT
Categories: Alamat ng Kopong Kopong
26 Responses
Yeah… yeahhh.. Oo nga. Absent nga ako ng mahigit isang linggo. Eto me dala akong excuse letter galing sa nanay ko.
Kung dati-rati, kinakaya ko pang patawanin ang sarili ko at idaan na lang sa pagba-blog ang mga halu-halong nararamdaman ko, lately di na talaga kinakaya ng powers ko. Grabe sakit. Pero wag ka mag-alala kasi di naman tungkol sa sakit itong post ko. Alam ko naman na sawang sawa ka na sa mga sakit ko. Ekskyus ko lang yun dahil absent ako.
At dahil matagal akong absent, para na rin akong natulog sa kangkungan… o sa pansitan? Basa lang ng Basa…
March 13th, 2009 by BURAOT
Categories: Alamat ng Kopong Kopong
4 Responses
Imbiernes santo the 13th ngayon. Pangalawa sa malas na araw ngayong taon. At dahil malas daw ngayon, maraming bagay ang di ko pwedeng gawin.
Di ako pwedeng lumabas ng bahay, baka masagasaan ako ng pison. Di ako pwedeng uminom baka malunod ako. Di ako pwedeng maligo, baka mapulmunya ako. Di ako pwedeng magtutbras, baka matusok ko lalamunan ko. Di rin ako pwede kumain, baka maimpatso ako. Hayyy naku. Basa lang ng Basa…
SikatchuPosts