Ang Mahiwagang Tabo

January 19th, 2009 by BURAOT Categories: Alamat ng Kopong Kopong, Basta Pinoy Koboy 11 Responses

taboBakit nga ba kapag mapupunta ka sa banyo ng me banyo, alam na alam mong Pinoy ang me ari ng bahay kapag me tabo. Ano nga bang hiwaga ang meron sa tabo? Ginhawa nga ba talaga ang dulot nito sa sanlibutan?

Walastik kasi sa mga post etong si Kengkay, kung anu-ano tuloy ang naiisip ko. Nung ni kwento kasi ni Kengkay yung kanyang tabo experience sa Alemanya, naalala ko din yung wentuhan namin dito noon tungkol dun sa paggamit ng tabo. Basa lang ng Basa…

Wala Yan Sa Lolo Ko!

December 11th, 2008 by BURAOT Categories: Alamat ng Kopong Kopong, Basta Pinoy Koboy 22 Responses

Buhay pa ba lolo mo? Wala yun sa lolo ko!

Pero saka na yung mga kopong kopong jokes tungkol sa lolo mo, tutal wala naman yun binatbat sa lolo ko. Eto at me sinalihan na namang kontest.

Eh ano naman magagawa ko kung mahilig talaga itong si Lolo Ambo ko. Ako naman eh, kung saan ka masaya, suportahan kata!

Itong huli, medyo di ko maintindihan, basta, suport lang ng suport. Kahit moral support lang.

Basta kasi kelangan ko daw ipangalandakan na ako ay isang supot support ni Lolo Ambo.

Ang lagay ba naman eh… Basa lang ng Basa…

Buntot ng Mangyan

October 22nd, 2008 by BURAOT Categories: Alamat ng Kopong Kopong, Basta Pinoy Koboy 38 Responses

Noong nag-aaral pa ko sa Manela, lagi kaming kinakantyawan sa iskul namin kapag nalaman nilang taga-Timbuktu ako.

Kasi nga maraming mga sandugong Mangyan sa Timbuktu, akala nila lahat ng taga-dun, Mangyan na din. Pero okey lang naman kahit tawagin nila akong Mangyan. Eh ano naman? Akala lang nila masyadong malayo sa kabihasnan ang Timbuktu. Eh sa totoo lang, malapit lang naman.

Mula sa Manela, sasakay ka lang ng traysikel paputang kanto. Tapos nun, sasakay ka ng dyip papuntang Lawton o kaya Cubao o Pasay. Pagdaan mo ng Pasay, wag ka lang dadaan sa mga motel dun dahil matatagalan ang byahe mo.

Tapos sasakay ka ng bus papuntang Ala-eh pier at dun ka sasakay ng darko o kaya dangka dahil kelangan mo tumawid ng pacific ocean. Pagdating mo sa kabilang ibayo, andun ka na sa Timbuktu at sasalubungin ka na ng mga Mangyan with matching bulaklak na para kang presidente ng tralala.

Pero di p dun nagtatapos ang byahe mo. Para makarating ka sa bayan ng lolo ko, kelangan mo uling sumakay ng dyipni hanggang makarating ka sa mismong bayan ni kulapo. Kung taga-bukid ka naman, sasakay ka ulit ng traysikel o kaya isa na namahg dangka.

Lapit lang. Basa lang ng Basa…

Where Da Hell Is Kopong Kopong?

October 1st, 2008 by BURAOT Categories: Alamat ng Kopong Kopong 21 Responses

Nawalang parang bubble? Naglahong parang phantom? Sumama ke jennifer? Ke Bulak? Nagpunta sa timbuktu? Sa buwan? Baka naman sa Mars? Bakit tuwing papasyalan ko si kopong kopong napupunta ke gotatay.com? Me isa na namang kumagat sa alikabok. Recession na kasi, malamang, nag recess din si kulapo. Nagsawa na siguro sa pambuburaot yun. Baka na-burn out na sa dami ng blogs.

Mga simpleng agam-agam at muni-muni ng mga repapits sa blogosphere.

Eh where da hell nga si Kopong Kopong ba? Basa lang ng Basa…

Ang Alamat ng Singkong Kulot

July 15th, 2008 by BURAOT Categories: Alamat ng Kopong Kopong 16 Responses
Naabutan mo na ba ang singkong kulot? Kung ikaw ay myembro ng generation XYZ, malamang hindi. Pero kung ikaw ay kasingtanda na ni Kopong Kopong, sigurado, pasok ka!

Wala lang. Kasi habang nagmumuni-muni ako habang nanonood ng palitan ng dollars at pesoses, di ko maubos maisip kung bakit, habang tumatanda ako, lumiliit ang halaga ng pera. Naiisip ko tuloy kapag natigbak na ako eh can’t afford ko na ang halaga ng kabaong. Kahit magpa-cremate mahal din.

Balak ko sana wag na mamatay para di ako magastusan. Pero malabo. Kaya ang solusyon ko dun, para makatipid, bibili na ako agad ng kabaong habang medyo mura-mura pa ang kahoy. Narra para mas matibay hindi bubukbukin.

Enihoo, naalala ko din yung pera noong araw, noong mga panahong nasa elementary pa kami ni Mahoma. Noon kasi, yung baon kong beinte singko sentimos, nakakabili na ako ng palamig at sinulbot (banana cue po iyon). At sempre, me tira pa ako para ipambayad kay Ma’am dun sa pulburon na ibinebenta nya sa classroom. Kahit di masarap, kelangan bumili ka ke ma’am para mataas ang grade mo. Nakakaiwas lang kami bumili ng polvoron kapag me supply na nutri-bun sa canteen. At kapag me piso ka, makakabili ka na ng house en lot. At ang mga singko ay iniipon namin. Nautuwa kasi kami dahil kakaiba sya, kulot.

At kahit bata pa kami, me savings account na kami sa Banco Filipino. Yung mga sampera na square ang madami kaming naiipon, bukod kasi sa paborito yung ipamigay ng mga lolo’t lola namin, magaan din kasi sya sa bulsa. Sa sobrang gaan nya, lumulutang sya sa tubig. Oo, pramis.

Hinalughog ko ang internet para malaman kung bakit ginawang kulot ang singko na yun. Di naman kulot si Tandang Sora. (tol, piktyur nya ang nakalagay dun, see pic. ayun andun sa itaas) Kaso, wala akong makita eh. Siguro kaya ginawang kulot yun, para kapag hinahawakan mo, madali mo syang malalaman kung singko nga sya. Siguro din, dahil disco era noong mga 70′s, uso ang afro, kaya ayun, sumunod sila sa uso. Baka rin naman kulot yung chairman ng banko sentral noon.

Ngayon me singko pa rin naman, kaso mo butas na sya. At di ko rin malaman kung bakit nag-i-isyu pa nito. Eh yung beinte singko nga wala ka na mabili eh, singko pa kaya. Mas mahal pa nga ata ang value nung bakal na ginagamit para gumawa nito. Sana ginawa na lang nilang plastic para mura. Pwede pa i-recycle.

Di naman ako nahirapan maghanap ng piktyur ng singkong kulot. Yun, madali hanapin. Kaso hanggang ngayon, di ko pa rin makita yung kapatid ng singkong kulot, si singkong duling. Bukas ko na lang sya hahanapin, gabi na.

Ang Bulaklak ng Saging

January 24th, 2008 by BURAOT Categories: Alamat ng Kopong Kopong No Responses
Ang tula na ito ay 45 years in the making. Isang araw, me natanggap akong email ke Bekbek. Naghahalukay daw sya ng baul ng makita nya ang kanyang kopong kopong na planner. Sa likod nito, nakasulat ang isang mala-impaktong tula na hindi naman tapos. Nakalagay din dun ang pangalan ng salarin na bumalatuba sa kanyang binibukbok nang planner. Sempre sino pa…. e di yung bida dito! Alangan namang ikaw eh blag ko to?

Kaya heto na po ang kabuuan.

Bulaklak ng Saging
(ang tulang 45 years in the making)

Minsan isang araw
Ginabi na ako non
Bitbit ko’y kalabaw
Ako’y napalingon

Mga surot na may kabag
Sa damuhan nakatuon
Mga kapre at tyanak
Ay nagkalason lason

Sapatos kong puti,
Asul ang kulay
Na minana ko pa
Sa mahal kong tatay

Ginawang palaso
Tahanan namin
Mga tutubi
Kaibigan namin.

Ang bulaklak ng saging.

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes