Bah Beh Bih.. Boh Buhhh!

July 9th, 2010 by BURAOT Categories: Boy Bastos, Mala Cachupoy 5 Responses

Isang araw, umuwi ang isang misis, nagkakandirit at naghihihiyaw na sinabi sa kanyang mister, “Alam mo bang yung migraine kong nagpapahirap sa akin ng halos porty payb years? Wala na! Yahuuuuu!”

“Wala na? Anong ginamit mo Head-On Apply directly to your forehead!? Wa happen?” pang-aasar ni mister.

Sabi naman ni misis, “Dinala ako ni Mareng Winnie sa isang nanghihiponanghihipno.. naghi-hypnotize na si Madam Bola! Wala lang daw akong gagawin kundi humarap sa salamin at sabihin ng paulit -ulit..

“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Wala na ang sakit ng ulo mo!”
“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Wala na ang sakit ng ulo mo!”
“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Wala na ang sakit ng ulo mo!” Basa lang ng Basa…

Ang Kalabaw ni Walter Uman

July 3rd, 2010 by BURAOT Categories: Boy Bastos, Layp at da Pugad Baboy 5 Responses

Dun sa amin sa Timbuktu, sikat itong si Walter. Palibhasa uman. (uman= is Timbuktu term for manyak)

Di nagtagal swerteng naka-jackpot ang kumag at naging sundalo. Naipadala sya dun sa mas malayo pa sa Timbuktu bilang bostsip ng mga cafgu.

Napansin nya ang isang mahiwagang kalabaw na nakatali sa gilid ng kakapurit na kampo. Tinawag nya ang isang sundalo at tinanong kung bakit may kalabaw sa kampo.

“Ala eh ser, alam naman ninyong pagkalayo natin sa kabihasnan at malayo tayo sa kani-kanilang mga asawa. Kaya kapag nadating ang tawag ng pangangailangan, naandiyan naman ho yung kalabaw,” nanginginig na sagot ng sundalo.

“Hindi sa pabor ako dyan, pero naiintindihan ko ang pangangailangan nating mga lalake, kaya okey sa olrayt, “ sagot ni Lt. Walter. Basa lang ng Basa…

Ang Mahiwagang Garapon

March 26th, 2010 by BURAOT Categories: Alamat ng Kopong Kopong, Boy Bastos 11 Responses

Yung lolo at lolo ko, nabo-bore na naman kaya gusto pang humirit na magka-baby.

Kaya one day, nagpunta ang lolo ko sa doktor para magpa sperm count. Binigyan sya ni Dok ng garapon. “O lolo, dalhin nyo po ito sa bahay at punuin nyo  ng semilya mo ha, ibalik mo bukas para ma-check natin.”

Excited naman ang lolo.

Kinabukasan, bumalik si lolo dala dala ang garapon na walang laman. Tinanong ngayon sya ng natatawang doktor, “Ala eh lolo wa happen?”

“Eh, dok, wala ata talaga eh, kahit anong gawin ko, ayaw umubra . Ganito kasi yun… Basa lang ng Basa…

Ala’y Mamay, Wag Ka Nangengelam

February 12th, 2010 by BURAOT Categories: Boy Bastos 17 Responses

Minsan, nakatayo ako sa may peryahan at nanonood ng naglalaro ng beto-beto. Pangas pangas ko ang sandamakmak na kending bagkat. (Kung di mo alam ang bagkat, maghanap ka nag lolong batanggenyo, tanong mo)

Kahit na nangangawit na ang panga ko sa sobrang lagkit ng bagkat, nguya nguya pa rin ako. May isang mama na busy kakataya na napalingon sa akin. Hihingi yata ng bagkat.

“Utoy, masama sa ngipin ang masyadong maraming kendi. Hindi yan maganda sa katawan at sa batang tulad mo. Sige, magkakaroon ka ng maraming taghiyawat sa mukha, mabubulok lahat ng ngips mo, at magiging lumba lumba ka.” sabi ng pakialamerong mama. Basa lang ng Basa…

Ang Mahiwagang Tool ni Andoy

January 15th, 2010 by BURAOT Categories: Boy Bastos 22 Responses

May bago na naman tayong lab letter sa isa na namang walang magawa sa buhay. Narito ang kanyang lab letter.

Dear Lolo Buraot,

Isa po akong handy man. You name it I fix it. Lahat ng pwedeng dutdutin, kaya kong dutdutin.Trabaho ko po ang mangalikot ng mangalikot. At dahil marami akong kinukumpuni, marami rin po akong mga gamit o tools. Me hi-tech me low tech. Basta makakatulong sa aking trabaho, dala dala ko. Basa lang ng Basa…

Oten Na! Oten Na!

January 10th, 2010 by BURAOT Categories: Boy Bastos 26 Responses

Oten na! Oten na! Lumipas na naman ang isang buong maghapon taon. Tapos na ang o-nine. At ngayon naman, O-ten na! At dahil bagong taon na naman, panahon na naman ng walang kamatayang new year’s resolution.

Nung nakaraang taon, kahit labag sa sa loob ko, tinanggal ko na ang pananabako ko. Malaki rin ang natitipid ko. Natuwa pa ang baga ko.

Ngayong oten naman, narito ang mga suggested resolution ko sa sarili  na harinawa’y, sa tulong ng aking fighting spirit, ay matupad ko.

Nagsasayang ka lang ng effort Buraot. Kunsensya, tumahimik ka.

My Ten Oten Resolution: Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes