Huling Hirit 2008

January 8th, 2009 by BURAOT Categories: Byahilo, Mala-Impaktong Buhay Buraot 14 Responses

Dahil inabot ako ng pasko at bagong taon sa mental ospital, maraming mga dapat na posts ang di ko naisalpak. Ang aking mala-impaktong year-ender post, mga maalaala mo kaya, mga pasasalamat sa mga cachupoy na nagdaan, mga bumwisita, nangulit, umepal, mga walang kamatayang nagkumento ng “nice blog, x-links?”. Basa lang ng Basa…

Ubo Ubo Ubo

December 27th, 2008 by BURAOT Categories: Byahilo, Mala-Impaktong Buhay Buraot 21 Responses

iglooIlang araw na ko me sakit. Bago pa mag pasko. Walastik kasing snow na yan.

Isang gabi, na-stuck ang kotse ko. Di na kinaya na umakyat pa ng pataas sa sobrang kapal ng snow. Dumudulas lang. Kaya no choice ako nun kundi iwanan sya sa tabing-daan. Naglakad ako pauwi. Pagdating ko ng bahay, nangangatog ako sa lamig, namumuti ako sa snow at inaapoy na ako ng lagnat.

Kinabukasan, binalikan ko si Tagpi, di pa rin uubra. Malakas pa rin ang snow, nakabaon pa rin sa yelo. Basa lang ng Basa…

Buraot Drift

December 20th, 2008 by BURAOT Categories: Byahilo, Mala-Impaktong Buhay Buraot 21 Responses

banginAng galeng! Parang yung napanood ko sa DVD na Tokyo Drift…..

Me nagbawal na sa akin dumaan dun sa lugar na yun. Mataas daw kasi. At dahil nag-uumpisa   na mag snow, delikado na daw kasi sobrang dulas. Mas madulas pa sa pinagsama-samang laway nina Itot, kaong ni Bluepanjeet at mga padulas ni Ambo na ipinahid sa katawan ng mahal na Reyna.

Pero sempre, natural akong pasaway. Dedma lang ako. Walang dulas dulas sa akin. Matindi ata tong si Tagpi. Marami ng pinagdaanan to. Pinatalon ko nga ito sa tulay habang natutulog eh. Yan pa! Dulas lang. Basa lang ng Basa…

Pasyal Pasyal

October 13th, 2008 by BURAOT Categories: Byahilo, Mala-Impaktong Buhay Buraot 13 Responses

Wala akong magawa. Di naman porke wala akong magawa eh nagba blag na ako. Paminsan minsan kelangan ko din masikatan ng araw. Bukod sa kelangan ko ng vitamin D, kelangan ko din makita ang labas nitong selda kong 8 x 8. Kaya eto ako, pasyal pasyal kahit puyat.

Kung ang mga chikabeybs, naglalaway sa mga sapatos at handbags, kaming mga kelots, kung hindi sa home depot ang pasyal eh sa mga tindahan ng mga gadgets. Oo, kasi nasa DNA namin yun (as in Di Namin Alam), ang maging natural na mahilig sa mga kung anu-anong anik-aniks at mga pang mga bagay na pwedeng pangkali-kalikot. At dahil wala naman akong Wii o kaya PS3 o kaya ay Xbox o GameCube na pinagkaka-abalahan maliban sa aking brick game na baon ko pa galing Quiapo, naisipan kong dumaan sa bilihan ng mga games. Basa lang ng Basa…

Swimming With Michael Phelps

August 15th, 2008 by BURAOT Categories: Byahilo 4 Responses
Sensya na. Ilang araw ding walang tao dito sa bahay ni Kulapo. Kasi naman matinding puyat ang inabot ko kakapanood nung opening nung Beijing Olympics. Inabangan ko kasi yung fireworks dun na disenyo daw ni Boy Paa.

Katulad nung paputok na korteng paa, peke din yung isang kanta. Yung super duper kyut na batang babae, nagli lipsing lang pala. Pero wala naman akong paki dun. Blaha sila sa buhay nila.

Ilang araw na akong nakatambay sa mga kapwa ko mahal ko, pero kahit anong pagtutuwad ang gawin ko, wala pa ring nakukuhang medals ang mga trops natin. Medyo kulang ng konti sa mga hakot. Kaya kesa maburaot ako, umorbits muna ako sa me magandang view. Balak ko sana panoorin yung beach volleyball para makakita ng mga seksing chikababes pero medyo malayo-layo kaya sa swimming pool na lang ako unang rumampa.

Kaso andaming nauna sa akin. Katulad ko gusto din lang maki-view.


Kaya no choice, dun na lang ako sa kabila tumambay kung saan nagwa waras waras si Michael Phelps. Namumulot lang ng medalya ang tulok. Di man lang mamigay. Nababad yata ako ng husto sa tubig kaya eto, inabot ako ng trangkaso. Sa halip na sa pool ako magtatampisaw, sa rolyo rolyong kleenex at sipon ako lumalangoy.

Hanef! Gandang Pa-Bertdey!

July 29th, 2008 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy, Byahilo, Mala-Impaktong Buhay Buraot No Responses
Sa mga nakakilala sa akin kahit na anong pagtalikod ang gawin ko sa mga piktyur ko rito, buking na buking ang bertdey ko. Kahit pa di naman na ako nagbebertdey at ayoko nang maalala pa ang bertdey ko, sila mismo ang magkukusa na ipaalala sa akin kung gano na ako katanda.

Kahit pa nga ba kabertdey ko si Dolphy, di naman ako ganun magpatawa. Kasi nga mas ka-level ko pa si Panchito. Actually, mas type ko ang mga tipo nina Chiquito, Palito at sempre pa, ang walang kamatayang si Cachupoy. Wahahahahah! Kasi naman, grabe sila magpatawa. Namamatay ako lagi kakatawa sa mga super corny na mga jokes nila. Wahahahah ulet!

At dahil di na ako nagse-celebrate ng bertdey ko, magse-celebrate na lang sana ako ng aking ika 6th anniversary ng pagiging 30 yrs old noong July 25. Kaso mo, kung anuman ang natitira kong pera, nakotongan pa ako ng husto.

Isang araw bago ako magbertdey, naispatan ako ng isang magiting na alagad ng batas. Naalala ko minsan sa Pinas, sakay ako ng dyip.. sa me bandang Quiapo, me pumara sa dyip. Sabi ng mamang drayber na kopong kopong pa ata eh nagda-drive na… “Ale, sa bandang doon po ako hihinto, kasi me alagad ng batas!” Napatingin na lang lahat ng pasahero na parang sinasabing… “ano daw?”.

Eniwey, balik tayo sa wento kong

walaaaaang ka-kwenta kwenta. Ayun, na-stop ako ng parak. Nung huminto ako, tinanong ako tungkol ke Tagpi na minamaneho ko. Sabi ba naman.. “Dude, this is a hot car!” ika ng parak. Sabi ko naman… “why, tenkyu officer!“No, I mean this car is hot. It was a stolen car!” paliwanag nya. “No, this is my car!”, sempre shock ang lolo mo. Pakiramdam ko, yung ulo ko ay hinihipang plastic balloon.

So ayun ipinakita ko ang aking mga papeles kulang na lang pati ang aking birth certificate pati bio-data at 2×2 piktyur ID. Pero dahil me problema nga daw dahil nakatimbre sya sa bahay ni kuya as stolen car, no choice kundi sumama ako sa presinto. Muntik muntikanan na akong mapiktyuran para sa mug shot. Ayoko lang pumayag kasi kelangan daw sa piktyur ay nakaharap.


Kaya ipinakita ko sa kanila ang aking blog kung saan lahat ng piktyur ko ay nakatalikod. Doon lang ata sila pumayag na wag na akong piktyuran kasi baka nga naman mapunta yung piktyur sa blog ko eh kahiya-hiya kami pare-pareho.

Napag-alaman ko na dahil pala naglipat-bahay ako, lahat ng sulat at sempre mga bills ay doon sa LA address ko napupunta. Kung kaya di ko alam na hinahanting na pala ako nung kumpanya na nag-finance ke Tagpi. At dahil di nila alam kung saan ako kokontakin, at sempre pa, wala na rin ako maibayad, inassume nila na nanakaw na si Tagpi. Kaya ayun, nakatimbre na sa buong around the world ang kotse ko. Hanggang sa buong kalawakan, nakatimbre na rin ke Shaider.

At dahil delayed ako sa bayad, kailangan ko mag-magic agad agad ng kulang sa $1000 para hindi dalhin sa impound si Tagpi. Sakto naman na bukod sa mga singkong kulot, me 200 ako sa bulsa, pambili ko sana ng bertdey cake ko, at me maawain na nilalang na hulog ni Lord na nagpautang sa akin nung kulang. Kaya hayun, nakahinga ako ng maluwag, at nakauwi rin ako ng matiwasay kasama si Tagpi.

Hanef talaga, ang agang pabertdey. Bigla tuloy sumakit ang ulo ko. Kaya naman tone-toneladang togmolodon ang nilaklak ko pagdating sa bahay.

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes