Sa Mercury Drug

October 12th, 2011 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy No Responses

Isang gabi, niyaya si Badong ng kanyang gerlpren sa bahay upang kumain at maipakilala tuloy sa kanyang mga magulang.

“At dahil ipapakilala na kita kina Papang at Mamang, pagkatapos nating kumain, papayag na akong ilaglag ang aking.. ahihihihi,” ang talanding sabi ni Neneng.

Huwaw. Kung kaya naman,  excited na excited si Badong na pumunta sa bahay nina Neneng. Bago sya dumiretso sa bahay ng gerlpren, dumaan muna sya ng Mercury Drug para bumili ng condom. Aba, iba na ang wais! Maingat yata si Badong.

Pero dahil wala pa rin namang experience si Badong, nahihiya man, kailangan nya ng payo at tips kung pano gumamit ng condom. Basa lang ng Basa…

Bayantel

October 5th, 2011 by BURAOT Categories: Layp at da Pugad Baboy, Mala Cachupoy No Responses

Ipinanganak at lumaki si Agaton sa Malalim na Sapa.

Nakapag-aral sa Maynila, at harinawa ay nakatapos ng abogasya. Ngayon ay naisipan nyang bumalik sa kanilang bayan at duon mag-praktis ng pagiging isang abugado. May kaunti din naman syang naipon, kaya nagbukas sya ng isang munting law opis.

At dahil maliit na bayan lang naman ang kanyang pinanggalingan, big time sempre ang dating nya, ala ay abugado eh.

Pero tahimik sa bayan nila, mahina ang negosyo. Bihira ang nangangailangan ng kanyang serbisyo.

Isang araw, may nakita syang paparating na mama. Kailangan nyang magpasikat para siguradoong makakakuha sya ng kliyente. Pagpasok nung mama sa kanyang opis, may kausap si Atorni Agaton sa telefon. Habang itinuturo nito dun sa pobreng mama ang upuan. Basa lang ng Basa…

Hindi Honey

April 30th, 2011 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 3 Responses

Bertdey ni Badong ngayon. At dahil bertdey nya, naisip ng kanyang misis na pagbigay si Badong sa kanyang hilig na matagal na nyang hindi ginagawa. Dinala si badong ng kanyang misis sa isang berhaws.

Tuwang-tuwa si Badong sempre. Pagdating nila sa beer garden, sa pinto pa lang.. “Musta na Badong!” sabi ng bouncer.

Nagulat ang asawa ni Badong kaya tinanong sya kung nakapunta na sya dito.

“Naku, hindi honey. Kakampi ko yun sa bowling team,” sabi ni Badong.

Nang makahanap ng upuan, nilapitan sila ng isang waitress at tinanong si Badong kung “as usual?”. Pagbalik ng waitress may bitbit na itong San Mig Light. Nagtataka na ang misis ni Badong kaya tinanong sya ulit.. Basa lang ng Basa…

Mami-Miss Ka Namin

April 29th, 2011 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 3 Responses

Isang gabi dalawang misis ang nagliliwaliw sa isang bar para sa kanilang once a month na Girls Night Out. At dahil minsanan lang ito isang buwan, naisipan ng dalawang magpakalasing sa alak.

Habang pauwi na at lasing na lasing, bigla silang nakaramdam ng tawag ng pangangailangan. Malas naman na nasa may kamposanto sila ng bigla makaramdam sila.

Pero dahil hindi na mapigilan, naisip nilang umihi na lamang sa likuran ng mga lumang puntod.

Isa na lang ang problema, wala silang tissue. Pero dahil ihing ihi na, sumige na rin sila. Basa lang ng Basa…

Three Hours

April 20th, 2011 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy No Responses

Sa isang bar sa Dapitan, nag-iinuman si Buraot at ang kanyang kumpareng si Boy Paa.

“Pareng Buraot, tulungan  mo naman ako oh. Bertdey kasi ng kumare mo at hindi ko alam kung ano ireregalo ko, ” sabi ni Boy Paa.

“Sus, yun lang pala. Eh ano ba ang bagay na gustong gusto ni Mare?” tanong ni Buraot

“Yun na nga eh. Lahat ng gusto nya naibili ko na, nasa kanya na lahat. Kaya wala na ako maisip,” dabog ni Boy Paa.

Nakaisip ng ideya si Buraot.

“Alam ko na pare.. bakit hindi ka mag-print ng ala certificate na nagsasabing pwede syang magkaroon ng Three Hours of, alam mo na, super great s#x, sa kahit na anong paraan na gusto nya. Siguradong magugustuhan nya yun. Enjoy pa kayo pareho.” ngumingising sabi ni Buraot. Basa lang ng Basa…

Geronimoooo!

April 16th, 2011 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy No Responses

Isang doktor, abugado, at isang pari ang kasama ng sakristan na si Buboy sa isang eroplano patungo sa isang misa.

Nasa kalagitnaan na sila ng byahe nang biglang bumigay ang makina ng eroplano. Wala nang magawa ang piloto kundi sabihing kailangan na nilang iwanan ang eroplano.

Sa kasamaang palad, tatlong parachute na lamang ang natitira.

“Isa akong doktor at sumasagip ako ng buhay, kaya kakailnganin nyo akong buhay,” sabay kuha ng isang parachute at sabay talon at sigaw ng..

Geronimooooo!!!” Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes