Lumpia: A Love Story

October 21st, 2010 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 9 Responses

Pasensya na at medyo seryoso ito ng konti. Ang ating kwento sa araw na ito ay para sa lahat ng Pilipino sa buong mundo.

Sa lahat ng may kaibigan, asawa, kapatid, katrabaho at kapitbahay na Pinoy, ito po ay lovingly dedicated sa inyong lahat.

Isa itong love story. Love story ng isang foreigner at kanyang misis na Pinay at sa kanyang masarap na lutong lumpia. Pramis hindi ito bastos.

Narito na po ang ating lab story for the day…. Basa lang ng Basa…

Sensya Na Tao Lang

August 16th, 2010 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 3 Responses

Oo, alam kong matagal na kong di nakakapag-update ng blog na ito. Alam ko rin na para ka nang adik sa alak na kanina pa nag-aabang sa tagay. Kahit pa nga sabihin mong magtagal na ko sa su%$ wag lang sa baso, wala ka pa ring choice kundi ang maghintay.

Eh sa tinatamad ako eh! Alam mo namang peborit ko ang porty payb years. Kaya porty payb years din bago ako mag-update. Busyng busy kasi ang lolo mo sa peysbuk. Kum bakit kasi naimbento pa yang peysbuk peysbuk na yan. Para syang titser ko nung grade two, sagabal sa lahat ng plano.

Eh isang kasi pa,  kinakalawang na naman ang mga kasu-kasuan ko.  Katunayan, tinutubuan na sya ng kung anu-anong nuno. Sabi nga ni dok, meron na daw akong “calcium build-up in your  joints”. Baka ata nasosobrahan ako sa gatas ng ina at masyado na ang supply ng calcium ko, kung saan saan na tumutubo.

Bukod kasi sa kusa na lang bumaluktot yung aking hinliliit, nagkaron na rin ng parang bukol yung gitnang joint ng aking himpapakyu (middle finger). Pati ang kaliwa kong tuhod medyo namaluktot na rin ng konti kahit di naman malamig. Pesteng gout yan. Kung anu-anong ginagawa sa mala-adonis kong katawan. 

At dahil kinakalawang na ang mga haligi nitong bahay ni Kulapo, kelangan ko muna kumpunihin. Abangan mo na lang muna kung ano ang babaguhin ko sa site na to. Kasi di ko pa rin alam.

Sensya na tao lang.

Bah Beh Bih.. Boh Buhhh!

July 9th, 2010 by BURAOT Categories: Boy Bastos, Mala Cachupoy 5 Responses

Isang araw, umuwi ang isang misis, nagkakandirit at naghihihiyaw na sinabi sa kanyang mister, “Alam mo bang yung migraine kong nagpapahirap sa akin ng halos porty payb years? Wala na! Yahuuuuu!”

“Wala na? Anong ginamit mo Head-On Apply directly to your forehead!? Wa happen?” pang-aasar ni mister.

Sabi naman ni misis, “Dinala ako ni Mareng Winnie sa isang nanghihiponanghihipno.. naghi-hypnotize na si Madam Bola! Wala lang daw akong gagawin kundi humarap sa salamin at sabihin ng paulit -ulit..

“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Wala na ang sakit ng ulo mo!”
“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Wala na ang sakit ng ulo mo!”
“Bah,Beh,Bih… Boh Buhhh! Wala na ang sakit ng ulo mo!” Basa lang ng Basa…

Menemis McGyver

June 23rd, 2010 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 8 Responses

Isa sa mga sikatchupoy na characters sa tv noong bata pa ko ay si McGyver.

Kung merong James Bond sa pelikula, sya na halos ang katumbas nito. Maliban na lang na wala naman syang high tech na mga gadgets at hindi rin naman sya secret agent.

Mala super hero, baka pa. Kunsabagay, lahat naman ng bida, mala-super hero ang dating.

Kumbaga sa Pinoy, ang bida hindi pwedeng mamatay. Dahil kagaya nung pelikula ni FPJ na namatay sya, sa sobrang sama ng loob ng mga manonood na jejemons noon, binomba nila yung sinehan.

Kaya kita mo, di pwedeng mamatay si FPJ buhat noon. Kung mamamatay man, laging buhay ulit. Enihaw, wala akong balak buhayin ulit si FPJ, naisingit ko lang. Basa lang ng Basa…

Wanted: Stupid-Proof Laptop

June 16th, 2010 by BURAOT Categories: Blogag, Mala Cachupoy 9 Responses

Sumabog ang laptop ko. Sa sobrang dami ng sharpnels na tumama sa mukha ko, nagka-amnesia ang lolo nyo. Akala ko 2 days pa lang, yun pala 2 months na. Matindi ang lapse.

Oo, ganun talaga yun. Sige, pasabugin mo din laptop mo try mo ilagay sa microwave.

Ewan ko ba, masyado ata maarte yung laptop ko, ayaw ng hindi imported na kuryente. Nung isinaksak ko sa Pinas, bigla na lang nya ayaw sumindi. Masyado.

Lahat tuloy ng mga importanteng mga dokumento ko andun. Papano na lang yung mga papeles na nagsasabing may mamanahin akong milyung milyong dolyares sa namayapa kong tiyuhin sa South Africa. Paano ko pa ngayon makukuha yun? Basa lang ng Basa…

Ang Walastik na Bagong Office Policy

January 8th, 2010 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy, Mala-Impaktong Buhay Buraot 11 Responses

Akala namin, dahil bagong taon, me mga bagong gud news na darating. Pero dahil mahina ang pasok ng revenues noong nakaraang taon, alanganin at naghihingalo ang budget ngayong oh-ten (2010).

Malabo din daw ang mga raise kaya wag na daw kaming umasa pa. Marami pa riun ang jobless kaya maraming nag-aabang sa trabaho namin.

At dahil bagsak pa rin ang economy at  kahit na matutuwad si Obama, asahang marami-rami pa ang mga darating na mga cost-cutting measures ng opis.

At eto pa, memo para mga bagong hinyupak rules…. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes