» lintekard
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for the ‘lintekard’ Category

Wala Kang Puso

Thursday, November 20th, 2008

Wala pa akong balak mag post. Wala akong gana. Papasyal pasyal lang ako sa internet. Wala lang magawa. Wala wala wala.

Balak ko lang naman mag hit and run ng mga lintekards sa mga suki kong tindahan. Yung iba ko kasing blogs na nilalangaw, eh dami nag da drop, di ko nasusuklian ng counterdrop. Kakahiya naman. Kaya ayun, ikot muna ng konti. Papose pose. Pa prokos prokos. Pakyut. Papiktyur.

Naispatan ko itong isang news sa yahuu. Kakaiba to. Sempre binasa ko, kaya ko nga pinost dito.

Teen lives 4 months with no heart…

Akala ko ko kasi mga kontrabida lang sa mga soap opera ang walang puso. Meron pa din palang iba.

Ayon sa sabi sabi, apat na buwan na walang puso ang batang are. At that time daw, binibigyan lang sya ng artificial heart pumps. Ibig sabihin, me humihihip lang sa mga balbula nya sa katawan para dumaloy ang dugo mula sa kanyang tubo sa malapit sa heart, dumadaan sa kanyang mga atay at balun balunan hanggang sa brain. Galing.

Ibig sabihin nun, pwede palang walang heart. Pwede na rin sigurong alkaline battery lang ang magpapatakbo. O kaya kukuha ka ng taga-ihip.

Bagong Pautot ng Lintekard

Wednesday, October 8th, 2008

Kung meron kang entrecard, alam kong alam mo na ito. At alam ko ding alam mo na alam ko na alam mo mo na yun. Eh yung mga di pa nakakalam? Alam ba nila na di pa nila alam yung nalalaman mo at nalalaman ko?

Eh ano naman ang paki ni Kulapo eh wala namang lintekard itong site na ito?

Kasi naman po, yung iba kong sites meron. Eto lang ang bukod tanging wala kasi Tagalog blog ito. Kelangan dun spokening dollar. Ayoko namang mag-englis dito. Bukod pa dun sa merong lintekard yung ibang sites ko, apektado pa rin si Kulapo.

Nalimutan mo na ba? Dun sa mala-impakto kong pautot na na di ko mabilang ang mga sumasali (eleven lahat), bukod sa greenbaks, nagpapamudmod din ako ng entrecard credits?

Sa bagong patakaran ng mga me pasimuno ng entrecard, di ka na basta basta pwedeng mag-transfer ng credits. Me limit na sya ngayong 1000 credits kada linggo. At hanggang 14 beses ka na lamang pwedeng mamigay. Di ko na ikakabit ang link nung pautot ng lintekard na yan. Ano sinuswerte? Wala namang entrecard itong site na to eh. Libre plugging na nga, ili-link ko pa. Tutal kung me entracard ka naman, i’m sure me link ka na sa email mo. Tama na yun.

Kaya naman, kapag natapos ang pautot na Sikatchupoy si Buraot Contest, malamang ala bumbay ang pamimigay nung premyong entrecard. At bilang mabuting mamamayan, sempre susunod tayo dun. Sa mga mananalo, makukuha nyo yung entrecard credits ng hulugan. Linggo linggo.

Sa premyong dolyares naman na humigit kumulang na $550.00, hulugan din. Piso isang araw. Wahahahah! Joke lang! Masyado ka namang serious.

Sa ibang araw na lang ako magpo-post ako ng matinong update sa pautot na yun. Wag muna ngayon gabi na.  Pati na rin yung eleven libo-libong mga blogistang me entry na.

Palatastas #13: Takdang Aralin

Thursday, May 29th, 2008
Babala! Cuidado! Paunawa! Advertencia! Paalala! Warnung! Warning! Reminder! De waarschuwing! Avertissement! Assignment! Homework! Gawaing Bahay! Takdang Aralin! At kung anu ano pang achuchuchu!

Palatastas lang to. Sandali lang ito, pramis!

Nainggit kasi ako sa blog roll ni kampanerong kotseng kuba at nung dyosang palaboy-laboy. Oo na. Inggitero talaga ako ! Kung mapapasyal kayo sa site nila, ang kyut ng blogroll,tayp ko. Kaya esep-esep kong ayusin ulit ang aking list katulad nung pautot nila sa blogrolls nila.

Kung kaya naman, kung gusto mo ding maging kyut sa blogroll ko, kailangan ko ng kopya ng iyong bio-data, 2 x 2 picture id, birth certificate, voter’s id, at 100 pesos na processing fee.

Kung seseryosohin mo yung nakaraang paragraph, malamang ikaw ay blonde o kaya eh bagong salta ka lang dito. Kailangan mo ng welkam palo ng bote ng kwatro kantos sa ulo. O sige, pede na rin ang bote ng emperador.

Ipadala mo lang sa akin ang 125 x 125 pixel pic ng iyong blog at syaang isasalpak kong link sa special section ng aking blogroll. 125 x 125 kasi sikatchupoy na ang entrecard kaya madami na ang meron nyan. Ipadala mo lang sa aking email sa buraot101@gmail.com, o kya naman ay ilagay mo sa airmail, lagyan mo ng selyo at ibigay sa kartero papuntang Timbuktu.

Pinakamadali pa rin ay magdrop ka lang ng entrecard sa 2 ko pang sites na me entrecard, ang The Antisocial at Literary Ekek. (wala dito sa Kulapo kasi bawal dun ang English carabao). Para lang ito sa mga blogs na gawa-gawa ng mga Pinoy hane? Kasi dito ko isasalpak ang special na blogroll sa site na ito.

At obvious naman na pang Pinoy lang kasi di mo maiintindihan ang mga epal ko dito kung di ka noypi. O sige na nga, pwede na rin ang half-half. Half-Pilipino Half-Pilipina. (walaaaaang kasawa-sawa sa cachupoy joke na ito)

At don’t forget pipol, ang aking walang katulad na pautot, Ang Sikatchupoy si BURAOT Contest, sayang ang premyo ano. So far, tatlo pa lang ang nakakapag pasok ng entry. Grabe handami!!! Lampas ng dalawa!

Kaya kung walang iba pang sasali, nyahahahhh! Siguradong wagi na sila lahat tatlo. Hawaaaaa!

EntreChu: Achuchuchu?

Saturday, January 26th, 2008
Heto na naman po tayo sa mga walang kamatayang mga train meme. At nasagasaan na naman ako ng KotsengKuba na pagala-gala sa lupain ng mga hopia. Kaya kesa matambakan na naman ako ng meme, kakaririn ko na ulit isa-isa. Ang Original na titulo ng meme na ito, ayon sa nagmamaneho ng kotseng kuba ay EntreChu: I Choose You.

Ang tag na ito ay isa na namang pautot ni iRonnie, na sya ring promotor ng Demonito Demonita noong nakaraang pasko. Paksiw. Tinawag niya itong “I Want Your Entrecards” **** Game for Entrecard Filipino and Non Filipino users****. At ayon din sa kanya, heto ang napaka-complicated na mechanics:

1. Bakit Entrecard? Bakeeet? Gumawa ng makabagbag-damdamin at mala-nobelang wento kung bakit ka gumagamit ng sabong panlaba Entrecard.

2. Mambola ng 3-5 blogista na alam mong gumagamit ng Lintekard at i-tag sila

3. I-return to sender ang pabor at magsalpak ng card sa Lintekard widget nila

4. Ipa-xerox ang game/meme na ito, at i-post. (pabor kapag wala kang maisip na mai-post) at idagdag ang iyong blog na me lintekard. Eto ay multi-level marketing at pyramiding combo kaya swak na swak sa iyo.

5. Sempre ili-link mo upline mo, ibig sabihin AKO. Kung gusto mo pa i-link ang mas nauna sa akin, nasa sa yo na yun. Problema mo na yun. Ngayon kung talagang desidido ka, hanapin mo dun sa upline ko dito ke KotsengKuba. Ikabit mo lang yung blog mo pagkatapos nung akin.

Mambola lang ng downline, presto! Upline ka na rin!

***Game Over***

Para sa rule number wan, eto ang aking uber-habang success story sa Lintekard na yan….

“Dahil sa lintekard dumami bisita ko na puro quickie. Tapos.” -BURAOT

Eto ang aking pyramid, flowchart, linktrain or wateber na gusto mo itawag dito:

iRonnie, - KotsengKuba - BURAOT - “Ikaw. Oo Ikaw nga!”

At ang aking tina-tag dito ay si …. Itot ng 100% Batangenyo. Oo tol ikaw nga! Ang lagay ba naman eh binoboto kita dun ke Mapiles ng walang kapalit? Tutal masipag kaw dito sa blog ko, ikaw na uunahin ko. Nyahahah!

Kayo namang iba dyan, kung gusto nyo rin, pasabi lang kayo at idadagdag ko dito.

Pinoy Entrecard

Tuesday, January 15th, 2008
O hayan, isinali ko na din etong blag na to sa entrecard. Kinukulit na ko nung me-ari nung BlogTambayan saka ni itot ng 100% Batangenyo at me pautot din ng Pinoy Entrecard. Yoko kasi nung una, kase masunurin ako. Bawal daw hinde English spokening. Eh nakita ko me bumbay at instik. Walastik!

Sa tutut lang, dami kong nagogoyo na bumisita dito na dumadaan sa entrecard. Hokey lang kahit wag nyo basahin post ko, hokey din lang kahit di nyo naiintindihan pinagsasa-sabi ko dito. Ang mahalaga, isaksak nyo lang ng isaksak yung cards nyo dyan. Tutal puro naman walang kwenta mababasa nyo dito. Puro mga kabalbalan lang.

Pero tenkyu sa aking kababayang ala eh na si itot na isa ring walang magawa sa buhay at naisip nya magtayo ng Pinoy entrecard na site. At least nalaman ko na yung iba palang mga naandun, eh mga pango din na kagaya ko.

Salamat din at me super sipag na kagaya ni Joyce Jinemes ng JoanJoyce.Net at naglagay sya ng links sa kanyang site para sa mga pinoy na members ng entrecard. Ngayon, mabilis na ko makakapag-salpak ng aking card sa mga kapwa pinoy. O diba, hambilis tuloy mag-orbit sa mga pinoy blogs at umani ng sandamakmak na credits.

At heto, isasalpak ko ulet mga links dito hane. Eto ay mula sa Pinoy Entrecard at ke JoanJoyce.Net

Pinoy Entrecard list

JoanJoyce.Net

Kaya mga kapwa ko pango, ano pa hinihintay mo pasko? Tapos na. Ikot lang ng ikot at laglag lang ng laglag ng mga card!

Mabuhey!

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana