» mgagagonginosente
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for the ‘mgagagonginosente’ Category

Pasko Paksiw

Monday, December 15th, 2008

Walang pilipit dito. Sa amin sa Timbuktu, laging me naglalako ng pilipit. Kasama sa mga tinda nya yung mga butsi at mga bibingkang kanin.

Wala lang, naisip ko lang.

Pasko na kasi. At sempre pag pasko, lagi kong naiisip ay sempre yung mga bagay na marami sa Pinas. Kahit kasi maraming bagay at pagkain na Pinoy ang makikita mo dito sa isteyts, marami din ang wala.

Puto bumbong at bibingkang bagong luto, simbang gabi, inuman sa kalye, mga paslit na nangangaroling gamit ang gawa gawa lang na tambol na lata ng promil, at saya kapiling ang mga mahal mo sa buhay. Wala nun sa isteyts.

Bago ako tuluyang maging best actor dito, lilibangin ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng lagi kong libangan pag pasko. Ang all-filipino Twist. O basahin mo yan ha, walang dayaan..

Bawal ang Paskiw. Kelangan Paksiw. Game.

Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw.

Galing! O eto pa ang isa..

Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika.

Nakanaks! Ibang level ka na tsong…

Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex.

Aba at talagang gusto mo pa ha? Diretso ang basa mo eh. Eto pang advanced level to…

Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica.  Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica. Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica.  Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica. Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica.

O eto super advanced na to, kaya bawal ang bata…

Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika.  Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika.

Talaga namang pati ito, pinatulan mo no. Sya sya, me pilipit ka pa ba?

Bagong Songers

Sunday, November 30th, 2008

Hayan, linggo na naman. Kaya naman tapos na ang kontrata nung mga songers jan sa gilid na pang kabaret. Kelangan, bago bago na naman.

Dahil lagi naman akong walang mai-post dito kundi mga kabulastugan at mga bagay na walang kawawaan, papanay panayin ko na. Tuwing linggo ng pagkabuhay, aarkila ako ng mga banda o mga songers na galing Pinas. Tutal tagalog naman itong blog na to, dapat lang na mga OPM din ang mga banat na sounds dito. Para bagay sa motiff.

Ipinahinga ko na muna yang ika nga ni pareng Bluepanjeet, ay kabaret music. Nyahahahah! Nakapasok ka na ba sa kabaret? Iisipin mo, sa tinanda tanda kong ito, nakapasok na ko? Hindi pa no? Panahon pa ni Palito yun. Si Cachupoy lang ang inabot ko.

Eto naman ang bagong mga songers. Mga music na alam na alam nating baduy pang-masa. Pero paminsan-minsan…. o.. o.. wag ka nang mag-maang maangan diyan, kapag walang nakatingin, eh pinapakingan mo din. Wag ka nang magpasosi jan, kita kita.

Kasi naman, ibang klase din kasi ang mga boses nitong ating featured songers na ito. Bukod sa natural na makabasag pingan ang mga timbre nila na mala Sylvia La Torre, super husky din kasi. Parang ilang taon nang uhaw uhaw sa vicks ang kanilang lalamunan.

Madalas din itong suki sa mga inuman na me mga live bands kaya kahit papano, naririnig ko din madalas yan nung pagala-gala pa ko sa Taft at Ermita.

At sya sya… oo na… pati sa mga beerhaws.

Cachupoy Blogs Update

Thursday, July 31st, 2008
Lumabas na, at sempre late na naman bago ko mapansin, ang update sa pautot ng walang kapantay na si badudels ng kwentong barbero dot com ang mga nalalapit nang mga magiging champion na mga anak ni cachupoy.

Ito yung mga patawang blogs na walaaaaang kasawa sawa na magkwento ng kani-kanilang mga buhay buhay na walaaaaang kabuhay-buhay. Mga blogs na, dahil wala naman tayo lahat magawa, eh patuloy nating binabasa at pinag-aaksayahan ng oras. Natural, kasama ang blog na ito doon. Yun nga lang, mukhang me nakapindot ng pause button sa Anak ni Kulapo, dahil na-stuck ang bilang ng boto ko sa 2,700. Aba, hoy mga repapits ni Buraot, kung me natitira pa kayong pagnanasa sa akin, isama nyo naman ako sa top ten man lang. Tayp ko yung free t-shirt!

Para kung papano makisali, o kaya naman ay kung di ka pa nakakaboto, pwede mo ko iboto sa link na ito. O kaya dito. Kung ayaw mo pasabugin ko kampyuter mo!

Narito ang updated na mga bilang ng boto mula sa pinagsama-samang tantya ng Namfrel, Comelec, PPCRV, at PAGASA:

Rank 1: Inday [blogniinday.com]
Votes: 7,900 Round2 Rank: 1 Round1 Rank: 1

Rank 2: Chiksilog [chiksilog.com]
Votes: 7,200 Round2 Rank: 2 Round1 Rank: 9-11

Rank 3: Green Pinoy [greenpinoy.com]
Votes: 6,800 Round2 Rank: 3 Round1 Rank: 12-13

Rank 4: Kokey Monster [kokeymonster.com]
Votes: 4,900 Round2 Rank: 7 Round1 Rank: 21-22

Rank 5: Maruism [maruism.com]
Votes: 4,200 Round2 Rank: 4 Round1 Rank: 2

Rank 6 - 7: Mr. D [deardiarya.blogspot.com]
Votes: 4,000 Round2 Rank: 9-10 Round1 Rank: 9-11

Rank 6 - 7: Spontaneity [jojitah.com]
Votes: 4,000 Round2 Rank: 5-6 Round1 Rank: 5-6

Rank 8 : Maldito [thegreatmaldito.wordpress.com]
Votes: 3,600 Round2 Rank: 5-6 Round1 Rank: 4

Rank 9: Reyna Elena [reynaelena.com]
Votes: 3,400 Round2 Rank: 8 Round1 Rank: 3

Rank 10: Kwentong Tambay [kwentongtambay.com]
Votes: 3,000 Round2 Rank: 11-12 Round1 Rank: 23-24

Rank 11: Anak ni Kulapo [kopongkopong.blogspot.com]
Votes: 2,700 Round2 Rank: 11-12 Round1 Rank: 5-6

Rank 12: Chillidobo [chillidobo.wordpress.com]
Votes: 2,600 Round2 Rank: 9-10 Round1 Rank: 9-11

Sya, sya…. hangang 12 na lang. Nangangawit na ko mag cut en paste. Para sa kumpletong bilang ng mga boto kada presinto, pasyal kaw sa site ni Badudels, Project Lafftrip Lapalooza Update.

Holdap!

Wednesday, May 21st, 2008
Grabe yung holdapan kamakailan dyan sa atin, ni-holdap na nga yung bangko, tsinugi pa yung mga empleyado. Grabe, me pera na nga eh, nakuha pang patumbahin yung mga wala namang kinalaman dun sa pera ng bangko.

Ayoko sanang haluan ng medyo madrama o kung anupamang ekek itong blog na ito, kaso di ko maiwasang di magkumento.

Kasi naman, naalala ko din nung nasa Pinas pa ako. Ilang beses din yata akong naholdap sa bus. Dalawa lang ata. Yung perstaym ko eh galing akong Timbuktu kasabay ko pa yung ate ko at yung asawa nya. Pagsakay pa lang sa Barakolandia, napansin ko yung isa na me parang hinihithit, medyo kinabahan na ako. Ayun nga, pagdating sa South SuperDuper Highway, me parang nag-aaway at nagsisigawan sa me bandang harap. Dahil sempre, lang-magu to-its, yung mga alahas ko at relo, hinubad ko at isinuksok ko dun sa me mga singit singit ng upuan.

Ayun, holdap nga pala. So dahil mabilis ako nakapag-esep esep, walang natangay sa akin ang mga ungas.

2nd time ko naman, nung sa Gapo na ako humahada ng “wanna buy watch Joe?” type na raket. Papunta ako ng Manela para makita ang aking mader dear galing isteyts. Sa me San Fernando, Pampanga, me sumakay na maraming mga kelots. Nagkatinginan pa nga kami nung isa. Parang pamilyar kami sa isat isa. Di ko malaman kung bakit. Parang nag ala Madam Auring ako kasi me naramdaman ako.

Papasok pa lang sa North ExpressDupress Way, me pumara. Bumaba sabay kumaripas ng takbo. Nagkatinginan lahat kaming nasa me bandang una kasi kakasakay lang nung bumaba. Sabi ko, “brad, baka naman naglagay lang yun dito ng bomba ah?” Uso kasi ang bombahan nun, yung pinapasabog ang mga bus, bukod pa sa mga bomba sa pelikula.

Kinabahan kami lahat, pero dedma lang ulit. Ayan na po, pagpasok pa lang sa highway….

Holdap!Holdap! Pera o Puri!!!

Anim sila na de baril at 2 sa kanila me granada. Meron atang isa, dinamita ang dala. (O sige joke lang yung dinamita, ano kami, isda?) Grabe parang bigla kong naisip na magsigarilyo. Di ko na inalam kung totoong granada yun o lighter lang, mahirap na. Mukhang mga beterano pa naman kung kumilos, maliban dun sa isang bumaba at nagtatakbo na kasamahan pala nila.

Unang pasada, isa isang kinapkapan, pati mga bag. Yung isang ale, nag-inarte. Kesyo nasa ospital daw yung anak nya kaya kelangan nya ng pera. So dahil subalit datapwat ngunit pero because likas namang maawain yung holdaper, yung nakuhang 5,000 sa kanya, isinoli yung 3,000. Bait nya no? Sana kunin na sya ni Lord!

Ako, wala, barya lang, WW ako eh (walang-wala). Nung second wave (galing no me second wave pa), yung aleng nag-inarte, me secret pocket pala yung bag, at me lamang 10,000 pesoses. Nabwisit tuloy sa kanya yung mamang holdaper, kasi natimbrehan nya na ginogoyo lang sya.

Walangya ka, drinamahan mo pa ako, maluha luha pa naman ako sa yo..” Ayun binawi lahat ng datung nya.

Ako naman, nakapa sa bulsa ko salikod yung aking Press ID. Dati kasi akong nagsusulat sa TikTik Magasin. Heheheh. Kaya nung makita yung ID, “Tang$^% ka! Press ka pala ha?! Baka bukas, isulat mo kami ha?” Sabay suntok sa tyan ko. Punyemas, nabanatan pa ako. Hirap talaga ng takaw-bugbog.

Tiba tiba ang mga ungas. Pero dahil nga maawain naman sila, lahat halos eh binigyan ng pamasahe. Ambait talaga! Ako di na ako humingi, kasi baka maupakan na naman ako.

Nung makababa na sila, diretso sempre kami sa pinakamalapit na himpilan ng mga pulis patola. Habang iniinterbyu kami, yung isa tawa pa ng tawa. Sabi ko, “brod, bat parang ansaya saya mo pa? Eh naholdap na nga tayo.”

“Eh kasi binigyan ako ng pamasahe nung holdaper, 100 pesos.” sagot nya.

“Eh ano naman ngayon?” tanong ko ulit.

“Eh kundi ba naman tungak yung mga yun, eh singkwenta pesos lang ang nakuha nila sa akin. Mwahahaha (tawang ala Romy Diaz)”

“Walangya ka, kumita ka pa ng tapwe. Penge palang bente pamasahe?” ako ulit.

“Eh ikaw ba, magkano nakuha sa yo?” tanong nya.

“Bente.”

” O sya, etong bente mo, kawawa ka naman.” “Apir!”

You’re so Kadiri

Saturday, May 3rd, 2008
Hay naku. Day off na naman. Bihira naman na akong mag off na ulit. Ngayon, nakakainip na naman. Nakakaburaot. Obvious ba na wala na naman ako magawa? Kasi nagpo post na naman ako sa mga kablogan ko.

Heto na naman ako. Pagkatapos ko paliguan si Tagpi, petik petik muna ulit. Ayoko namang lumabas kasi mainit na dito. Kaya tambay na naman ako dito sa lungga ko. Nakakatamaaaad!

Pati pagligo, tinatamad ako. Di bale, yung brief ko ililipat ko na lang sa Side B. Yukkie.

Sempre me naalala na naman ako. Dati kasi sa Dimasalang, sempre pag wala magawa, nakatambay lang. Minsan, nakaupo lang ako sa tambayan namin. Pa yosi yosi, nagpapaka pilosopo, nag-iisip kung bakit ako ipinanganak, nagbibilang ng sasakyan, at namimintas ng mga dumadaan.

Di ko napapansin, napapakamot ako. Parang me lamok na dumadapo sa batok ko. Maya maya pa, nakikita ko yung ibang mga tropa ko, na kanda ihi sa kakatawa sa akin. Sabi ko, bakit, ano nakakatawa? Wala lang, tawa lang sila ng tawa.

Dahil nakakahawa naman talaga yung hagalpakan nila, tawa din ako. Kahit di ko alam kung bakit.

Hanggang mapalingon ako. Yung isang tropan namin, walangya! Walang t-shirt, at naghihilod ng kanyang katawan gamit ang kamay at naglilibag. Kada hilod nya, binibilot nya yung kanyang libag ng kanyang daliri at ibinabato sa akin.

Hinayupak. Yukkie talaga. Kaya pala. Muntik ko na masapak ang kabron.

Patok na Pik-Ap Lines!

Thursday, December 6th, 2007
Masyado ako natawa sa mga nabasa ko sa article na Pick-Up Lines ni pareng badoodles sa kanyang site na kwentongbarbero.com. Ito sempre ay mga sikat na pik ap lines na ginagamit o pauso na gagamitin pa lang ng mga kelot para maka-porma sa mga bebots.

Maraming okey, marami ding korniks, marami aprubado at epektib, marami ding sablay. Naalala ko lang yung ibang mga linya na ginamit na ng aking dating mga ka-trops na kadalasan, palpak. Kesa naman gumawa ako ng ala-nobelang comment dun sa site ni badoodles, sempre, ginawa ko na lang post, para pampalaman ng blog. Heheheh. Tenkyu badoodles sa ideya.

Heto na po ang mga mala-impaktong true to life na mga pik-ap lines na siguradong kung hindi papatok eh ikaw eh masasapok. Katunayan, me nasapok na akong tropa dahil dito.

Mala-Impaktong ala Cachupoy na Pik-ap Lines:

1. Miss, ano shampoo gamit mo? (sabay hawak sa buhok nung tsiks) Nung ginamit ito ni McGyver ng Tropang X, kulang na lang kami mismo bumatok sa kanya. Eh papano kung gugo gamit nun.
2. Miss May I Softdrink You? Napanganga lang yung tsik, malamang di nya naintindihan ang kabastusan.
3. Would you like some lollipop? Nung una, medyo mukhang di naintindihan ng chikababes, makailang segundo, mukhang nag-register sa brain, biglang .. Pak! Bumakat yung kamay sa pisngi nung tropa ko.
4. Would you like some ice cream? Parang naintindihan ata, kasi wala namang tindang sorbetes yung tropa ko.
5. Pssst! Haylabyu! Sagot sa kanya nung tsik, “Neknek mo!”
6. Miss, pwede ako, pwede ka ba? Eto ginamit nung tropa kong taga-Timbuktu. Sagot sa kanya nung bebot, “Maligo ka muna kaya!” Wahahaha. Pahiya. Kaya hayun bilang special award, niregaluhan namin sya ng tabo.
Eto, di akalain nung tropa ko na magiging epektib, me nakita kasi kaming yosi girl na koboy, astig na kolehiyala. Lapit sya.. “Miss, pasindi!” Sagot ng kolehiyala, “Sus, style mo! Pasindi…. Kulasa (sempre iibahin natin pangalan para protektahan ang identity) pangalan ko at oo, libre ako.”
Yan ang pasok. Walang kiyeme-kiyeme. Di makapaniwala tropa ko. Tsamba!
Kung gusto mo naman ng totoong advice mula sa expert, pasyalan mo itong tropa kong hotchick na si Evilwoobie sa kanyang site. Wag mo kalimutan na sabihing pinadala ka dun ni Buraot para makuha mo yung giveaway na house and lot. Hokey?

More!!! More!!! More!!!

Monday, November 19th, 2007


(Mula sa dossier ng “Mga Gagong Inosente”)

Palibhasa puro kami matatakaw sa gimik at alak, kung saan-saan kami napapadpad.

Tuwing biyernes, Shakeys and ruta namin, me banda kasi dun kaya patok. Pag sawa na sa banda, iisa-isahin namin yung mga inuman dun sa Timog at East Ave. O kaya sa Mug n’ Chef sa Recto, bago pa yun noon kaya masarap pang tambayan, madalas manghahanting lang kami ng tsiks. Minsan nga me na-meet kaming grupo ng tsikababes, pagkatapos naming isara yung bar, diretso kami lahat sa Baguio. Sarapsadudels!

Minsan, naikwento sa amin ni Pangpang yung isang inuman sa Monumento sa me itaas ng Ever. Drink all you can na beer, P150 lang per head, with matching tanpuluts pa, isang platitong mani. (parang andami eh no?) Ok na rin naman kase me live band din. Pag alang atik, pwede na. Kaso mo ang ambiance, sagwa. Parang foodcourt sa SM ang dating, maliwanag na maliwanag parang me spotlight.

Me umepal na isang banda, mukhang bagito pa, sama ng timpla, tunog lata. Alang wenta. Palibhasa puro kami asar, sumigaw na si Pareng Roger.

I-tape nyo!! I-tape nyo!!! Wooooo!!! (Pumapalakpak pa!)

Tinginan naman sempre yung ibang tomador sa ibang mga table. Nagtataka ata kung bakit napa-bilib si Roger dun sa boses nung bokals na bokalis eh boses itik naman.

I-tape nyo!! I-tape nyo!!!……… I-tape nyo yung bibig!

Yun pala naman… Hagalpakan kami lahat habang palakpakan ang iba pang mga lasing. Hitsura ng riot sa Munti. Tuwang-tuwa sa banat ng trops namin. “Woooo…woooooo!” Mabenta!

Mukhang nabuhayan ng dugo, bumanat pa si Rio.

More!! More!! More!! More!!

Habang mukhang nababanas na yung banda, sempre naka-abang naman yung madlang pipol sa punch line, walang humihinga……

More!! More!! More!! More!!….. More practice!

“Wahahahah!” Wagi! Sa tuwa ata nung ibang mga table, pinadalhan kami ng ilang pitsel na draft beer at ilang platitong mani! Tuwang-tuwa ang bahay alak namin. Kaso mo, ansama ng tingin sa amin nung bouncer at nung bandang asar-talo.

Natapos ang inuman, nauwi kaming naghuhugas pa rin ng beer sa isang karaoke bar malapit lang sa me Retiro. Kung natawa ka sa balitang nagbarilan dahil sa kantang My Way, luma na sa amin yun. Kasi nung gabing yun, kapapasok pa lang namin dun sa karaoke bar, at nagre-relaks, me kumanta ng My Way. Yung kabilang table, naasar ata kasi katatapos lang nya yun kantahin, eh pangit yung bersyon, nagka-tinginan nang masama, ayun, nagsaksakan.

Sabi namin kina Rio at Roger, “Ano? Ngayon kayo mang-asar! Ngayon kayo mag-”more more” at “i-tape nyo i-tape nyo” ng masaksak din kayo!”

“I-tape ko na lang bibig ko,” sabi ni Roger. At sagot ni Rio, “more patience..apir!”

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana