» pasko paksiw
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for the ‘pasko paksiw’ Category

Meri Krismas With The Hunk-hapals!

Monday, December 22nd, 2008

Meri krismas sa lahat ng mga naligaw at epaloids sa site na ito! At dahil meri krismas na, hataw na muna!

Featuring… the Hunks! Hunkapals!

Buraot Drift

Saturday, December 20th, 2008

banginAng galeng! Parang yung napanood ko sa DVD na Tokyo Drift…..

Me nagbawal na sa akin dumaan dun sa lugar na yun. Mataas daw kasi. At dahil nag-uumpisa   na mag snow, delikado na daw kasi sobrang dulas. Mas madulas pa sa pinagsama-samang laway nina Itot, kaong ni Bluepanjeet at mga padulas ni Ambo na ipinahid sa katawan ng mahal na Reyna.

Pero sempre, natural akong pasaway. Dedma lang ako. Walang dulas dulas sa akin. Matindi ata tong si Tagpi. Marami ng pinagdaanan to. Pinatalon ko nga ito sa tulay habang natutulog eh. Yan pa! Dulas lang.

Tutal gabi naman na, wala masyado dumadaan dun, sempre pa dun ako dumaan. Kasi kung hindi ako dun dumaan, malamang wala itong kwento na to.

Nung una, hinay hinay lang. Me isa ring pasaway na dumaan dun, nasa unahan ko. Nung medyo pababa na, eto na po…

Dumudulas na nga sya. Unti unti kong niyapakan ang breaks. Umingit lang, di kumakagat. Akala ko nawawalan ako ng preno. Dumudulas na talaga ako. Bumibilis. Pababa ng pababa. Kahit anong apak ko sa preno, wa epek! Pabilis na ng pabilis. Pailis ng pabilis… at bangin ang nasa dulo!!! Joskopoooo! Hayop ka JocJoc!!!

Kinabig ko yung manibela pakanan para bumangga na lang ako sa sidewalk. Sana wag sa poste. Pero okey na rin yun kesa sa magdire-diretso ako sa bangin.

In a split second, katulad nung madalas pinapakita sa sine, lahat ng kung anu-ano maiisip mo sa isang segundo. Flashbacks. Kala ko madededo na ko. Di pa pala. Si McGyver pala ang naalala ko.

Naalala ko yung pagdi-drift. Hinatak ko yung aking handbreak. Uyy, kumagat. Pero sa halip na huminto ako, umikot si Tagpi ko. Tumagilid. Dumudulas kami pababa ng naka sideways. Galing! Drifting!

Sabay bangga sa gutter ng daan.

Pasko Paksiw

Monday, December 15th, 2008

Walang pilipit dito. Sa amin sa Timbuktu, laging me naglalako ng pilipit. Kasama sa mga tinda nya yung mga butsi at mga bibingkang kanin.

Wala lang, naisip ko lang.

Pasko na kasi. At sempre pag pasko, lagi kong naiisip ay sempre yung mga bagay na marami sa Pinas. Kahit kasi maraming bagay at pagkain na Pinoy ang makikita mo dito sa isteyts, marami din ang wala.

Puto bumbong at bibingkang bagong luto, simbang gabi, inuman sa kalye, mga paslit na nangangaroling gamit ang gawa gawa lang na tambol na lata ng promil, at saya kapiling ang mga mahal mo sa buhay. Wala nun sa isteyts.

Bago ako tuluyang maging best actor dito, lilibangin ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng lagi kong libangan pag pasko. Ang all-filipino Twist. O basahin mo yan ha, walang dayaan..

Bawal ang Paskiw. Kelangan Paksiw. Game.

Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw.

Galing! O eto pa ang isa..

Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika.

Nakanaks! Ibang level ka na tsong…

Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex.

Aba at talagang gusto mo pa ha? Diretso ang basa mo eh. Eto pang advanced level to…

Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica.  Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica. Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica.  Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica. Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica.

O eto super advanced na to, kaya bawal ang bata…

Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika.  Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika.

Talaga namang pati ito, pinatulan mo no. Sya sya, me pilipit ka pa ba?

Simbang Gabi

Saturday, December 13th, 2008

Bumigay na sa pagkanta ng ponebre ang syota ko. Kelangan kasi nya ipahinga ang boses nya dahil me concert syang darating. Sayang at di ako makakapunta. Malayu-layu din kasi ang venue ng concert nya ngayon, dun sa Everett, Washington. Ayoko mag drive kasi umuulan daw ng snow ngayong mga panahon na ito.

Baka di kayanin ni Tagpi ang bumiyahe sa sobrang lamig. Baka rayumahin. Saka wala din naman akong tirechain. Kelangan mo kasi yun isalpak sa gulong mo kapag bibyahe ka sa snow.

At dahil simbang gabi naman na, ibinabalik ko ang mga songers na salamat naman at hindi masyado sumikat. Hehehehe. Ang mga nilalang na mga inaanak ni Haring Solomon na sya namang naging ninong nina Xerex at Totoy Mola at naging soundtrack at inspirasyon ni Boy Bastos, ang Grin Department.

Ayan, merry krismas na….

Papa Opera Muna

Sunday, December 7th, 2008

Tapos na ang pakontest. Nakatulog na ko ng 48 hours. Linggo na naman. Malapit na naman ang pasko.

Sa mga ganitong mga panahon, wala akong maisip na nakakatawa, maliban sa buhay ko. Naisip ko nung nakaraang huling araw ng Nobyember, birthday ng tatay ko. Naesep ko ulit, tutal eh blog ko naman ito, pwede kong i document yung mala-impaktong buhay nya. Nahalungkat ko kasi sa mahiwagang baul yung dating sulat nya sa akin na makabagbag damdamin.

Kaso di ko naman pede ilagay dun sa blog kong mala-nose bleed. Di kasi babagay kung itra transalate ko sa english, mas okey kasi kung tagalog. Kaso mo seryoso sya, di naman nakakatawa. Pag ginawa ko namang nakakatawa, baka kalabitin ako ng tatay ko.

Matagal na kasing nag-saudi ang tatay, walang balikan. Noong bagong salta ako dito, 2001, pagkarating ko dito, ilang buwan lang, bumawndary na sya. Kinuha na ni Lord.

Pero saka ko na lang isasalpak dito ang wento ni Mamay Karding.

Linggo na naman kasi kaya oras na naman para palitan yung songers ko sa side. At dahil magpapasko na, naghahanap ako sa baul ng pamasko. Pero dahil trip ko, ito ang isasalpak ko. Kung di mo kilala si Sarah Brightman, panahon na para makilala mo sya dahil sya at hindi si Anne Curtis, ang tunay na dyosa. Heheheh. Naging kami kasi nung nananaginip pa ko nung isang gabi. Ewan ko kung bakit ba kapag senti ako at magpapasko, sya ang kadamay ko. Di ko din alam.

Pero hayan, pasosi muna ako ngayong week na ito. Hinaan mo na lang ang volume mo. Pagbigyan mo na ako dito, minsan minsan lang naman ito.

Sayaw Muna Bago Announcement

Wednesday, December 3rd, 2008

Di ko na hihintayin ang Pasko Linggo para palitan ang mga songers dito. Uunahin ko na ito.

Senysa na sa mga nag-aabang sa announcement, hirap kasi mag type kapag malagkit yung daliri mo, dumidikit sa keybord. Kaya uunahin ko na muna itong ibang anik anik dito bago ko ipasunod yung iyong pinakahihintay.

Dahil kasi me nanalo na sa aking mala-impaktong pautot, kelangan enjoy muna. Lalo na yung mga wagi. Yung mga di naman wagi, idaan mo na lang muna yan sa sayaw.

Pero don’t you worry, me kasunod pa si Kulapo.

Mag-eesep esep muna ako ng ibang pakulo.

Kung me suggestions ka naman, sarilinin mo na lang. Wahahahah!

Alagad ni Kulapo: Gudlak Blakjak!

Monday, December 1st, 2008

Narito na ang mga opisyal na mga Alagad ni Kulapo. Mga blogs na nag-aksaya ng oras pero malapit ng magmay-ari ng milyung milyung singkong kulot mula sa limpak limpak na yaman na napanalunan ni Buraot sa tong-its, pusoy dos at ending.

 

Ang mga blogs na yan ay wala sa pagkakasunod sunod.

 A as in Aders

100% Batangenyo

A as in Apple

Ang Blog ni Edelweiza
Ang Dakilang Tambay ni Itot
Ang Trip ni Kosa
Another Bloggista on the Spot
Aphrodite
A Slice of Turon
Ayon Kay Kamute

B as in Boy

Banco de Reyna
Batanggero
Battle Ground
Bossabos

C as in Cat

Chichiriya
Coolit na Lagaan
Crimson Heavens
Cumulate Love

D as in Dog

Dakilang Tambay ni Mia
Delicious si Lyzius

E as in Ewan

Everything Nice

F as in Efren

Fatherlyours
Four Seasons

I as in Aida

I Heart Contest
I’ll Let You Keep My Heart
Itot54Joni at Multiply
I’ve Found You

K as in Kerots

Karendayle.com
Kodakan
Kwentong Pautot

M as in Empoy

May Dede Ako Pare
Manikang Papel
Maya-licious
Memory Filled
Mobile 101
mu.kotsengkuba.com
My Chaotic Blog
My Colorful World
My Own Eden

N as in Nuno

Nathan’s Haven
Nicely’s Travelogues
Nicely’s Reviews

O as in Olrayt

Onli in Pinas
On The Wings Of My Dream

P as in Pinya

Philippine Freebies
Pinay Keypoint
Pinoy Ambisyoso
Pinoy Entrecards
Pinoy Stumblers
Pmonchet

R as in Arbor

Repah
Reverse Narcissism
Reyna Elena
Rockstar Momma
Rock 101

S as in Estong

Sa Puso at Isip
Snoogumx.net
Survivor
Sweet Prety Naughty

T as in Tipaklong

The Buzzing Flowerpecker Show
The Invisible Blog
The Hunt

Shop AMCTV.com Today For Your Favorites!

GUDLAK BLAKJAK

Ilan sa mga blog owners na yan ay malapit ng magmay-ari ng milyun milyong singkong kulot. Kung tinginin mo naman ay kasali ka dapat at wala dyan ang blog mo, magreklamo lang kaagad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa inyong kadikit na baragay tanod.

Mas mabilis pa rin kung mag-e-email ka lang sa me pakulo ng site na ito sa buraot101@gmail.com.

Meron kang 2 days para iparating ke Kulapo ang iyong reklamo. Matapos ang forty days en forty nights dalawang araw, sa Dec. 3, ay wala nang tatanggaping reklamo ang Comelec at Namfrel, at pormal na nating ipapasok sa tambyolo ang lahat ng kalahok at bobolahin natin sa tulong ng online randomizer na random.org.

Kinabukasan ng Dec. 4, ay i-aanunsiyo na natin ang mga maswerteng mga nilalang. Matapos ang pormal na announcement, ang mga wagi ay makakatangap ng paramdam sa akin para maumpisahan na ang partehan.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana