» piktyur piktyur
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for the ‘piktyur piktyur’ Category

Piktyur Piktyur: Gusto Mo Mag Picnic?

Thursday, December 18th, 2008

picnic tayo?

Parang gusto ko rin mag-picnic…

Piktyur Piktyur: No Comment

Wednesday, December 10th, 2008

 
Sabi ko nga sa title, No Comment!!!

Piktyur Piktyur: I Zipper Mo Bibig Mo

Wednesday, November 26th, 2008

Sabi nung titser ko nung grade one ako, ang madaldal daw isi zipper ang bibig.

Piktyur Piktyur: Singaw

Wednesday, November 19th, 2008

Akala ko commercial ng kuritas… para sa singaw pala.

Piktyur Piktyur: Alipunga

Wednesday, November 12th, 2008

Heto… ganito ang hitsura ng paang nababad sa baha at nagkaron ng alipunga. Nagdudurog-durog pah! Sarap sa kape.

Piktyur Piktyur! Para May Remember!

Wednesday, November 5th, 2008

say ma-eessshhh

Sandamakmak na blogs na ang aking na-orbitan. Madalas naiispatan ko ang mga blog entries na kung tawagin nila ay wordless Miyerkules. Ika nga nila kasi ni kopong kopong, “action speaks louder than words..” Charing!

Malamang katulad ko rin sila, may mga araw at gabing wala namang maisulat na matino. Okey nga naman kasi me araw na day-op ka mag-isip kaya piktyur na lang, katalo na. Pampalaman sa blogs. Ang kaibahan nga lang namin, ang blog ko na ito, eh wala namang matinong entry.

Kung iniisip mo na me mapupulot ka ditong moral lesson o kagandahang asal. Sorry ka. Mali ang napindot mo. Bagsak ako sa good manners and right conduct nung grade one ako. Di na ako masyado eepal pa. Pahimagas ko lang naman lahat ng yan. Kasi sasali na din ako para me pampalaman ako sa blog kapag wala akong ganang makipagwentuhan mag-isa.

Kaya mula next year week, uumpisahan ko na ang aking Wordless Miyerkoles wannabe na tatawagin kong Piktyur Piktyur! Syempre, para me remember! Malamang ang mga piktyurs na isasalpak ko ay nakita mo na sa kung saang lupalop ng internet. Yung mga makukulimbat ko ay ipo-post ko lang uli dito.

Bakita ba. Trip ko.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana