» promdi
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for the ‘promdi’ Category

Pasko Paksiw

Monday, December 15th, 2008

Walang pilipit dito. Sa amin sa Timbuktu, laging me naglalako ng pilipit. Kasama sa mga tinda nya yung mga butsi at mga bibingkang kanin.

Wala lang, naisip ko lang.

Pasko na kasi. At sempre pag pasko, lagi kong naiisip ay sempre yung mga bagay na marami sa Pinas. Kahit kasi maraming bagay at pagkain na Pinoy ang makikita mo dito sa isteyts, marami din ang wala.

Puto bumbong at bibingkang bagong luto, simbang gabi, inuman sa kalye, mga paslit na nangangaroling gamit ang gawa gawa lang na tambol na lata ng promil, at saya kapiling ang mga mahal mo sa buhay. Wala nun sa isteyts.

Bago ako tuluyang maging best actor dito, lilibangin ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng lagi kong libangan pag pasko. Ang all-filipino Twist. O basahin mo yan ha, walang dayaan..

Bawal ang Paskiw. Kelangan Paksiw. Game.

Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw.

Galing! O eto pa ang isa..

Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika.

Nakanaks! Ibang level ka na tsong…

Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex.

Aba at talagang gusto mo pa ha? Diretso ang basa mo eh. Eto pang advanced level to…

Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica.  Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica. Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica.  Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica. Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica.

O eto super advanced na to, kaya bawal ang bata…

Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika.  Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika.

Talaga namang pati ito, pinatulan mo no. Sya sya, me pilipit ka pa ba?

Simbang Gabi

Saturday, December 13th, 2008

Bumigay na sa pagkanta ng ponebre ang syota ko. Kelangan kasi nya ipahinga ang boses nya dahil me concert syang darating. Sayang at di ako makakapunta. Malayu-layu din kasi ang venue ng concert nya ngayon, dun sa Everett, Washington. Ayoko mag drive kasi umuulan daw ng snow ngayong mga panahon na ito.

Baka di kayanin ni Tagpi ang bumiyahe sa sobrang lamig. Baka rayumahin. Saka wala din naman akong tirechain. Kelangan mo kasi yun isalpak sa gulong mo kapag bibyahe ka sa snow.

At dahil simbang gabi naman na, ibinabalik ko ang mga songers na salamat naman at hindi masyado sumikat. Hehehehe. Ang mga nilalang na mga inaanak ni Haring Solomon na sya namang naging ninong nina Xerex at Totoy Mola at naging soundtrack at inspirasyon ni Boy Bastos, ang Grin Department.

Ayan, merry krismas na….

Bawal ang Miron

Saturday, December 13th, 2008

Sa lahat ng ayaw ko eh yung me mga miron.

Madalas kapag nagto tong-its ka o kaya naman ay nagma-mahjong, di nawawalan ng mga miron. Natural kasing trabaho at libangan ng mga miron ang makelam sa diskarte ng mismong mga kasali. Minsan sila pa yung malakas makipusta. Kumbaga,  mga side pusta o sasama sa ipinusta mo. Madalas din mas malaki pa ang taya nila. Kaya naman natural, sempre, sila yung bukod sa mas maingay, ay mas pakialamero.

Kaya minsan wala kang masasabi kundi, “Hay naku, lasma ang bekata sa nanka!” (Malas ang katabi sa kanan)

Pssttt.. boy bawal ang miron.

Psssttt.... boy bawal sabi ang miron!

Eto nga, napapansin ko nitong mga nakaraang mga araw, buhat nung maging sikatchupoy ang site na ito, me mga miron akong aali-aligid dyan sa mga gilid gilid. Kesyo mga tramadol at kung anu ano pang mga kaekekan kuno. Nangawit ako ng husto kaka delete.

Kaya naman, kahit medyo ayaw ko pa nung una (ganun talaga yun, ayaw muna kunyari), isinalpak ko na din si Akismet.

Baka kasi pati yung mga comments mo eh mahagip. Kaya kung nawawala ang comment mo, paramdam ka lang, baka napagkamalan lang sya ni Akismet.

Papa Opera Muna

Sunday, December 7th, 2008

Tapos na ang pakontest. Nakatulog na ko ng 48 hours. Linggo na naman. Malapit na naman ang pasko.

Sa mga ganitong mga panahon, wala akong maisip na nakakatawa, maliban sa buhay ko. Naisip ko nung nakaraang huling araw ng Nobyember, birthday ng tatay ko. Naesep ko ulit, tutal eh blog ko naman ito, pwede kong i document yung mala-impaktong buhay nya. Nahalungkat ko kasi sa mahiwagang baul yung dating sulat nya sa akin na makabagbag damdamin.

Kaso di ko naman pede ilagay dun sa blog kong mala-nose bleed. Di kasi babagay kung itra transalate ko sa english, mas okey kasi kung tagalog. Kaso mo seryoso sya, di naman nakakatawa. Pag ginawa ko namang nakakatawa, baka kalabitin ako ng tatay ko.

Matagal na kasing nag-saudi ang tatay, walang balikan. Noong bagong salta ako dito, 2001, pagkarating ko dito, ilang buwan lang, bumawndary na sya. Kinuha na ni Lord.

Pero saka ko na lang isasalpak dito ang wento ni Mamay Karding.

Linggo na naman kasi kaya oras na naman para palitan yung songers ko sa side. At dahil magpapasko na, naghahanap ako sa baul ng pamasko. Pero dahil trip ko, ito ang isasalpak ko. Kung di mo kilala si Sarah Brightman, panahon na para makilala mo sya dahil sya at hindi si Anne Curtis, ang tunay na dyosa. Heheheh. Naging kami kasi nung nananaginip pa ko nung isang gabi. Ewan ko kung bakit ba kapag senti ako at magpapasko, sya ang kadamay ko. Di ko din alam.

Pero hayan, pasosi muna ako ngayong week na ito. Hinaan mo na lang ang volume mo. Pagbigyan mo na ako dito, minsan minsan lang naman ito.

Bagong Songers

Sunday, November 30th, 2008

Hayan, linggo na naman. Kaya naman tapos na ang kontrata nung mga songers jan sa gilid na pang kabaret. Kelangan, bago bago na naman.

Dahil lagi naman akong walang mai-post dito kundi mga kabulastugan at mga bagay na walang kawawaan, papanay panayin ko na. Tuwing linggo ng pagkabuhay, aarkila ako ng mga banda o mga songers na galing Pinas. Tutal tagalog naman itong blog na to, dapat lang na mga OPM din ang mga banat na sounds dito. Para bagay sa motiff.

Ipinahinga ko na muna yang ika nga ni pareng Bluepanjeet, ay kabaret music. Nyahahahah! Nakapasok ka na ba sa kabaret? Iisipin mo, sa tinanda tanda kong ito, nakapasok na ko? Hindi pa no? Panahon pa ni Palito yun. Si Cachupoy lang ang inabot ko.

Eto naman ang bagong mga songers. Mga music na alam na alam nating baduy pang-masa. Pero paminsan-minsan…. o.. o.. wag ka nang mag-maang maangan diyan, kapag walang nakatingin, eh pinapakingan mo din. Wag ka nang magpasosi jan, kita kita.

Kasi naman, ibang klase din kasi ang mga boses nitong ating featured songers na ito. Bukod sa natural na makabasag pingan ang mga timbre nila na mala Sylvia La Torre, super husky din kasi. Parang ilang taon nang uhaw uhaw sa vicks ang kanilang lalamunan.

Madalas din itong suki sa mga inuman na me mga live bands kaya kahit papano, naririnig ko din madalas yan nung pagala-gala pa ko sa Taft at Ermita.

At sya sya… oo na… pati sa mga beerhaws.

Bonifacio Day, Sikatchupoy Day

Sunday, November 30th, 2008

Pula ang pantalon ko ngayon.

Di ko pa rin alam kung bakit sina Bonifacio, type magsuot ng pulang pantalon. Pwede namang green. Pero pinili nila ang pula. Siguro dahil magda dance revolution sila. Sempre color coding yun pag me gyera.

Tingin ko, yung mga pantalon nila ang dahilan kung bakit kelangan na nila punitin yung mga sedula nila. Para di na sila makilala. Wahahahha! Kumbaga sa commercial ng southwest airlines dito.. “wanna get away?” Kasi nga kahiyaan na sila sa pagsusuot ng pulang pantalon, mas minabuti na nilang wag na makilala.

Kaya naman pinili ko talaga ang araw na ito ang deadline sa pakontest ko.

Kasi katulad ni Bonifacio, nagsuot din ako ng pulang pantalon. Kaya nga di rin ako nagpapakilala. Maliban dun sa minsang iwagayway nila yung mala anghel kong piktyur sa Inquirer, di ko na inulit yun. Kasi bukod sa IRS na humahanting sa kin, pinagtataguan ko din yung mga pinagkakautangan kong Bumbay at mga bookies ng ending dun sa amin sa Dimasalang. Pati na rin yung utang kong limang case ng beer ke Mang Tabog.

Buti na lang di uso sa kanila ang magbasa ng blog.

Paalala lang po. Ngayon po ay Sikatchupoy Day din. Dahil Nov.30 na, deadline na rin ng aking mala-impaktong pautot. Mamayang hatinggabi dito sa pinagkukutan ko, isasara ko na ang mga electronic voting booth.

Kaya yung mga gusto pang humabol, pwede pa kayong magpa photo finish dahil advanced ang oras dyan sa Pinas, me natitira ka pang ilang oras. Wag mo kalimutang magparamdam agad kasi baka di agad mahanap ng mga alagad ko yung mga incoming links.

Sya, sya… tama na ang basa. Post na!

Alpha Dakma Nokma

Thursday, November 27th, 2008

Para sa kin, ngayon ay litsong manok day.

Thanksgiving Day kasi dito, trip nila lahat turkey. Yoko ng turkey, di masyado masarap. Mas gusto ko pa yung Andok’s. Kaso, wala naman litsong manok dito. Kaya tamang imagine na naman ako. Nung nasa LA pa kasi ako, dun wantusawa sa mga tindahang mga Pinoy, kaya lahat ng maiisip mong pagkaing Pinoy, meron dun sa me kanto.

Nung nasa timbuktu ako, kahit araw araw litsong manok day. Kahit na inahin o panabong pwede na rin. Kahit na parang goma sa tigas yung karne, oks pa rin, pangas lang ng pangas. Madalas kung hindi ako sasama makipag sabong, mag-aabang lang ako. Di naman kasi ako sabungero tulad ni Itot. Mas trip ko pa mag pusoy dos. O kaya makipag pustahan sa basketbol.

Pero dahil sa sabungan, madaming libreng manok, okay na rin.

Minsan naman walang sabong, tamang manok na naman ang tinitibok ng tyan namin habang nag-iinuman. Eksakto naman na parang hulog ni Lord, me dumapo na manok na sasabungin sa me backyard namin. Yung kasama ko, dahil myemro ng samahang Alpha Dakma Nokma, me baong sodium sa bulsa. Hinainan nya ng sodium yung kawawang manok. Si pobreng manok, tumuka naman.

Abang abang kami, hintay naming malaglag ang tuka. Kaso matibay, di bumibigay. Katunayan, nakuha pang lumipad ng pagkakataas pabalik sa kabilang bakod. Paglipad nya ng mataas, sabay nalaglag sa ere. Sumipa ata yung lason. Kaso kamalas-malasan, pagbagsak nya sa ere, dun sa kabilang bakod bumagsak. Patay.

Di namin napakinabangan yung kawawang sasabungin. Napurga tuloy kami sa pulutang cornbits at fish crackers.

Kinabukasan, yung me-ari ng sasabunging manok, pagala gala sa lugar namin, me dalang gulok. Galit na galit at hinahanap yung kung sino mang nanglason sa sasabungin nya. Kami, sempre, naka zipper bibig namin. Baka kami pa ang mataga.

Kaya mula noon, yung kebigan ko, di na sya nanglalason ng manok, pinapana na lang nya para sigurado.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana