Labadami Labango

October 15th, 2008 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy, Layp at da Pugad Baboy 10 Responses

Di ako naglalaba. Natawa lang ako dito sa bagong plug-ins na sinalpak ko dito sa site ko.

Nun kasing nasa blogger pa ako, inggit na inggit ang lolo mo sa plug-in nung ibang mga blogista na me anik-anik sa kanilang page na commentluv. Yun yung kapag magko-comment kawsa ibaba ng post nila ay makikita din yung latest post mo galing sa blog mo. Simpleng advertisement. Gandang pampahatak din ng mga bwisitors pabalik sa site mo.

Pero kelangan ang title ng post mo eh medyo karumal-dumal o kahindik-hindik para makuha mo atensyon nila. Basa lang ng Basa…

You’re so Kadiri

May 3rd, 2008 by BURAOT Categories: Layp at da Pugad Baboy, Mala-Impaktong Buhay Buraot 5 Responses
Hay naku. Day off na naman. Bihira naman na akong mag off na ulit. Ngayon, nakakainip na naman. Nakakaburaot. Obvious ba na wala na naman ako magawa? Kasi nagpo post na naman ako sa mga kablogan ko.

Heto na naman ako. Pagkatapos ko paliguan si Tagpi, petik petik muna ulit. Ayoko namang lumabas kasi mainit na dito. Kaya tambay na naman ako dito sa lungga ko. Nakakatamaaaad!

Pati pagligo, tinatamad ako. Di bale, yung brief ko ililipat ko na lang sa Side B. Yukkie.

Sempre me naalala na naman ako. Dati kasi sa Dimasalang, sempre pag wala magawa, nakatambay lang. Minsan, nakaupo lang ako sa tambayan namin. Pa yosi yosi, nagpapaka pilosopo, nag-iisip kung bakit ako ipinanganak, nagbibilang ng sasakyan, at namimintas ng mga dumadaan.

Di ko napapansin, napapakamot ako. Parang me lamok na dumadapo sa batok ko. Maya maya pa, nakikita ko yung ibang mga tropa ko, na kanda ihi sa kakatawa sa akin. Sabi ko, bakit, ano nakakatawa? Wala lang, tawa lang sila ng tawa.

Dahil nakakahawa naman talaga yung hagalpakan nila, tawa din ako. Kahit di ko alam kung bakit.

Hanggang mapalingon ako. Yung isang tropan namin, walangya! Walang t-shirt, at naghihilod ng kanyang katawan gamit ang kamay at naglilibag. Kada hilod nya, binibilot nya yung kanyang libag ng kanyang daliri at ibinabato sa akin.

Hinayupak. Yukkie talaga. Kaya pala. Muntik ko na masapak ang kabron.

Sa Kabilang Ibayo!

September 25th, 2007 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy, Layp at da Pugad Baboy 3 Responses
where na meMahirap talaga dito sa Merika, dahil lagi kang subsob sa trabaho, wala ka talagang panahon sa mga trops. Kunsabagay, ala naman akong trops talaga dito.

Me isa akong repapits nasa Arizona naman me bespren na duong camel.

Yung isa kong waling waling na kakalase nung nasa kolehiyo pa ako nasa me Detriot naman, hiphop na ata. Me dati akong kas andun naman sa Bay Area. Me sanpits ako andun naman sa Texas. Ako andito sa Haliwud kasama sina Spiderman na pagala-gala sa Haliwud Bulebard. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes