» rapsadudels
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for the ‘rapsadudels’ Category

Pasko Paksiw

Monday, December 15th, 2008

Walang pilipit dito. Sa amin sa Timbuktu, laging me naglalako ng pilipit. Kasama sa mga tinda nya yung mga butsi at mga bibingkang kanin.

Wala lang, naisip ko lang.

Pasko na kasi. At sempre pag pasko, lagi kong naiisip ay sempre yung mga bagay na marami sa Pinas. Kahit kasi maraming bagay at pagkain na Pinoy ang makikita mo dito sa isteyts, marami din ang wala.

Puto bumbong at bibingkang bagong luto, simbang gabi, inuman sa kalye, mga paslit na nangangaroling gamit ang gawa gawa lang na tambol na lata ng promil, at saya kapiling ang mga mahal mo sa buhay. Wala nun sa isteyts.

Bago ako tuluyang maging best actor dito, lilibangin ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng lagi kong libangan pag pasko. Ang all-filipino Twist. O basahin mo yan ha, walang dayaan..

Bawal ang Paskiw. Kelangan Paksiw. Game.

Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw Pasko paksiw pasko paksiw.

Galing! O eto pa ang isa..

Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika. Butiki, botika, botika.

Nakanaks! Ibang level ka na tsong…

Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex. Ang relo ni Leroy ay Rolex.

Aba at talagang gusto mo pa ha? Diretso ang basa mo eh. Eto pang advanced level to…

Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica.  Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica. Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica.  Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica. Minikaniko ni Monico ang makina ng Minica ni Monica.

O eto super advanced na to, kaya bawal ang bata…

Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika. Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika.  Kinalikot ni Kaka ang Kiki ni Kika.

Talaga namang pati ito, pinatulan mo no. Sya sya, me pilipit ka pa ba?

Alpha Dakma Nokma

Thursday, November 27th, 2008

Para sa kin, ngayon ay litsong manok day.

Thanksgiving Day kasi dito, trip nila lahat turkey. Yoko ng turkey, di masyado masarap. Mas gusto ko pa yung Andok’s. Kaso, wala naman litsong manok dito. Kaya tamang imagine na naman ako. Nung nasa LA pa kasi ako, dun wantusawa sa mga tindahang mga Pinoy, kaya lahat ng maiisip mong pagkaing Pinoy, meron dun sa me kanto.

Nung nasa timbuktu ako, kahit araw araw litsong manok day. Kahit na inahin o panabong pwede na rin. Kahit na parang goma sa tigas yung karne, oks pa rin, pangas lang ng pangas. Madalas kung hindi ako sasama makipag sabong, mag-aabang lang ako. Di naman kasi ako sabungero tulad ni Itot. Mas trip ko pa mag pusoy dos. O kaya makipag pustahan sa basketbol.

Pero dahil sa sabungan, madaming libreng manok, okay na rin.

Minsan naman walang sabong, tamang manok na naman ang tinitibok ng tyan namin habang nag-iinuman. Eksakto naman na parang hulog ni Lord, me dumapo na manok na sasabungin sa me backyard namin. Yung kasama ko, dahil myemro ng samahang Alpha Dakma Nokma, me baong sodium sa bulsa. Hinainan nya ng sodium yung kawawang manok. Si pobreng manok, tumuka naman.

Abang abang kami, hintay naming malaglag ang tuka. Kaso matibay, di bumibigay. Katunayan, nakuha pang lumipad ng pagkakataas pabalik sa kabilang bakod. Paglipad nya ng mataas, sabay nalaglag sa ere. Sumipa ata yung lason. Kaso kamalas-malasan, pagbagsak nya sa ere, dun sa kabilang bakod bumagsak. Patay.

Di namin napakinabangan yung kawawang sasabungin. Napurga tuloy kami sa pulutang cornbits at fish crackers.

Kinabukasan, yung me-ari ng sasabunging manok, pagala gala sa lugar namin, me dalang gulok. Galit na galit at hinahanap yung kung sino mang nanglason sa sasabungin nya. Kami, sempre, naka zipper bibig namin. Baka kami pa ang mataga.

Kaya mula noon, yung kebigan ko, di na sya nanglalason ng manok, pinapana na lang nya para sigurado.

Rapsadudels!

Sunday, October 26th, 2008

Mahilig talaga akong kumain kahit nung bata pa ako.

Nung nag-aaral pa ko sa Manela, dami naming suking kainan ng mga trops ko. Depende sa kung anung trip nung mga sawa sa tyan.

Pag bulalo, sempre dadayo kami ng tagaytay kasi walang tatalo dun. Kapag tapsilog naman o kaya galing sa inuman, dun kami ke Lola Ely’s sa Bambang. Sarap dun. Nakakatalong order ako isang kainan lang. Lalo na kapag madaling araw na, kasi puro mga GRO na ang kasabay mo kumain.

Kapag Pares naman, dun kami sa Retiro. Sarap din. Kasi itsura ng mga kainan, parang bar na me stool sa gilid ng daan. Dun ka uupo habang ang batok mo eh hinahanginan ng mga dumadaang dyip. Habang kumakain ka, me nakaabang na sa likod mo, papito-pito at panay ang ahem, kulang na lang lumaklak ng vicks. Kase hinihintay kang tumayo para sila naman ang kakain. Ganun kasarap dun.

Kapag mga barbekyung mamoy naman, dun kami sa me Espanya Rotonda, sa me PLDT. Sarap din ng mga liempo dun saka dami mo pa katsika na mga taxi driver, dun din kasi sila kumakain. Me dsicount ka pa sa kanila pauwi.

Sempre, di mawawala ang mga kwek kwek sa Recto. Kahit na walang hugasan yung mga platito nila, rapsadudels pa rin. Halo halo na ang mga germs, pampatibay ng tyan. Saka yung mga gotohan at lugawan sa ilalim ng mga LRT, grabe sarap. Lalo na kapag senglot ka at kelangan mo ng pampatunaw. Kapag medyo bitin ka pa, libre ang hiling ke Manang ng lugaw. Tutal dinadagdagan lang naman nila ng timba-timbang tubig yung kalderong me lugaw sabay halo. Sempre kelangan muna magpatanggal ng amats bago umuwi.

Pati na rin yung mga siopao na me lamang pusa sa Raon. Kaso di ako kumakain nun. Na-mention ko lang.

Pero walang tatalo sa sarap ng mga lugawan at gotohan na me sariling pwesto.

Me isa akong suki sa Olongapo nung dun pa ako humahada. Grabe sarap. Talagang dinadayo. Kaya siguro masarap ang luto nila, kasi fresh na fresh pa yung lamang-loob nila. Katabi lang nila kasi ang punerarya.

Rapsadudels!

Bawal Ang Aso’t Pusa sa Beijing Olympics

Saturday, August 16th, 2008
Grabe ang Olympics na yan sa Beijing. Pinaghandaan ng husto. Lahat ng detalye, planado. Mula sa pagpapatayo ng milyun milyung mga pagdadausan ng events, hanggang kung papano, gagawan ng visual “aids” yung mga fireworks, pati sa pagpapalit ng singer, kelangan bongga.

Pati na rin yung pagkatay sa halos dalawang milyong pusa at aso, talagang pinagbuhusan ng panahon.

Sabi kasi nila daw, unsanitary na yung mga askal at mga pusang gala. At baka daw sya pang panggalingan ng mga kung anu-anong virus. Kawawa naman yung mga turistang dadayo kasi daw baka magkahawa-hawa daw.

Kaya ayun, sinona ng mga death squads ang buong Beijing at hinanting ang mga kawawang nilalang. Kung me alaga kang gusto mong wag maisama sa death penalty, magbabayad ka ng malaki na malamang di mo naman afford. Kaya no choice ka na lang kundi pumayag na gawing siopao si Muning mo.

Aktwali, atin atin lang to… kasi sa dinami dami ng ginastos nila sa pagpapatayo ng kung anu anong anik-anik, medyo nalimutan nila yung panghanda. Kaya siguro yun ang naisipan nila. Libre pa. Kalderetang awaw at siopao na special.

Bongga din pati tsibog.

Hay naku, kung di ka pa nakatikim nang mga yan, at least naman siguro narinig mo na no?

Yun siopao na special, me ganung balita noon na makikita mo daw sya sa mga siopawan at mami-an sa Raon. Kaso kahit na anong dare ang gawin sa aking ng Survivor Kopong Kopong Version, di maatim ng sikmura ko na tikman. Malamig daw sa tyan yun no.

Yung Kalderetang Awaw, madami sa Makati nun. In demand sa mga manginginom. Ingat ka nga lang sa rabbies. Naalala ko tuloy nung bata pa ko. Yung alaga kong aso kinatay ng mga kuya ko…. wala akong magawa… huhuhuh.. di ko sila napigilan. Kahit na anong pagmamaka-awa ko, di nila ako pinakinggan. Kinatay pa rin nila ang aso ko. Mga wala silang awa. Wala. Wala. Walaaaaaa!

Pero at least it tastes like chicken ha? (yukkie kunyari)

Lipat Bahay (Sayang Wala Akong Baong EraseYourHead CD)

Friday, June 6th, 2008
Eto na naman po ako. Walaaaaang kasawa-sawa. Sa tinanda-tanda kong ito, di pa rin nagsasawa na mag-ala Indiana Jones. Hindi, di ako nagpunta sa mga gubat para maghanap ng dyamante o kung anupaman.

Nagpanibagong kuta lang naman ako. At kung sa atin, kelangan mong umupa ng trak para maglipat bahay, dito U-haul ang nirerentahan. Pero di ko rin kelangan yun. Pinagkasya ko lahat ke Tagpi yung mga gamit na kailangan ko. Iniwan ko na lang yung iba. Mula sa Los Angeles, Californication ay nag drive ako papuntang norte. Wala lang, trip ko lang. Sabi ng nanay ko na kasama ko sa bahay, “bakit, wala bang ibang trabaho dito sa LA? Anong kaibahan ng trabaho dun sa Portland?”.

Hay naku, e gusto kong pahirapan ang sarili ko eh. Henube. Kaya ayun. Drive na ang lolo mo. At dahil madugo ang byahe, chinop chop ko. Nag stop over ako sa San Francisco. Hinto muna ako sa Jobilee doon para bumili ng chibog. Pagkatapos diretso sa Golden Gate. Susubukan kong patalunin dun si Tagpi.

Pero bago ako nakarating sa San Francisco, me nadaanan akong lugar na Whaw! Galing tol! Hokey sa olrayt! Mga bundok na kakaiba ang tanim! Mga higanteng wind turbines. Para silang mga laruang nabibili noon sa labas ng school na ipinapaikot at lumilipad. Ano na ngang tawag nun? Ah basta yun.

Ihininto ko si Tagpi at ipinarada sa gilid ng freeway. Kahit delikado at bawal, huminto ako. Enubeh! Kelangan kong mag piktyur piktyur! Kung papano, bahala na. Paglabas na paglabas ko ng kotse, Whaw ulit! Ang hangin, super duper lakas. Kasinlakas nang pinagsamang hanging amihan at habagat. Muntik na akong tangayin. Buti na lang, kakakain ko lang kaya medyo mabigat. Ganda ng view! Kakaiba! Andaming mga elesi. Di rin ako nagtagal, kasi mas lumalakas yung hangin, tingin ko tatangayin talaga ako. Dito ata nakuha ni Pareng Ely yung kantang Elesi.

Dun yata ako ginutom sa super lakas na hangin. Tamang-tama, malapit na sa San Francisco, dun naman talaga ako hihinto at kakain. Kaya ayun dumaan muna ako sa downtown para mag to-go sa Jobilee. Nakita ko pa nga dun si Alma Moreno. Sabi sa kanya nung nasa counter, “Ma’am for here or for take-out?” Sagot ni Ness, “ah eh… for Vandolph!” Talaga namaaaan. Me paningit pang cahupoy at kopong-kopong na joke.

Pagkatapos akong pabaunan nung tindera ng balde-baldeng gravy, diretso na ako sa me Vista point sa me Golden Gate para dun magpahinga at tsumibog. Pero sempre, bago ang lahat, posing posing muna. Kelangan magpa-kodak para me remember.

Matapos ang walang katapusang pagda-drive at rest area, nakarating din ako. Grabe ang driving teng. Pagkalampas ko ng Mt. Shasta, umpisa na ng sign na sinasabing PORTLAND. Nilubugan na ako ng araw, di pa rin nauubos yung sign, walaaaang katapusan. Ngarag na ngarag ang lolo mo. Sayang talaga, wala akong baong EraseYourHead CD. Kasi kung gusto nilang mag-drive, ako ata nagsawa bigla.

Ilang araw na nga ako dito sa bago kong kuta, ngarag pa rin ang byuti ko.

Starbaraks

Thursday, May 8th, 2008
Pwede sa akin ang decaf. Pero di talaga ako sanay sa regular na kape.
Sumakit ang batok ko kanina. Wala kasi akong magawa kaya, naisipan kong magkape. Wala naman kasing pangalan yung lalagyan kung decaf ba o hinde kaya nagbaka-sakali na ako. Pagkainom na pagkainom ko, bigla kong naramdaman na me gumuguhit sa batok ko. Yun ata yung mga ugat ko. Pati ang mga nerves ko sa katawan, nararamdaman ko na tumitibok at pumipitik. Grabe tama ko sa kape. Hyper ang katawan ko. Kape pa lang yun ha?
Ewan ko kung bakit ganun. Wala naman akong hypertension. Basta ganun ang epek ng kape sa akin minsan. Isip isip ko kung me bagay na nagpa high blood sa akin bago ako uminom ng langyang kape na yun. Wala naman. So kape talaga ang salarin.
Bata pa kasi akong regular na manginginom ng Nescafe tuwing umaga. Sya din ang pinaghuhugasan ko ng pandesal na me palamang Dari Creme. Minsan Star Margarine din para daw tumangkad ako, kaso wa epek naman, di naman ako tumangkad.
Pag tanghalian at hapunan naman, kasama ko din ang kape. Pag walang Nescafe, okey na rin kahit Great Taste. Depende sa ulam. Pag paborito ko ang ulam (pritong galunggong na tustado), yun di pwedeng wala akong kape. Kasi sya ang ginagawa kong sabaw sa kanin. Lalo na at bahaw ang kanin. Rapsadudels!
Kasi naman di pa ata uso noon ang mga decaf decaf na yan. Di uso ang health conscious noon ano.
Kaya siguro ngayong tumanda na ako, lumalabas ang epekto ng pagiging adik ko sa kape. Konting kape lang, lakas tama na ako at super hyper. Pati yata mata ko nakamulagat agad parang cartoons.

Kaya kahit masarap mag Starbaraks at umorder ng singol shorts nanpat banila lattey o kaya naman ay tol mokha parangalpaccino araw-araw, hindi na. Baka hindi kayanin ng powers ko, masapak ko kasalubong ko.

Kwek Kwek na Lang!

Thursday, March 6th, 2008
Minsan, naburaot na naman ako. At para kumalma ang ulo ko, hanap muna ako ng matsitsibog. Tamang-tama kasi bagong sweldo ako noon. Matutuwa na naman ang sawa sa tyan ko. Sempre kahit bawal sa rayuma ko, order ako ng steak.

“How do you want your steak.. rare, medium rare, well done?”

“Whatever,” sabi ko. Masakit ulo ko, ayoko mamili. “ok, medium rare.”

“What side do you want? We have mashed potato, veggies, corn on the cob…”

“Whatever… ok veggies.” hay dami choices, nagka migraine na ata ako.

“How do you want your bread, white or wheat toast?”

“Whatever… white.” Nagugutom na talaga ako.

“What drink would you like.. we have…”

“Okay okay! Just coffee!” lilitanyahan na naman ako eh.. uupakan ko na to..

“You want regular or decaf? For regular coffee we have..”

“You know what? I’ll just have water. Tap water.” Baka kung anu ano na namang ibanat pa eh..

“Oh sir, I forgot.. the filet mignon comes with a glass of wine… what would you prefer? caber…”

“Okay okay!!! I changed my mind! I don’t want it anymore. Too many choices. I’ll just have spaghetti instead.”

“Well, alright sir.. would you like it with meatballs? What sauce would you like? We have…”

“You know what? Forget about it.. “ Kaasar. Busog na ko. Taena.

Naknangteteng. Buti pa noon sa Recto, pupunta ka lang dun sa me Isetann, uupo ka dun, wala nang tanung-tanong, hahainan ka na ng kwek kwek na nakalagay sa maliit na platito na medyo malagkit lagkit pa. Makikita mo, yung mga pinagkainan ng iba, isasawsaw lang sa isang timba na me tubig, solb na hugas na yun. Ipapagamit na sa iba.


Parang yukkie, pero sarap naman. Sabi ko nga, mas okay pa yung medyo me dumi, kasi pampalakas ng immune system. Enjoy ka pa sa view. Habang kumakain ka ng kwek kwek at humihigop nung sukang sawsawan na pinagsawsawan na ng buong bayan, andun ka pa sa kumabaga ocean view. Ocean of pipol, na nagkakandirit papasok sa mga iskul, hawak hwak nila ang kanilang mga celfon at nagte-text habang naglalakad. Ang galing nga eh, naglalakad sila ng hindi tumitingin sa daan, sa celfon lang.

Sa kabilang side naman, kita mo yung haba ng trapik na papuntang Morayta. Pag sumilip ka naman sa ilalim ng tulay, kabilaan din ang trapik dun sa Quiapo. At sempre laging hazy, sa kapal ng mga usok. Hayyy.. ganda ng view…

Miss ko na ang kwek kwek.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana