» sakitchupoy
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for the ‘sakitchupoy’ Category

Kryptonite

Thursday, January 1st, 2009

xrayDi ko na-enjoy ang holidays. Kakalabas ko lang ng Q.I.

Halos dalawang linggo na kasi akong inuubo, natabunan na ng plema (ekskyusme po) ang buong pagkatao ko. Di na ako makahinga. Feeling ko ako si Superman na sinabitan ng green kryptonite. Hinang-hina na ako. Hinahapo. Nung una, para lang akong si Inday Garutay, di nagtagal, nawala na ng diretso ang boses ko. Kaya takbo na ako sa ospital.

Sempre dahil wala namang dumudugo sa yo, kahit nasa emergency room ka pa, maghihintay ka pa rin. Para din akong sumasalang sa mga job interviews dahil nakailang tao at tanong din ang dinaanan ko bago pa ako ipinasok sa loob ng mga clinics.

At dahil di ako makahinga, sinalpakan nila ako ng nebulizer. Nakatulong naman. After two days na para akong hinihika, nakahinga na rin ako ng maluwag sa wakas. Idinaan din ako sa isang malaking xerox machine. Piniktyuran yung likod ko kung andun pa daw ang baga ko.  Awa ni Lord, andun pa naman.

Me nakita pa nga silang kakaiba. Me nakasalpak daw na bakal na mga isang pulgada sa loob ng tagiliran ko. Kaya dalawang doktor ang lumapit sa akin at pinag kakapa ang likod ko. Sabi ko baka naiwan ko yun nung nasa perya pa ako at lumululon ako ng espada. Di ako pinansin.

Matapos ang labing siyam na pagmumuni-muni, Acute Laryngitis at Bronchitis daw. Ganda ng bagong taon ko, me bwena mano regalo agad.

Ubo Ubo Ubo

Saturday, December 27th, 2008

iglooIlang araw na ko me sakit. Bago pa mag pasko. Walastik kasing snow na yan.

Isang gabi, na-stuck ang kotse ko. Di na kinaya na umakyat pa ng pataas sa sobrang kapal ng snow. Dumudulas lang. Kaya no choice ako nun kundi iwanan sya sa tabing-daan. Naglakad ako pauwi. Pagdating ko ng bahay, nangangatog ako sa lamig, namumuti ako sa snow at inaapoy na ako ng lagnat.

Kinabukasan, binalikan ko si Tagpi, di pa rin uubra. Malakas pa rin ang snow, nakabaon pa rin sa yelo.

Kinabukasan ulit. Balik ako. Si Tagpi, nagmukha ng igloo. Yung snow sa bubong 6 inches na. Kahit super lamig pa rin, at medyo umuulan pa rin ng snow, medyo me araw naman na. Kaya pwede nang pagtyagaang hukayin yung yelo.

Gamit ang lumang license plate, pinilit kong kayurin at hukayin ang yelo sa paligid ng kotse ko. Inabot ako ng isa’t kalahating oras bago ko sya tuluyang naialis sa pagkakalubog sa snow. Pero dahil pataas ang daan papunta sa bahay ko, pinaatras ko na lang sya pababa ng daan.

Makikituloy muna ko ng ilang araw sa malapit sa trabaho habang di pa natutunaw ang mga yelo.

Problema ko lang, dahil nalamigan na naman ako, hindi humihinto ang ubo ko. Me pneumonia na ata ako. Sige, pasyal muna akong Q.I.

Its Snowing Cats en Dogs!

Friday, December 19th, 2008

TagpiKahit ilang taon na ko dito sa isteyts, bihira ako makakita ng snow.Kasi naman sa LA, wala nun. Maliban kung pupunta kami sa me mga boondocks.

Pero dito sa bago kong pinagkukutaan, nagkakaron daw, pero di gaano.

Nung Biyerenes ng gabi, sabi ng PAGASA, me hanging amihan daw na parating at bobombahin daw kami ng snow. Kaya naman pinaghandaan ko sya. Inilagay ko sa bulsa ng jacket ko yung kopongkopong kong de-negative na camera.

Eksayted ang lolo mo. Ngayon, feeling ko nasa states na ako. Dun kasi sa LA, para ka lang nagpunta sa Pandacan, ganun. Puro mga Pinoy din ang mga kasama mo dun. Saka sempre, walang snow.

Eto, nagsasawa ako ngayon. Kala mo lang masarap. Pahirap pala.

Paglabas mo ng bahay, lumulubog ang mga paa mo. Pagdating mo sa kotse mo, balot sa yelo. Kelangan mo pa syang kayurin parang halo-halo kasi di ka makakapag drive. Di mo makikita ang daan. Kelangan kasimbagal ng paragos ang pagmamaneho mo kundi dudulas ang mga gulong mo.

Sa sobrang lamig, eto at sinisipon na ko. Parang magkakatrangkaso pa. Naninigas na ang mga paa ko, rarayumahin pa ata. Kaya naman eto kung anu ano na namang mga gamot ang nilalaklak ko.

Grabe. Lamig.

Nasusuka Ako…

Saturday, November 22nd, 2008

Hansama ng pakilasa ko kahapon. Daig ko pa me hangover sa gin buko.

Nasusuka ako na di ko malaman. Di naman ako uminom. Tagal na ko di umiinom. Hindi dahil goodboy na ako at bawal sa rayuma ko. Wala lang akong kainuman. Mahirap atang uminom mag-isa. Subukan mong uminom mag-isa, para kang kawawang koboy na nawalan ng alagang indiyan.

Medyo masakit din ang ulo ko. Feeling ko uminom ako ng red horse na me halong coke. Ano? Di mo pa nasubukan i mix yun? Kumuha ka ng limang red horse, haluan mo ng isang litrong coke, yun. Sarap! Lasang ice candy. Kaya lang medyo gagalaw galaw ka. Pag kasi di ka gumalaw, baka ka ma-istroke. Lakas kasi sipa, kaya lakas tama.

Kaso nga, di naman ako uminom kaya di ko mawari kung bakit ako nasusuka. Di naman ako buntis. Kasi bukod sa inurungan na ako, wala din naman akong matris.

Para mawala ang masamang sumpa, pilit kong dinutdot ang aking throat. Nahila ko na ang tonsil ko, wala pa rin. Pahinga muna ang lolo mo para makabwelo. Sakto, parang hulog ni Kulapo, me sagot sa problema ko, nakita ko sa email ko….

 

Lasing1: Pare nasusuka ako..

Lasing2: Dutdutin mo ng daliri yung lalamunan mo..

Lasing1: Ayaw eh..

Lasing2: O sige, dutdutin mo ng daliri yung pwet mo..

Lasing1: Hmnn.. sige.. Ayaw din!

Lasing2: O sige dutdutin mo ulit yung lalamunan mo, pag di ka pa nasuka nyan ewan ko.

 

Sempre, di ko sinunod yan. Ano ako bale?

Esep esep ko kung ano ang mga nakain ko. Wala akong maisip. Kaya siguro masama pakilasa ko, kasi wala pa pala akong kinakain.

Bionic Kopongkopong Man

Friday, October 17th, 2008

Naalala mo ba si Bionic Man? Eh si Million Dollar Man? Oo, kopong kopong pa yun. Alam ko nga me pinoy version pa yun na pinagbidahan ni Chiquito. Ah eto, Six Million Centavo Man.

Bata pa kasi ako, mahilig na ako tumambay sa harapan ng tv namin na de-ikot ang pihitan. Pero kahit de-ikot yung panglipat ng channel, hi-tech. Me remote. Pipindutin lang ng kuya ko yung tenga ko, iigtad na ako at kusa kong ililipat yung channel.

Dahil me official silang “remote”, sempre don na don ang dating ng mga kuya ko. Sempre pa, dahil ako ang pinakabata, ako ang laging taya. Kumbaga sa gyera, palagi akong private at sila ang mga generals. Kahit ano iutos ng generals sempre, takbo ka, “sir yes, sir!”

Okey naman kasi madalas nila akong inuutusan bumili ng yosi dun kina Aling Charing. “O Udong, ibili mo ako ng limang stick na Malboro.. sindihan mo na ha?!”

Ako naman itong si kumag, sindi naman sempre. Bago pa ako makarating sa bahay, nangangalahati na yung yosi kaka-hithit ko. Kahit pa nga ba katabing bahay lang namain yung tindahan. Asbok!

Kaya malamang kung bakit ang aga ko natuto mag-sigarilyo, 10 yrs old. Joke lang, sobra ka naman.

Naalala ko lang yung si Bionic Man dahil sa sobrang sakit na inaabot ko. Dahil kasi sa pagkawala ko ng forty days en forty nights, napag-esep esep ko na baka pupwede ko na papalitan yung paa ko. Tutal hi-tech na ngayon. Grabe na kasing pahirap etong isa sa pamana sa akin ng tatay ko. Andaming naman nyang mga agimat na pwedeng ipasa sa kin, rayuma pa. Kainis.

Tutal madami na rin akong nababasa na mga half-half, baka pupwede na. Hindi yung Half German-Half Sheperd. O kaya Half Persian-Half Cat. Eto pinaka corny at kopong kopong joke, Half Filipino-Half Filipina.

Yung half human, half machine. Ala exterminator ang dating. Me mga paa sila or kamay na bionic. At least kapag pinapalitan ko na tong paa ko, siguo naman, di na ko aatakihin ng rayuma ko. Hi tech pa ang dating ko, futuristic.

Problema ko lang, di na ko makakapaglaro ng magnet. Saka di kaya ako matetano? Papano kung maliligo ako, pwede kaya syang basain? Bukod pa sa pihadong super duper grabeng over the top ang mahal nya. Siguro naman baka pwedeng hulugan. Kahit na limang piso araw araw pwede na.

Nakontak ko naman. Sabi ko nga baka pwede ding gawing bionic yung “certain part” ng mga lalaki. Natawa pa sa kin yung doktor. Bat ko pa daw ipapa-bionic yun eh andami ko na daw mabibili sa mga “shops”. Wahahahah!

Inilagay na ako sa waiting list. Kung hanggang kailan ako magwe wait, yun lang ang medyo malabo, kasi wala naman syang sinabi. Sabi ko pa nga, baka pwede na ring magpadagdag ng brain. Kasi medyo kulang yung right hemisphere ko eh. Wala lang, tumingin lang yung doktor sa malayo, parang walang narinig.

Baka kelangan na din nya ng bionic ear. Bingi.

Forty Days and Forty Nights

Friday, September 26th, 2008

Ang buong akala ko, mga ka-edad lang ni Kopong Kopong ang kabatak ko. Yun pala pati mga mas sinauna pa ke Mahoma naging trops ko na rin.

Kasi naman, para akong naging alagad ni Moses na pinagkaitan ng daan patungong Pramis Land. Inabot ako ng syam syam, humigit kumulang porty payb years at forty days en forty nights na walang ginawa kundi magmuni-muni kung bakit ko sinapit ito.

Dati-rati nung nasa Los Angeles pa ako, minsanan lang kung umatake etong pesteng gout ko. Ngayon, di lumalampas ang isang buwan, umaatake. Kahit pa anong iwas ko sa mga karneng baka at mani, umaatake pa rin ang hinayupak. At ito ngang huli, men, yun ang pinakamatindi.

Ako pa naman ang dehins mahilig magpadoktor. Kasi naman, alam ko naman na ang sasabihin nya. Kung pwede lang akong gumawa ng sarili kong reseta, e di sana ako na lang. Andami namang resources online para malaman mo kung ano ang sakit mo. At alam ko naman na ang sakit ko. Age.

Pero grabe na talaga. Di na kinaya ng powers ko. Kahit pa me mahiwagang tungkod akong nahiram dun sa kasera ko, gumagapang pa rin ako papasok sa opisina. Yun nga atang ka-trabaho ko, napansing grabe na akong ngumiwi kasi lumalabas na ang ugat sa mala-airport kong noo, kaya naisipan pa akong alukin ng Morphine. Sabi ko na lang, tenkyu but no tenks.

So, no choice ang lolo mo kundi pumasyal ke dok. Sabi ba naman sa akin, “Buraot, you need some rest. I’ll give you a note not to come to work for a week.” Sabi ko, “Nooooooooo!” Eh di wala akong sinweldo. Kaya ang sabi nya, blaha ka sa buhay mo.

So ayun, tinurukan ako ng tinurukan. First time ata nung nurse magturok kaya excited na excited pa ang bruha. Pinagdudutdot ang mga balikat ko ng karayom, pati na rin sa hips. Kala ko tuloy paa-anakin din ako ng mga hitad. Kinuhanan din ako ng urine at stool sample at dugo para sa mga lab tests. Sabi ko nga, tutal hi-tech naman na, baka pwedeng kulangot na lang. Di daw pwede, di daw tatanggapin ng machine. Bale isang gallon na dugo lahat-lahat ang kinuha sa akin. Para daw siguradong ma-check lahat.

Ng matapos lahat, hiningi ko na sa doktor yung note na ino-offer nya nung umpisa. Eh ikaw ba naman ang gawing lab rat, pag di ka rin napagod, ewan ko na lang.

Swimming With Michael Phelps

Friday, August 15th, 2008
Sensya na. Ilang araw ding walang tao dito sa bahay ni Kulapo. Kasi naman matinding puyat ang inabot ko kakapanood nung opening nung Beijing Olympics. Inabangan ko kasi yung fireworks dun na disenyo daw ni Boy Paa.

Katulad nung paputok na korteng paa, peke din yung isang kanta. Yung super duper kyut na batang babae, nagli lipsing lang pala. Pero wala naman akong paki dun. Blaha sila sa buhay nila.

Ilang araw na akong nakatambay sa mga kapwa ko mahal ko, pero kahit anong pagtutuwad ang gawin ko, wala pa ring nakukuhang medals ang mga trops natin. Medyo kulang ng konti sa mga hakot. Kaya kesa maburaot ako, umorbits muna ako sa me magandang view. Balak ko sana panoorin yung beach volleyball para makakita ng mga seksing chikababes pero medyo malayo-layo kaya sa swimming pool na lang ako unang rumampa.

Kaso andaming nauna sa akin. Katulad ko gusto din lang maki-view.


Kaya no choice, dun na lang ako sa kabila tumambay kung saan nagwa waras waras si Michael Phelps. Namumulot lang ng medalya ang tulok. Di man lang mamigay. Nababad yata ako ng husto sa tubig kaya eto, inabot ako ng trangkaso. Sa halip na sa pool ako magtatampisaw, sa rolyo rolyong kleenex at sipon ako lumalangoy.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana