» Anak ni Kulapo FAQu
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Anak ni Kulapo FAQu

Sino si Kulapo?

Malay ko. Ang alam ko lang, kopong kopong pang pangalan yun. Kabarkada nina Mahoma at Kopong Kopong, kainuman ni Sun Yat Sen at ni Padre Damaso.

Kagaya nina Kopong Kopong, hinagilap ko din kung nasaan ang kumag. Ipinagtanong ko din naman kung sino sya. Nalaman ko na si Kulapo ay isang komiks character noong bago pa napadpad at naghara-kiri ang mga sakang sa mga aplaya ng Pilipinas. Nalaman ko din na di na pala original ang Anak ni Kulapo. Dahil sa sobrang hinagpis na inabot ng mga comfort women sa mga sakang, libangan nila ang magbasa ng Anak ni Kulapo.

Sino naman ang me pakana ng site na ito?

Sempre si Buraot. Sya ang bida dito dahil site nya ito. Kung gusto mo ring maging bida, magtayo ka rin ng site mo. Si Buraot ay isang talipandas na pagala-gala sa universe. Sa mga oras na wala syang magawa, ito ang kanyang palipasang oras. Kung katulad ng ibang mga nagtataka at naghahanap ka rin ng piktyur nya, gudlak. Kahit na pakaway-kaway sya sa TV, mahiyain sya sa personal.

Me reklamo ka ba?

Lahat ng sama ng loob mo, hinaing, suhestyon, kuro-kuro, apila at kung anu-ano pang achuchuchu, welkam dito.

Maglagay ka lang ng komento sa lahat ng anik-anik na makikita mo gaya ng chatbox sa gilid ng blog na ito, o kaya naman ay magiwan lang ng kumento sa kahit aling post pati na rin dito. Kung nahihiya ka naman at kahiya-hiya ang sasabihin mo, pwede kang sumulat kay Buraot at ipadala mo sa Timbuktu o kaya naman ay sa buraot@anaknikulapo.com.

P.S.

Kung mangungutang ka naman, 20% ang tubo.

-Ang Anak ni Janice Kulapo.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana