April 5th, 2010 by BURAOT
Categories: Linkback Pugak
9 Responses
Bago ang lahat, bago magkalimutan, narito muna ang mga bagong salta sakuta ni Kulapo.
Mga mala-impaktong nilalang na walang takot na nag-comment kahit na di nila alam kung mababaril sila ni Ben Boga o mapapana sila ni Boy Pana.
Eh ano ba naman ang malay natin, baka mamaya pag na-comment ka sa isang websayt, bigla na lang mag crash ang pc mo. O kaya bigla na lang yan sumabog.
Panata kasi ni Kulapo na mamigay ng sandamakmak na link under the program Linkback Pugak. Wala lang, gusto ko lang mamigay ng link. Bukod pa dyan, me pam-post ako sa site kapag wala lang ako maisip.
Kaya hayan ang mga links nyo, salpak nyo sa baga nyo. Basa lang ng Basa…
December 10th, 2009 by BURAOT
Categories: Linkback Pugak
8 Responses
Medyo matagal na rin tayong hindi nakakapalo sa mga wetpaks ng mga bagong salta.
At dahil may promo tayong Linkback Pugak, no choice kundi bigyan sila ng libreng plastic balloon at link.
Narito ang mga bagitong mga walang takot na dumalaw sa site ni Kulapo. Naway dumami pa kayong parang mga gremlins. Basa lang ng Basa…
October 20th, 2009 by BURAOT
Categories: Linkback Pugak
12 Responses
Matagal-tagal na rin naman akong hindi nakakapamigay ng mga links. Mga forty-payb years na.
Kaya naman isang welkam palo mua sa mga kawawang nilalang na naligaw dito sa kuta ni Kulapo.
Magsawa muna kayo diyan sa mangilan-ngilan kong post at pagtiyagaan na muna ninyo ang mga nasa baul dahil busy pa ang lolo nyo makipag bunong-braso sa mga albularyo dito. Basa lang ng Basa…
September 7th, 2009 by BURAOT
Categories: Linkback Pugak
10 Responses
Wala. Wala akong kagaaaaana-gana. Wala akong ganang magsulat dito sa site ko na walaaaaaang kakwenta-kwenta. Wala.
Wala. Wala rin akong maisip. Wala rin akong kaaaaaaaisip-isip. Wala! Wala! Wala!
Kaya bago ako masiraan ng bait, ikakabit ko na muna ulit ang links ng mga bagong salta sa site ni Kulapo. Mga matatapang na nilalang na hindi kinilabutan at nag-comment. Heheheh. Basa lang ng Basa…
August 28th, 2009 by BURAOT
Categories: Linkback Pugak
10 Responses
Halos 45 years na din akong hindi nakakapamigay ng welkam palo. Palibhasa 45 years din kung kalikutin ko ang site na ito.
Busy ang lolo mo. Lagi.
Pero subalit datapwat ngunit, para sa mga malalapad na wetpaks ng mga bagong salta dito na walang kasing-tapang na nag-comment kahit 45 years bago ako makapag-reply, narito ang inyong mga backlinks na libre kong ipinamimigay.
Eto ang sa inyo… wagapak! Basa lang ng Basa…
July 22nd, 2009 by BURAOT
Categories: Linkback Pugak
14 Responses
Nitatamad ako mag-post. Hinde busy lang. Minsan me sakit minsan naman wala. Tamang seryoso muna kasi wala akong maisip. Nauubusan na ata ako ng isip.
At tutal wala din naman akong maisip at wala akong balak magsulat, isasalpak ko na lang muna itong nakabinbin na pagwe welkam palo sa mga bagong salta at mga naligaw dito sa site ni Kulapo.
Kahit nga ba wala namang bago dito. Puro lumang damit. Puro lamog, puro tubal. Basa lang ng Basa…
SikatchuPosts