Nice Blog.. X-Links?

February 7th, 2009 by BURAOT Categories: Blogag, Linkback Pugak 34 Responses

blah blah blahIsa sa sinasabing ika nga lifeblood ng mga blogs ay ang mga incoming links. Ito yung mga sites na may nakakabit na shortcut ng url mo na sya namang nagiging daan para pasyalan ka rin ng ibang mga bumibisita sa kanila.

Kumbaga sa tunay na buhay, mas maraming nakakakilala sa yo, mas mataas ang ranggo mo dahil kuno ay sikatchupoy ka. Di na bale kung lahat sila ay pinagtsi-tsismisan ka lang naman pala. Kumbaga sa showbis, kahit pa negative, publicity is still publicity. Magkalat ka lang ng limpak limpak na links, tataas na ang ranggo ng blog mo.

At sempre, mas mataas ang ranggo, mas madali ang humada ng mga ads. Sa isang daan taon kong pagba-blog, isa ito sa mga natutunan ko: Panalo ka kung ikaw ay ma-epal! Bakit? Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes