Prensheeps

February 2nd, 2008 by BURAOT Categories: Blog Contests No Responses
Tama kaw Kabayang Itot, bukod sa mga asuntong mga natanggap ko, natabunan na din ako ng sandamakmak na meme. At no choice ako kundi ubusin, dahil habang me nakabinbin ako, wala akong maesep na ipost dito.

Naka attend ka na ba ng mga awarding ceremony? Di ka ba inaantok sa dami ng mga pa-epal sa umpisa? Yung bago dumating yung pagbibigay ng award, laging me mga eklat muna at mga walang kamatayang speeches ng mga kung sinu-sinong ponsyo pilato? At yung camerang dala dala mo, ubos na ang flash at ang memory, wala pa yung mismong kukunan mo. Hay nako…

At eto.. ganito din yun. Eklat ko lang yung unang paragraph. Kase sempre, me natanggap na naman akong prensheep badge sa mga kapwa ko blogista na mga chikababes. At sempre, welkam na welkam yang mga yan. Kasi bukod sa dumadami na kasangga ko sa blogosphere, me pangsalpak pa ko sa page ko.

Eto ang una, mula kay Lukaret na nasa Alemanya. Ako lang ba nakakapansin na kahawig sya talaga ni KC? Oo, KC…… KC Montero. Nyahahah! Joke lang pakner. Hinde, tutut, hawig nya si KC Concepcion. Naks! Ganda ni Mommy. Tenkyu pakner sa award.

Dahi pareho din lang naman ang tema, isinabay ko na din yung galing ke Pusang Maganda. Eto rin isa pa sa mga chikababe sa blogosphere. Gandang Belo. Ehe. Gandang Morena. Meow!! Tenkyu tol sa prensheeps. Kaso, baket ka naman nag-hiatus? Guilty tuloy ako kasi nung ni-tag kita bigla kang nag-hiatus. Nabigla ba kita? Dahan-dahan naman ako ah? Nyahahah!

At ang mga ito dapat daw ay ibinabato pabalik sa iba pa to keep the friendship on growing. Pero baka yariin na naman ako ni Haring Gugel kase baka magmukha na naman itong link farm sa dami. Kase ipinapasa ko ito sa lahat ng mga nasa aking tootsie roll. Asus, andun sa kanan, hanapin mo yung tootsie roll dun!

Kase lahat sila deserving. Di ko naman basta basta kinakabit yung link ng me link no? Kaya lahat sila prensheeps.

Kung kaya kung nasa tootsie roll kita, pakipitas mo na lang ang mga badge na ito dahil kasama ka dito.

Sya sya… hanggang sa susunod. Na Award. Lekat dami ko pa nakabinbin.

Blego: Baklang Agogo

January 28th, 2008 by BURAOT Categories: Blog Contests No Responses

Talaga naman. Walaaaaa kayong kadala-dala. At walaaaaa kayong kasawa-sawa. Na mag-tag sa akin. Nyahahah! Kahit na binabalatuba ko lang ang mga meme, sige pa rin. Ganun kabibigat ang aking mga repapits.

Nung una ko to nabasa sa blog ni Evilwoobie, scroll down ako agad sa bandang huli. Nung makita ko na wala ang pangalan ko dun.. haaayyyyy! Nanlaki yata lalo ang butas ng ilong ko kase nakahinga ako ng maluwag. Parang me Vicks Vaporub.

Eh kasi naman, madugo yung tagnaito! Kaso mo, na tag nya si Pareng Ambo.. at tinag naman ako ni Ambo. Naknangteteng! Sabit pa rin. At dahil medyo paduguan, di ko na babalatubain ang rules. Kasi bakas mas di nyo maintindihan.

The rules: (kelan kaya magkaka meme na walang rules)

1. The person tagged must copy the word and paste the definitions of the word contributed previously by the people who did the meme. Link backs would be nice, but not necessary.
2. The person tagged must then add her own definition in this format ‘yourname.com’s definition’ and place your link. Being creative with the acronym is encouraged.
3. Answer the following questions.
4. tag 5 other people to do the meme.

The Questions: (kelan kaya magkaka meme na walang question marks)

1. Do you know what your blog is really about, and you can write a one-sentence promotional material for it in a flash? If yes, write it here. If no, pak this.
2. Do you join social networks to promote your blog? If yes, do you hope to find friends in these social networks and in the process get regular readers of your blog? If no, pak this.
3. Do you or do you plan to join ranking sites that put your blog in competition with others for popularity? If yes, do you or do you plan to monitor your stats regularly? If no, pak this.
4. Do you tweak your blog often in accordance with the tips you get from blogging guides and gurus? If yes, list the bloggers you visit often to obtain these tips. If no, pak this.
5. Do you think of your next post even if you have just written a new one? If yes, list your inspirations for posting, and/or some routines that you go through before posting. If no, pak this na naman.

—————————————————————————————————————

At eto na ang mala-impaktong kasagutan ni Kulapo sa meme na ito.

Blego (ayon kay Pinoy Ambisyoso) – n. a blogger who believes he knows everything, that he is superior among others, that he is popular, famous and genius. A self-centered blogger.

Blego (ayon sa Aklat ni Kulapo) – Blego = Baklang Agogo n. a cross-dressing transvestite who stripteases in cheap smoky bars where most guys are so drunk that they can no longer see that they were actually salivating for another guy.

At eto ang aking napaka-lalim na mga kasagutan sa mga katanungang isa hanggang ika-lima na nasa itaas.

1. Sa totoo lang, hindi po. Wala lang naman ako magawa. Ang aking naesep na promotional line para sa blag na ito? Eto, ala-komersyal sa radyo..

Ikaw ba’y hinihika? Kung gayon, naririto na ang kasagutan sa iyong hika.. Opo. Narito na. Magpakulo lang ng mantika. Laklakin ang kumukulong mantika! Garantisado, tanggal ang hika. Tanggal din ang iyong baga.

2. Opo. Sumasali po ako sa mga social networking sites. Pero hindi lang para i-promote ang aking blags. Kundi para i-promote ang aking sarili. Oo, showbis. I am my own product. Wag ka na pumalag. Minsan minsan lang naman ito.

3. Opo din. Katunayan paborito ko din yung mga kanta nya. “It’s not the way we held each others arms… what matters most is how well we… huh?” Si Kenny Rankin yun di ba?

4. Opo ulet. pag wala akong magawa, kung anu-ano ang mga pinagpipipindut ko dito sa mga sites ko. Kabit, salpak, tanggal, kabit ulit, salpak ulit, tanggal ulit. Lahat ng mga naka-link sa kin, kinokopyahan ko at dinedekwatan ko ng widget at mga anik-anik.

5. Opo na naman. Mas regular pa nga ang mga post ko sa blog ko kesa sa paliligo ko. Pag di na ako mapakali, hindi ibig sabihin nun, me naiisip akong ideyang pang post. Ibig sabihin nun, kelangan ko nang ilipat yung brief ko sa Side B.

Hokey. Pinish na. eto naman ang mga tina-tag ko para dito. Eto na po ang mga wagi… sina.. Pusang Maganda, Lukaret, Pinoy Entrecard (oo, Itot ikaw ulit), Spokening Peso, at Chuvaness (tol, eto nosebleed din).

Cachupoy Blogs Unite!

January 13th, 2008 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 2 Responses

Heto na po, me update na ng bilangan dun sa pautot ng KwentongBarbero.Com na Best Cahupoy Blogs. Biruin mo, andami palang mala-cachupoy na blogs na gawa ng mga pinoy. Andami kong naispatan. Nung una, ni hindi ko nga naririnig kaya naman nung mapasyalan ko, nabingi ako.

At sempre katulad ng aking agam-agam, anlayo ng agwat ng aking syotang si Inday. Halos doble ang score nya sa number 2 na si mala-polvoron sa keseksihan na si Maruism. At opkors, nagpapasalamat din ako sa mga nagoyo bumoto sa akin. Kahit na bagito lang po ako dito sa kaekekan na ito, eh medyo nasa top ten naman. Naks!

At nasa 5-6 place ako katablahan si Jojitah.Com. Close kami ha? I’m sure magiging close kami talaga. Ehem. Heheheh.

Eto na po ang countdown ng mga nasa Top 20 (Twenty lang, handami eh). Para sa kabuuang listahan ng countdown, pasyal ka lang dito. Oo dyan.. Yung di pa nakakaboto, oi bumoto na kayo, at mapag-iiwanan kayo, ei kami pala. Basa lang ng Basa…

Palatastas Take#8: Kumersyal Muna

November 27th, 2007 by BURAOT Categories: Palatastas 20 Responses

Oo, alam ko… naiinip ka na sa kasunod ng meme at sa sagot dun sa nakaraan kong eksperimento.

Pero kotseng kuba, wag mo muna susunugin bahay ko ha? Eto naman eh maikling kumersyal lang muna hane? Habang mainit-init pa at medyo malakas pa ang raket nitong si Kulapo.

Sa mga nagkukusa, ehem.. ala ay hindi po ako tumatanggap ng donasyon. Hindi pa. Wahahahaha! Ang raket pong ito ay papunta lahat sa charity. Basa lang ng Basa…

Palatastas Take #5: Updates

October 27th, 2007 by BURAOT Categories: Palatastas 3 Responses
Updates muna tayo.

Sa mga naiinip dun sa bagong-bago kong blag, ang The Antisocial, relaks lang muna kayo, masyado kayong mainit. Malapit na ang Araw ng Kaluluwa dun ko opisyal na bubuksan yun.

Ako nga naiinip eh, kayo pa. Muntik-muntikan ko na ngang buksan ng maaga dahil sa mga development sa Pinas. Kaso ayoko namang masira sa iskedyul. Baka yariin ako ng producer ko. Basa lang ng Basa…

Sanglibong Hits, Sanglibong Halik!

October 14th, 2007 by BURAOT Categories: Palatastas 2 Responses

halikNapanood mo na ba yung pelikula na yun? Isanglibong Halik?

Panahon pa ni kopong kopong at bagets pa nun si FPJ. Blak en Wayt pa nga ata. Tapos hinahalikan nya si Elizabeth Ramsey ng isanglibong beses. Tiyaga. Di ko na matandaan kung bakit kelangan nya halikan, baka ala style palaka na magiging prinsipe.

Pero ang natatandaan ko, tu yirs old pa lang kasi ako nun, niloloko lang nya si FPJ. Minsan nga nagkamali pa sya ng bilang, e di nag-umpisa sya ulit sa isa.

Bakit ko naisip yun? eh kasi naman tol…….. Basa lang ng Basa…

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes