Sikatchupoy Contest FAQu!

October 20th, 2008 by BURAOT Categories: Blog Contests 32 Responses

Dahil malapit na ang haloween, eto na po ang pinaka hihintay ninyong update sa mala-impaktong pakontest ng site na ito. Para lang po hindi malabnaw sa lahat, narito ang sagot sa iba ninyong mga mala-impaktong tanong.

Sikatchupoy si BURAOT Contest? Ano yan?

Yan ang mala-impaktong pakontest ng site na ito.

Eh ano naman ngayon?

Wala lang. Magpapamudmod lang naman si Buraot ng humigit kumulang one thawsand syete mil $550 as in amerkanong dollars sa mga sasaling mga blogs sa pautot na ito.

Talaga? Ganun kalaki?

Oo, pramis. At me kasama pang entrecard credits. Kaso yung entrecard credits, hulugan kasi me bagong rules ang entrecards na kelangan 1000 credits a week lang ang pwede i-transfer.

Baka naman drowing lang yan?

Aktwali, bagsak si Buraot sa art class, pati na rin sa penmanship at homeroom. At kung drowing lang yan, eh sira ang kabuhayan ng mga blogs ko.

$550? as in Dollars? Huwaaw!

Bale yan ang total na papremyo.

1st prize ay $300 at 3000 entrecard credits

2nd prize ay $100 at 1000 entracrd credits

3rd prize ay $50 at 500 entrecard credits

at $100 na consolation prize sa mapipiling pinaka-matindi o makabagbag-damdaming post.

Hanyaman mo naman! Saan naman galing yang mga papremyo mo?

Ang mga pa-premyo ay mula sa iba’t ibang sources nakikilan ko. Ang iba  ay galing sa aking pinag-pokpokan sa ibang blogs, at ang iba naman ay galing sa ibang mga kopong kopong na sponsor ng blogs ko. At ang pinakamalaking parte ay galing sa pamana sa akin ng nasira kong malayong kamag-anak sa Nigeria.

Teka.. teka… Pano naman pipiliin ang mananalo?

Balak ko bobolahin lang dun sa likod ng sagingan. Pero baka gumamit na lang ako ng randomizer sa internet o gumamit na lang ng tambiolo at i-video or baka gagayahin ko na lang ang pautot ni badudels ng www.kwentongbarbero.com. Kung me ideya ka naman, sabihin mo lang.

Bago lang ang blog ko, pwede ba ako jan?

Wala ng limit kung kelan nag-umpisa ang blog mo. Ayon sa revised rules na pinirmahan ni Bush, lahat ng blogs, pasok na. Kung tapos na ang kontest, at dun ka pa lang gagawa ng blog, eh sa ibang kontest mo na lang yan isali, yung pang eng eng.

Kelan ba ang tapos ng pakontest mo?

Ang huling usapan namin nung mga kubrador ko at bookies ay November 30. Deadline for submission of entries ay November 30, 2008, 11:59 PM, Pacific Standard Time (ibig sabihin oras dito sa Amerika kung san ako nagkukuta). Ito ay para bwena manong pang krismas shopping sa mananalo at di naman ako mamumulubi bago magpasko.

O sya, eh papano naman kami sasali?

Simple lang ang pinaka-punto ng pakontest na ito, i-link mo lang ng 2 beses ang site na ito. Una, ang bagong domain/url ng site na ito na www.anaknikulapo.com, at isa sa mga post ng site na ito, kasali ka na. Ganun ka desperado magka -link ang me ari ng site na ito.

NOTE: as in importante: Pagkatapos mo mag-post ng entry mo, wag mo kalimutang kontakin ang me ari ng site na ito sa pamamagitan ng pagpo-post ng comment kahit saan sa site na ito o thru email sa buraot101@gmail.com kasi minsan mabagal ang aking mga auto-bots na alagad, di agad mahanap ang link. Wag mo ipapadaan sa post opis, mahaharang.

Para sa karagdagan, mas detalyado at pampalitong impormasyon, bisitahin ang mismong Contest Page sa pamamagitan ng pag-klik here. Oo dyan nga!.

Bionic Kopongkopong Man

October 17th, 2008 by BURAOT Categories: Mala-Impaktong Buhay Buraot 10 Responses

Naalala mo ba si Bionic Man? Eh si Million Dollar Man? Oo, kopong kopong pa yun. Alam ko nga me pinoy version pa yun na pinagbidahan ni Chiquito. Ah eto, Six Million Centavo Man.

Bata pa kasi ako, mahilig na ako tumambay sa harapan ng tv namin na de-ikot ang pihitan. Pero kahit de-ikot yung panglipat ng channel, hi-tech. Me remote. Pipindutin lang ng kuya ko yung tenga ko, iigtad na ako at kusa kong ililipat yung channel.

Dahil me official silang “remote”, sempre don na don ang dating ng mga kuya ko. Sempre pa, dahil ako ang pinakabata, ako ang laging taya. Kumbaga sa gyera, palagi akong private at sila ang mga generals. Kahit ano iutos ng generals sempre, takbo ka, “sir yes, sir!”

Okey naman kasi madalas nila akong inuutusan bumili ng yosi dun kina Aling Charing. “O Udong, ibili mo ako ng limang stick na Malboro.. sindihan mo na ha?!”

Ako naman itong si kumag, sindi naman sempre. Bago pa ako makarating sa bahay, nangangalahati na yung yosi kaka-hithit ko. Kahit pa nga ba katabing bahay lang namain yung tindahan. Asbok!

Kaya malamang kung bakit ang aga ko natuto mag-sigarilyo, 10 yrs old. Joke lang, sobra ka naman.

Naalala ko lang yung si Bionic Man dahil sa sobrang sakit na inaabot ko. Dahil kasi sa pagkawala ko ng forty days en forty nights, napag-esep esep ko na baka pupwede ko na papalitan yung paa ko. Tutal hi-tech na ngayon. Grabe na kasing pahirap etong isa sa pamana sa akin ng tatay ko. Andaming naman nyang mga agimat na pwedeng ipasa sa kin, rayuma pa. Kainis.

Tutal madami na rin akong nababasa na mga half-half, baka pupwede na. Hindi yung Half German-Half Sheperd. O kaya Half Persian-Half Cat. Eto pinaka corny at kopong kopong joke, Half Filipino-Half Filipina.

Yung half human, half machine. Ala exterminator ang dating. Me mga paa sila or kamay na bionic. At least kapag pinapalitan ko na tong paa ko, siguo naman, di na ko aatakihin ng rayuma ko. Hi tech pa ang dating ko, futuristic.

Problema ko lang, di na ko makakapaglaro ng magnet. Saka di kaya ako matetano? Papano kung maliligo ako, pwede kaya syang basain? Bukod pa sa pihadong super duper grabeng over the top ang mahal nya. Siguro naman baka pwedeng hulugan. Kahit na limang piso araw araw pwede na.

Nakontak ko naman. Sabi ko nga baka pwede ding gawing bionic yung “certain part” ng mga lalaki. Natawa pa sa kin yung doktor. Bat ko pa daw ipapa-bionic yun eh andami ko na daw mabibili sa mga “shops”. Wahahahah!

Inilagay na ako sa waiting list. Kung hanggang kailan ako magwe wait, yun lang ang medyo malabo, kasi wala naman syang sinabi. Sabi ko pa nga, baka pwede na ring magpadagdag ng brain. Kasi medyo kulang yung right hemisphere ko eh. Wala lang, tumingin lang yung doktor sa malayo, parang walang narinig.

Baka kelangan na din nya ng bionic ear. Bingi.

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes