Mala Impaktong GPS

December 18th, 2009 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 9 Responses

GPSMay mga bagay na kahit mas convenient ang maging hi-tech, mas gusto ko pa rin ang low tech. Mas trip ko… old school!

Pero mas madalas, mas gusto ko lang talagang maging Buraot at mag tigas tigasan ng ulo.

At dahil in na in kahit out pa rin, parang obligado rin na lahat ng madlang pipol ay maki-uso. Hindi lang para maging in ka rin, kundi mahirap magmukhang eng-eng kapag tinatanong ka tungkol sa mga bagay na wala ka namang kaalam-alam pero dahil lahat ng tao ay meron kaya inaasahan ka rin nila na dapat din na alam mo. Gets mo? Basa lang ng Basa…

Me Fool at Special Pink Biik

April 1st, 2008 by BURAOT Categories: Byahilo, Mala-Impaktong Buhay Buraot One Response
Oist Fink Biik, eto na ha. Special na special pa dating nito ha? Parang pang Laloma. Sa totoo lang, andun yung link mo sa Pinoy Entrecard na tootsie roll ko. Pero dahil panay ang reklamo mo dyan, isinalpak ko na rin dun sa Kaututang Dila at sa Cachupoy Blogs.

Nag-eesep kasi ako ng pang post ko na mala-cachupoy na pang April Fools Day. At sa sobrang kakaisip ko, kinulang na naman ako sa tulog. Tuloy kaninang umaga, madaling araw pa lang umuwi na ko galing trabaho. At sempre dahil nga kulang sa tulog ang lolo nyo, nakatulog na naman ako sa pagmamaneho.

Nagising na lang ako eh nasa ibabaw ako ng tulay at lumilipad yung si Tagpi ko. Buti na lang kamo yung binagsakan ng kotse ko, sakto sa daan na dadaanan ko talaga. Hanggaling. Para lang syang stunt sa pelikula. Sayang nga walang piktyur piktyur, e di sana me remember kung gaano ako kagaling magmaneho.

Buti nga hindi nagkalas kalas si Tagpi. Ubos pa naman na yung supply ko ng salonpas. Tinadtad lang ng gasgas yung ilalim nya kaya baka madadala sa sangkaterbang kuritas (band aid po yun). Ayan, me natutunan ka na namang word op the day na galing Timbuktu.

Nawala tuloy ng diretso yung antok ko, daig ko pa ang suminghot ng isang kilong kapeng barako na katulad ni Itot at napahithit pa ako ng isang dosenang tabako ng di oras.

Sakto sana yung R.I.P. ko April Fools Day. Nabatukan ko tuloy sarili ko, you fool!

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes