Magrereklamo ako. Discrimination, racial profiling at kung anu ano pa. My rights were violated. Kukuha ako ng pinakamagaling na abogado para ipaglaban ko ang aking niyurakang dangal.
Yang PPP na yan, Entrecard at kung anu-ano pa. Ayaw nila sa akin, kasi di raw ako marunong mag-English. Ang sabi nila, mag-aral daw muna ako. Kahit konti lang daw, baka daw sakali pumasa ako. Ayoko nga! Marunong pa sila sa ken. Ayokong ipagpalit ang integridad ng blog na ito. Ayokong ipagkanulo ang aking pananagalog dito. Makabayan ata ako. Kung ayaw nila sa blog ko, wag nila. Yun na lang ibang blogs.
Bakit, pag ba magaling kang magsalita ng Ingles, matalino ka na? Kapag ba english ang version ng salita mo, maiintindihan ka na ng madla? Eh pano kung jologs ang aking madla na nag-eenjoy namang makichukchak sa Tagalog? Papano kung nauuta ka na sa English at gusto mo ng native? Papano kung mas trip kong gamitin yung ibang salitang para kang nakikipag-usap sa mga ibon?
Kaya ba sikat si Inday kasi high polluting ang Ingles nya? Masarap pa rin ba pakinggan yun sa tenga kung umaagos na ang dugo sa ilong mo? O nakapikit ka lang kasi di mo naman talaga naiintindihan at nakiki-ride ka lang? Bakit kapag ibang contestant sa Miss Pulis Pangkalawakan, pwede kumuha ng interpreter, bakit pag tayong Pinoy hindi? Bakit pag Pinoy ang nag-iingles ng pilipit, nakakatawa, pero pag Amerkano nagta-tagalog ng pilipit, kyut? Bakit tanong ako ng tanong, di ka rin naman sasagot?
Kinusulta ko ang isa sa pinakamagaling na abogado ni kopong kopong, si Atty. Dacuycoy. Sabi nya, malaki daw laban ko kaya makakabawi ako. Kailangan ko lang daw siguruhin na itataktak ko at di ako tatakbo. Sabi ko, atorni, kahit pa ubod ng nakngteteteng super duper arte si Wille, TFC ang pinapanood ng nanay ko dito. Ngumiti lang sya at tumitig sa hangin.
Di mo naitatanong, matagal nang abogado itong si atorni. Matindi ang kanyang bio data. Sumikat sya nung maging isa sya sa legal counsel ni Pepe sa Fort Bonifacio. Sabi nya ke Pepe…..
“Hokey lang yan kahit mayaman ka, mas mahirap ka pa rin sa mga prayle, kaya sigurado, magiging bayani ka. Pero para mas epektib yung photo ops mo kapag binaril ka, tatalikod ka muna, sabay biglang harap, parang model ng shampoo, oks?”
Kung kaya naman, sya ang kinuhang abugado nina Procopio at Andres noong nililitis ito ng tropa ni Aginaldo sa kasong rebelyon. Sabi nya…
“Hokey lang yan, mas patok sa pipol ang underdog, kaya wag na kayong magkudeta, kopo na nina Aginaldo ang mga sundalo. Kung ma-salvage man kayo, at least bayani kayo di ba? Kaya lang bawal ang kamera, walang piktyur! Wala na ba talaga kayong iba pang kapatid na pede isama, mas marami kasi mas patok!”
Sya rin ang nag-arbitrate nung peace agreement nina Lapu-Lapu at Magellan.
Lately, tingin ko sya ang nag-advise ke Trillanes na mag walk out sa korte at magkuta sa Manila Pen. Di lang sinunod ni Trillanes yung advise nya na maging bayani, allergic kasi yun sa usok.
“Ano, game ka na ba?” tanong ni atorni. “Wak na lang atorni, baka ma-whammy pa ko. Gimme some money lang naman gusto ko.” sagot ko.
“KJ ka naman, anti-hero kaw.”
“Anti-hero ka dyan, anti-hero mo mukha mo.”
SikatchuPosts